Dream come true para kay Janine Gutierrez ang mapabilang sa roster of talents ng Star Magic.
Noong June 2, 2026, pumirma ang aktres ng exclusive contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Sa contract signing, ibinunyag ng kanyang inang si Lotlot de Leon na matagal nang pangarap ni Janine maging bahagi ng Star Magic.
Read: Vlogger Ser Geybin hospitalized following emotional struggles
Nabanggit ito ni Lotlot sa isang taped video message na ipinalabas para kay Janine; kasama ang mga mensahe mula sa kanyang amang si Ramon Christopher at mga kapatid na sina Maxine at Jessica Gutierrez.
Bahagi ng mensahe ni Lotlot kay Janine: "You know that I will always be proud of you, and I'm just so happy for you for this wonderful milestone again.
"I know that signing with Star Magic has always been your dream.
"And I know by doing this it's going to be another exciting new journey for you and your career."
Kaugnay nito, kinumpirma ni Janine ang sinabi ng ina at inaming isa nga ito sa matagal na niyang pangarap na ngayon ay naisakatuparan na.
Pahayag niya: "I'm so grateful and happy to be here. Alam ng pamilya ko kung gaano ako kasaya at this moment and how grateful I am to be part of ABS-CBN, and now Star Magic.
"I'm just happy kasi parang it's not just about the network contract signing for me, but also the beginning of my journey especially with Direk Lauren [Dyogi] and Star Magic.
"I'm so grateful kasi alam ko kung gaano ka-supportive ang Star Magic family. Even though first time kong nagpunta sa office ni Direk Lauren, ramdam na ramdam ko na.
"So, ang laki ng pasasalamat ko."
Ikinuwento rin ni Janine ang naging biruan nila ng nakababatang kapatid na si Diego Gutierrez nang malaman nitong pipirma siya sa Star Magic.
Pagbabalik-tanaw ni Janine, "Actually si Diego, niloloko nga ako niyan na ginagaya ko raw siya.
"Pero sabi nga ni Mama, dati ko nang gusto [na maging Star Magic artist], so nauna talaga ako."
Gaya ni Janine, si Diego ay isa ring Star Magic talent, matapos nitong pumirma ng kontrata sa nasabing talent management noong March 11, 2025.
Jericho Rosales surprises Janine at contract signing
Bukod sa kanyang pamilya, naging espesyal din ang contract signing para kay Janine dahil personal siyang sinorpresa ng kanyang boyfriend na si Jericho Rosales.

Nagbigay ng mensahe si Jericho para sa bagong yugto ng career ng aktres.
Mensahe ni Jericho: "I'm so happy because you have dreams and I know your dreams.
"A great family behind you, supporting your dreams at a great network. You're in good hands.
"This is her dream to sit beside Sir Carlo [Katigbak] and Direk Lauren.
"This is an amazing day for you and I knew how much you've wanted to seal the deal and to be part of this family.
"So this partnership is going to be amazing. And I'm looking forward to your films, to your TV projects, and everything that you wanna do. Have so much fun.
"I'm so proud of you. I love you."
Read: Janine reveals Jericho has everything she looks for in a partner
Janine eyes bigger opportunities with Star Magic
Dahil sa tagumpay ng kanyang mga proyekto tulad ng Dirty Linen noong 2023 at Lavender Fields noong 2024, tinanong ng entertainment press si Janine kung ano pa ang nais niyang maabot sa kanyang career.
Sagot niya: "At this stage, ang dami ko pang pangarap.
"I want to continue to keep on growing, to learn more, and to get more opportunities na alam ko talagang ayun yung forte ng Star Magic through years of experience.
"I think perfect time and perfect opportunity na sumali na rin sa Star Magic family para talagang ma-guide ako sa next steps sa aking career and sa mga upcoming projects.
"Well, of course, alam ko kung gaano kagaling ang Star Magic talaga in taking care of their artists and teaching them and guiding them to new opportunities.
"I've always felt the warmth of the Star Magic family even before ako maging Star Magic artist."

Inanunsiyo ng Star Magic noong April 13, 2026 ang paglipat ni Janine sa kanilang management company.
Read: Kapamilya actress Janine Gutierrez joins Star Magic
Bago ito, ang showbiz career ni Janine ay pinamahalaan ng LVD Artist Management Corp. ng yumaong talent manager na si Leo Dominguez, mula noong September 2017.
Naunang naging contract star ng GMA Artist Center (Sparkle GMA Artist Center) pa noon si Janine, kung saan halos isang dekada rin siyang namalagi roon.
