PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Ser Geybin hospitalized following emotional struggles

Ser Geybin’s girlfriend opens up about vlogger’s hidden emotional struggles.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 10 hours ago
Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
Ser Geybin's girlfriend, Elma Asagra, reveals that the vlogger had been quietly dealing with emotional stress, family obligations, and personal pressures before his recent health scare.
PHOTO/S: Ser Geybin on Facebook

Patuloy na nagpapahinga at nagpapagaling ang YouTube vlogger na si Gavin Capinpin, mas kilala bilang si Ser Geybin, mula sa pagkakaospital nito.

Ito ang ibinahagi ng kanyang mga kapatid na sina Kelzy, Allen, at Kalo, at ng girlfriend niyang si Elma Asagra sa pamamagitan ng vlog.

Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
(L-R) Kalo, Kelzy, Allen, and Elma
Photo/s: Ser Geybin on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Martes, June 2, 2026, emosyunal na ikinuwento ng magkakapatid at ni Elma ang dahilan ng hindi pagpapakita ni Ser Geybin sa kanilang vlogs kamakailan.

Panimula ni Kelzy: "Sa mga nagtataka kung bakit wala si Kuya sa mga nakaraang vlogs po namin, ilang araw na rin. Ayun, si Kuya po kasi ngayon ay may pinagdaraanan.

"Sa pinaka-best terms mo, hindi po okay si Kuya.

"Kagabi po, sa hindi inaasahang pangyayari, e, isinugod po si Kuya sa ospital.

"Bandang alas otso po kasi kagabi, e, tumawag po sa akin si Ate Elma na puntahan ko raw po si Kuya doon sa [kuwarto] niya.

"Kaya lang po, wala po ako noong time na yon dito sa bahay kaya tinawagan ko po si Kalo."

Read: Vlogger Ser Geybin under fire for "disrespecting" BINI Mikha

Sa pagkakataong ito ay si Kalo naman ang nagbahagi kung ano ang kanyang nasaksihan noong gabi bago isugod sa ospital si Ser Geybin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw niya: "Yung time na tumawag siya sa akin, ramdam ko na iba. Iba kasi yung tono na ni Allen, the way na kinakausap ko siya.

"Pagkatawag niya sa akin na puntahan ko si Kuya sa kuwarto, tumakbo na agad ako, sumilip ako.

"Pagkasilip ko, hindi normal, kumbaga, talagang emergency ito.

"First time kong makita si Kuya na nakatirik yung mata. Si Ate [Elma] nasa tabi niya, umaalalay.

"Pumunta agad ako kay Kelzy, pinababa ko siya agad. Nagmamadali talaga ako kasi first time ko talagang makita si Kuya na naninigas siya ta's nakatingin lang siya sa taas.

"Ako, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kasi first time kong maka-encounter ng ganon."

Read: Jinggoy Estrada detained in QC jail after arrest for plunder case

Dagdag dito ni Kelzy, "Mahirap siyang aksyunan, kasi first time naming maka-encounter ng ganon.

"Dumating pa sa part na ayaw niyang magpagalaw din."

Dala ng sitwasyon, nagdesisyon na ang pamilya ni Ser Geybin na isugod siya sa pinakamalapit na ospital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa video, makikitang nagtulong-tulong ang ilang kasamahan sa bahay ni Ser Geybin na buhatin ang naninigas niyang katawan papasok sa sasakyang magdadala sa kanya sa ospital.

Sa sasakyan ay kasama niya si Elma at ina nitong si Elizabeth.

Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
Photo/s: Ser Geybin on Facebook

Kitang-kita rin sa video kung paano pilit na ginagalaw ni Ser Geybin ang namamanhid niyang mga palad maging ang kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan muling huminga ang vlogger kaya pinagamit siya ng paper bag habang nasa biyahe patungong ospital.

Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
Photo/s: Ser Geybin on Facebook

Lahad ni Allen: "Noong dumating na ako sa ospital, ayun din yung una kong nakita, si Kuya na may nakakabit na paper bag [sa bibig niya].

"Ayun ata yung ni-require ng doktor. Noong hinawakan ko si Kuya, talagang nanginginig siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vlogger Ser Geybin hospitalized following a sudden health scare
Photo/s: Ser Geybin on Facebook

Pagpapatuloy ni Kelzy, "Nahihirapan siyang huminga to the point na kailangan naka-bag na para yung ikot ng hangin, sakto lang."

Elma Shares What Led to Ser Geybin's Incident

Sa pagkakataong ito ay si Elma na ang nagsalita para ikuwento kung ano ang nangyari sa kanyang nobyo bago ang insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya napigilang mapahagulgol sa iyak nang alalahanin ang mga sandali bago isugod sa ospital si Ser Geybin.

Lumalabas na may mga pinagdadaanan ang vlogger na pilit nitong inililihim sa mga mahal niya sa buhay.

Lahad ni Elma: "Marami pong nasa isip si Geybin ngayon kaya hindi niyo siya makikita muna sa mga vlog.

"Pero gusto naming maging transparent kasi dahil naman sa inyo kaya kami nandito.

"Sa ngayon, hindi pa niya kaya yung mga tumatakbo sa isip niya, ang dami.

"Bago pa mangyari lahat yon, nag-usap kami. Doon lang din siya talaga nag-share nang buong nasa isip niya.

"Ang dami, nagulat din ako. Kasi nakikita natin siyang masaya araw-araw. Nakikita niyo kaming masaya sa vlog, pero lahat ng tao may pinagdaraanan.

"Kahit sa [mga kapatid] niya ayaw niyang magsabi. Kahit sa akin, kahapon ko lang din nalaman yung nasa isip niya."

Read: Who is Gavin Capinpin?

Kabilang daw sa mga labis na iniisip at dinaramdam ni Ser Geybin ay ang obligasyon niya sa kanyang pamilya, magmula noong sumakabilang buhay ang kanilang amang si Peddy Capinpin noong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Elma: "Una, aware naman tayong lahat na siya na yung tumayong head sa pamilya.

"Sobrang saya niya na ginagawa yon, pero siyempre sobrang lungkot niya kasi wala na si Tito Peddy.

"Isa yon sa mga dinadala niya hanggang ngayon. Sobrang sakit din kasi na mawalan ng mahal sa buhay.

"Napapagod na siya araw-araw. Sabi niya, hindi niya alam kung ano pa yung ikaka-excite niya bukas kasi hindi na niya alam yung mangyayari.

"Paano si Tita, paano yung mga taong nakapaligid sa kanya, kaya hindi siya pwedeng sumuko.

"Pero pagod na siya, hindi na niya alam paano pa imo-motivate yung sarili niya."

Read: Legendary American singer Peabo Bryson dies at 75

Bukod pa rito, naiisip din daw ni Ser Geybin ang relasyon nila ni Elma.

Saad ni Elma: "Kahit simpleng bagay, naiisip na niyang palakihin.

"Katulad noong sa amin. Akala niya hindi kami nagkakaaway kasi pinipili naming intindihin yung isa't isa, pero mayroon pala kaming hindi nasasabi sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahapon lang, sabi niya nakikita niya raw sa akin na gusto ko nang mapakasal kami. Na alam namin namin yung gusto namin, pero hindi niya mabigay kasi marami pa siyang kailangang gawin.

"Kahit yung simpleng paglilinis ko ng kuwarto niya, parang naiisip niya na pabigat siya.

"Iniisip niya raw noong nakaraan na makipaghiwalay, sa sobrang pressure niya sa nangyayari."

Dagdag pa ni Elma, "Natatakot din siyang may maiwan kasi naiisip niya yung dati na may mga umalis [siyang kaibigan]. Masama raw ba siyang tao?

"Wala siyang mapagsabihan, e, ginagawa lang naman niya yung best niya."

Ser Geybin's Family Appeals for Prayers for His Recovery

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Elma sa kanyang nobyo na ngayon ay may pinagdaraanan.

Pahayag niya: "Huwag mong isipin na nahihirapan kami sa yo kasi sobrang saya namin kapag masaya ka rin.

"Hindi lang kaming pamilya mo, kundi milyun-milyong tao ang napapasaya mo.

"Alam naming nahihirapan ka na kaya okay lang na magpahinga ka. Handa kaming maging sandalan mo lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nandito kami, hihintayin ka namin."

Humingi rin si Allen ng dasal sa kanilang mga tagahanga para sa agarang pag-recover ng kanyang nakatatandang kapatid.

Mensahe niya: "Isama niyo po kami sa mga dasal niyo.

"Hindi naman po kami mawawala, nandito pa rin po kami sa vlog, pero si Kuya po, e, magpapahinga muna.

"Ipagdasal niyo po siya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ser Geybin's girlfriend, Elma Asagra, reveals that the vlogger had been quietly dealing with emotional stress, family obligations, and personal pressures before his recent health scare.
PHOTO/S: Ser Geybin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results