Nagpaliwanag si Yasmien Kurdi kung bakit ibinabahagi niya sa social media ang mga binasa niyang libro noong nasa first year siya ng law school.
Sa Facebook noong Sabado, June 6, 2026, nag-post si Yasmien ng larawan niyang bitbit ang makakapal na librong binasa niya raw noong nakaraang semestre.
Magsi-second year na sa Arellano Law School ang aktres ngayong pasukan.
Simula ni Yasmien sa kanyang post: "Dahil malapit na rin ang pasukan ko (less than a month nalang). Decluttering time!
"Para may space na sa mga susunod pang books next sem.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na nabasa ko lahat ng ito from cover to cover (except sa codals ng Rules of Court at Civil Code, kasi sila naman ang mga susunod kong aaralin)."
Ayon kay Yasmien, hindi siya talaga palabasa ng libro pero dahil nga mahirap mag-aral ng abogasiya, napilitan daw siyang basahin ang lahat ng mga ito.
Saad niya: "Hindi naman talaga ako bookworm, pero sa law school, mapipilitan kang mahalin ang pagbabasa.
"For the past year, naging constant companions ko ang mga libro nina Fr. Bernas, Reyes, at De Leon. Maraming salamat sa mga aklat na ginawa ninyo. Hindi ko alam kung paano ko masu-survive ang law school kung wala ang malinaw na paliwanag sa batas."
Si "Fr. Bernas" ay si Father Joaquin Bernas, isang Jesuit priest, lawyer, college professor at manunulat na naging Dean Emeritus ng Ateneo de Manila Law School.
Hindi naman malinaw kung sino ang "Reyes" na tinutukoy ni Yasmien dahil maraming Reyes ang law experts at may naisulat na libro.
Si "De Leon" ay si Atty. Hector S. De Leon na isang eksperto sa batas pagdating sa obligations and contract (ObliCon).
Dagdag pa ni Yasmien: "Nakakatuwang balikan ang mga librong ito dahil bawat pahina may kasamang post it notes for recits at exams
"Favorite 1st Year Subject: Criminal Law
"Most Challenging Subject Last Sem: Oblicon
"Favorite Book: Constitutional Law by Fr. Bernas (sobrang detailed at gusto ko yung may historical context muna bago ang legal discussion)"

YASMIEN KURDI ANSWERS NETIZEN
Isang netizen ang nag-react at pinuna ang pagpi-"flex" ni Yasmien ng law books gayong first year pa lamang daw ang aktres.
Dapat daw, kapag nagre-review na siya ng bar exam saka siya mag-flex.
Komento ng netizen: "ang hirap maging Law student! First Year ka pa lang! MAKA FLEX! FLEX MO KAPAG BAR REVIEW KANA!"
Sagot ni Yasmien, dapat daw ini-enjoy kursong kinuha niya dahil sa law student na katulad niya, hindi sigurado kung makakatapos siya ng pag-aaral o kaya ay makakapag-bar exam.
Saad ni Yasmien: "Enjoy mo lang ang course. Life is short. Bahala na kung magba-bar o hindi. Huwag masyadong magpapadala sa pressure ng buhay.
"It's nice to document everything, para maka-inspire din ng ibang tao. Bawal ang sobrang pressure... baka mabaliw tayo. Smile lang, ____! Life is short.
"Yan talaga ang isa sa pinakamahalagang natutunan ko sa buhay... enjoy the journey, do your best, and don't forget to live."

Read: Tessa Prieto opens up about ex-husband's "infidelity"
YASMIEN KURDI: JUST ENJOY EVERY JOURNEY
Kahapon, June 7, ibinahagi ni Yasmien sa Facebook pa rin ang screenshot ng komento ng netizen.
Muli niyang ipinunto na kahit maliliit na tagumpay sa buhay ay maaari pa ring ipagsigawan.
Dahil nagkakaedad na rin daw siya, ini-enjoy lamang niya ang buhay dahil "life is short."
Ani Yasmien: "Just enjoy every journey, celebrate the small wins, and be proud of every little step you achieve in life.
"Siguro kung mas bata-bata pa ako, baka apektado pako. Pero sa edad ko ngayon, mas nare-realize ko na life is too short talaga."
Nalulungkot lamang si Yasmien dahil ang ibang tao raw ay parang naghahabol. Na hindi naman daw dapat.
Saad niya: "Just enjoy every journey. Hindi naman laging tungkol sa bilis ng pag-abot sa destination, nakaka-pressure ’yun. Sino ba ang hinahabol mo? Sarili mo o ibang tao?
"Nakakalungkot naman kung ibang tao ang hinahabol mo. Minsan, kapag na-appreciate mo ang proseso at ang growth along the way, mas nagkakaroon ng halaga ang lahat, di ba?
"Enjoy mo lang ang course and life! Bahala na kung magba-Bar o hindi. Just go with the flow. Kung ano ang plan ni Lord for us, dun tayo.
"Huwag masyadong magpapadala sa pressure ng buhay. It’s nice to document everything para maka-inspire din ng ibang tao.
"Bawal ang sobrang seryoso at pressure sa life, baka mabaliw tayo. Hahaha. Smile lang, ___! And just do your best in everything you do."
Mahirap daw ang pag-aaral sa law school kaya ito pinaghahandaan.
Unang taon pa lamang daw, bar exam kaagad ang puntirya nilang marating.
Labis din daw nakaka-proud sa sarili na kahit isang taon ay nalagpasan niya.
Dagdag ni Yasmien: "Mahirap talaga ang law school kasi napakahaba ng preparation. Pinaghahandaan na kami para sa Bar as early as first year.
"Pagod, hirap, at luha ang kasama sa journey. Noong una, naisip ko rin kung ise-share ko ba ang law school journey ko o hindi.
"Pero dahil challenging siya, nakaka-proud isipin na naka-survive ako ng isang taon! Amazing!
"At the end of the day, ang mahalaga ay patuloy kang sumusulong… at isang hakbang lang bawat araw. Isa lang ang katawan natin."
Mensahe pa niya, "Also be happy for your friends kapag successful sila… wag kang bitter, dahil iba-iba naman tayo ng timeline at pinagdadaanan sa buhay.
"Walang karera. Enjoy the process, the self-realizations, the learnings and don’t forget to live! may pamilya pa tayo ha! haha. Bawal stress, baka magkasakit pa tayo.
"Be proud of yourself and of everything you’re doing. Malayo ang narating mo. Be proud and Smile. #LifeIsShort"
Read: Ryan Bang breaks silence on breakup with Paola Huyong
YASMIEN STUDIES LAW TO PROTECT HER FAMILY
Sa Real Talk interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien noong Mayo 2026—kung saan ang full video ay lumabas sa PEP YouTube channel noong June 1—sinabi ni Yasmien na ang pamilya niya ang unang rason kung bakit siya tumuloy sa pag-aaral ng abogasiya.
Bahagi ng sinabi niya sa panayam: "Siguro dahil gusto ko rin i-challenge yung sarili ko.
"Na when it comes to readings and to knowledge, tapos at the same time, parang nakita ko rin yung demand sa life ko and sa family ko.
"Pag artista ka kasi, pag-public figure ka, laging ikaw yung target. Laging ikaw yung parang pinupuntirya sa mga issues.
"So minsan, hindi ka makapagsalita, hindi mo ma-defend yung family mo.
"So, I think it's really nice na mapag-aralan ko ito, para in the future, I can really, you know, I really know the law and I know how to defend my family and myself, too."
Read: Yasmien Kurdi pursues law degree to protect and defend her family
