Kahit nagparamdam ng labis na kalungkutan, tila tanggap na ni Dennis Padilla ang anumang desisyon ng mga anak na sina Julia Barretto at Claudia Barretto lalo na't nasa hustong gulang na ang mga ito.
Ito ay sa gitna ng petisyon ni Claudia na palitan ang kanyang apelyidong Baldivia sa Barretto, ang apelyido ng kanyang inang si Marjorie Barretto.
Sa Instagram nitong Lunes ng gabi, June 8, 2026, nag-post si Dennis ng lumang larawan niya kasama sina Julia at Claudia.
Ang isa pa nilang anak ay si Leon.
Kalakip ng larawan ang mensahe ni Dennis para sa dalawang anak na babae.
Kapansin-pansin ang paggamit niya ng apelyidong "Baldivia" sa pangalan nina Julia at Claudia.
Hindi raw magbabago ang pagmamahal at pag-asa niya, gamitin man o hindi ng mga anak ang kanyang tunay na apelyido.
Buong mensahe ni Dennis: "MISS YOU… Julia and Claudia Baldivia… With or without the Family name… Same love same hope… Papa [face with tears, heart emojis]"

Makahulugan ang caption ni Dennis sa kanyang post: "If my sadness will bring joy to you my children... My heart is full... Same Love Same Hope [heart, face with tears emoji]"
View this post on Instagram
Read: Sharon Cuneta gifts KC Concepcion her 40-year-old Cartier watch
NETIZENS REACT TO DENNIS PADILLA'S POST
Sa comments section, pinayuhan ng ilang netizens si Dennis na gawing pribado ang anumang problema sa pagitan niya at ng mga anak.
Saad ng isa: "With all due respect, please consider keeping family issues private. Constantly posting about personal matters, such as Claudia changing her surname, only fuels public judgment and unnecessary bashing of your children. These situations are better resolved within the family, not in the public eye. Your children deserve privacy and peace, regardless of any disagreements."

Ayon sa isa pa (published as is): "Cguro Malaki din pag kukulang mo sa mga anak mo. Di lang financially emotionally. Ngayon malalaki na cla naiisip mo cla. Oo naiisip mo cla. Sa puso mo lang. Pero iba kc yung gawa at yung connection mo sa knila Nung mga bata pa. Napaka bless ng mga anak mo ngayon. Bukod sa mayayaman na. Magaganda ang buhay nila. Lalo c clau na bilyonaryo pamilya. Halos lahat ng anak mo ky Marjorie magaganda background. Baka kc ng kulang kasa effort. Habang lumalaki cla."

Umaasa naman ang isa na maayos ang gusot nila pagdating ng araw.
Sabi nito (published as is): "Si Dennis pa rin ang Ama. I think genuine ang nararamdaman nya dahil sya pa rin ang ama kahit pa may malaking pagkukulang sa kanya. Hindi kayang baguhin ng pagkukulang ang pagmamahal.Sana maayos pa kahit civil lang kapag nagkasalubong basta't walang mga galit sa puso ng bawat isa."

Nakiusap naman ang isa na tigilan na ng ibang netizens ang pakikialam sa buhay ng pamilya Barretto-Baldivia.
Sabi nito (published as is): "Grabe mga comments nyo....wla naman kyo alam sa pinagdadaanan ng mag aama na yan Kya stop commenting hates...better to pray for them"

Kahapon din ay umingay sa social media ang tungkol sa change-name petition ni Claudia upang tuluyan nang tanggalin ang apelyidong "Baldivia" sa kanyang pangalan at "Barretto" na ang gamitin niya.
Gusto na niyang makilala bilang "Claudia Barretto Lorenzo." Napangasawa niya si Basti Lorenzo noong Abril 8, 2025.
Inihayag naman ni Dennis ang kanyang saloobin sa social media.
Nauna na ring nag-file ng change-name petition si Julia noong 2014.
Nagpahayag din sa publiko si Dennis ng kanyang nararamdaman bilang ama.
Kalaunan, nagbago ang isip ni Julia at hindi na itinuloy ang pagpapapalit ng surname.
Read: Dennis Padilla saddened by Claudia's petition to drop Baldivia
Base sa mga ulat, "Baldivia" pa rin ang gamit ni Julia sa legal documents sa ngayon.
