PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla saddened by Claudia's change name petition

Dennis to daughter Claudia: "I respect your decision."
by Arniel C. Serato
Published 16 hours ago
Dennis padilla saddened by daughter Claudia's change name petition
Dennis Padilla to daughter Claudia Barretto following her petition for change her surname: "Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo, anak... Hindi magbabago ang pagmamahal ko syo Claudia - Papa."
PHOTO/S: File / Instagram / TikTok

Labis na ikinalungkot ni Dennis Padilla ang petisyon ng anak na si Claudia Barretto sa korte upang legal na baguhin ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Baldivia ang tunay apelyido ni Dennis kung saan isinunod ang mga apelyido ng kanyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto: sina Julia, Claudia, at Leon.

Sa Instagram ngayong hapon ng Lunes, June 8, 2026, ibinahagi ni Dennis ang front copy ng petisyon sa korte ni Claudia.

Mababasa rito: "IN THE MATTER OF THE CHANGE OF NAME OF CLAUDIA ISABELLE BARRETTO BALDIVIA TO CLAUDIA ISABELLE BARRETTO.

"CLAUDIA ISABELLE BARRETTO BALDIVIA, "alias" CLAUDIA BARRETTO, Petitioner,

"-versus-

"REPUBLIC OF THE PHILIPPINES through the OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL, LOCAL CIVIL REGISTRAR OF QUEZON CITY, LOCAL CIVIL REGISTRAR OF MUNTINLUPA CITY, AND PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY,

"Respondents."

Hindi mababasa ang ibang detalye sa dokumento.

Pinatungan ito ni Dennis ng kanyang madamdaming mensahe.

Aniya (published as is): "Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo, anak... Hindi magbabago ang pagmamahal ko syo Claudia - Papa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dennis Padilla's post about Claudia's petition

Ibinahagi ito ni Dennis sa kanyang Instagram account.

Sabi niya sa caption, "Love you Claui... I respect your decision... Malungkot lang talaga"

Si Claudia ay ikinasal kay basti Lorenzo noong April 8, 2025.

Kaya kung papaboran ng korte ang kanyang petisyon, magiging Claudia Isabelle Barretto Lorenzo na ang kanyang buong pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pepito Manaloto stars thank Chariz Solomon for "getting pregnant"

JULIA BARRETTO'S CHANGE NAME PETITION IN 2014

Taong 2014, ang panganay na anak ni Dennis kay Marjorie na si Julia Barretto ang unang nagpetisyon sa korte upang palitan ang kanyang apelyido ng Barretto mula sa Baldivia.

Sabi ni Dennis sa panayam sa kanya noon ng defunct talkshow ng GMA na Startalk, magpa-file sila ng Motion to Intervene sa kasong iyon.

Kung iga-grant daw ng korte na palitan ang apelyido ni Julia mula Baldivia sa Barretto, hindi na raw ito iku-contest ni Dennis.

Hindi pa rin naman daw magbabago ang pagtingin ng komedyante sa kanyang anak, at nandiyan pa rin daw ang pagmamahal niya kay Julia.

Read: Julia Barretto camp explains filing of change of name; Dennis Padilla files Motion To Intervene

Pero makalipas ang isang taon, nagbago ang isip ni Julia.

March 2015, sinabi ng aktres na hindi na niya itutuloy ang petisyon para palitan ang kanyang apelyido.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaayos na raw kasi sila ng ama pagkatapos ng isang masinsinang pag-uusap.

Saad ni Julia sa inihandang presscon noon para sa kanyang ika-18 kaarawan: "Wow! We really haven't really talked about it as a family.

“Pero, okay, this is the first time I'm speaking about it, that I made a decision, and I'm actually sharing it first with you, guys.

“I feel that right now, there's really no need to change my last name.

“No need anymore to change my last name."

Read: Julia Barretto changes her mind about changing her surname: "No need to change my last name."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla to daughter Claudia Barretto following her petition for change her surname: "Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo, anak... Hindi magbabago ang pagmamahal ko syo Claudia - Papa."
PHOTO/S: File / Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results