Inalala ni Marissa Lumanlan ang pumanaw na anak, ang Hashtag member na si Franco Hernandez, sa gitna ng pinag-uusapang aksidenteng pagkalunod ng dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa isang beach resort sa Brgy. Ipil, Dipaculao, Aurora.
Sina Rene Baterbonia, 19, at Divine Adili, 21, ay pumanaw noong June 8, 2026.
Base sa presscon ng Aurora Police Provincial Office noong June 9, tinangay ang dalawa ng malaking current mula sa tubig-dagat na hanggang tuhod papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat.
Asphyxiation by drowning ang sanhi ng pagpanaw nina Rene at Divine.
Read: PNP Aurora rules out foul play in deaths of two Ateneo players
HASHTAG FRANCO'S death
Si Franco Hernandez ay miyembro ng Hashtags, ang all-male group na nabuo noon sa It's Showtime.
Pumanaw siya sa edad na 26.
Siya ay aksidenteng nalunod sa gitna ng island-hopping habang nagbabakasyon sa Davao Occidental noong November 11, 2017.
Sakay si Hashtag Franco ng motorized banca para sa island hopping nang pasukin ng tubig-dagat ang bangka dala ng malalakas na alon.
Napilitang tumalon sa dagat at magpalutang-lutang ang binata kasama ng kanyang noo'y nobyang si Janica Nam, ayon sa salaysay ng dalaga sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nang sila ay bigyang-saklolo ay nadala pa raw sila sa pampang sa kalapit na shoreline.
Pero dahil unconscious na noon si Franco, isinakay uli ito sa bangka para dalhin pabalik ng tinutuluyang resort upang maisugod sana sa ospital.
Binawian ng buhay ang binata bago pa ito madala sa ospital.
Read: Hashtag Franco Hernandez's girlfriend reveals untold details about drowning incident
open letter from HASHTAG FRANCO's mom
Halos siyam na taon na ang lumipas mula nang pumanaw si Franco, pero bilang ng kanyang inang si Marissa Lumanlan kung ilang buwan nang wala ang anak.
"Now, 103rd month!" bungad ni Marissa sa kanyang Facebook post kahapon, June 11.
Kasunod nito ay ibinahagi ni Marissa na hindi raw maiwasang manumbalik sa kanyang alaala ang pagpanaw ng anak dala ng sunud-sunod na balita sa ongoing investigation ng awtoridad sa aksidenteng pagkalunod nina Rene at Divine.
Naghayag din siya ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya nina Rene at Divine, at lubos na naiintindihan daw niya ang pinagdadaanan ng mga ito.

Sabi ni Marissa: "So so many flashback memories of your incident. So many how's and why's.
"Not sure how their families, especially the mom's, would handle this terrible loss and tragic incident.
"Grieve as you wish, seek comfort from your family, relatives and friends. Losing a son whose future is so bright brings so much pain, i tell you.
"I've been there and until now I can't still pull the dagger that pierced my heart. It will remain here forever."
Mensahe niya muli para kay Franco, "Remembering you today and always, my son. ILYSM."
Read: Franco Hernandez's parents speak up about drowning incident, meeting with Tom Doromal
