PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is a divide brewing within SexBomb Girls?

Because of exposure and factions?
by PEP Troika
Published 15 hours ago
SexBomb Girls
The SexBomb Girls at one of the shows in their Get, Get Aw: The SexBomb Concert series.
PHOTO/S: Nice Print Photo

GORGY RULA

Na-curious lang ako nang nakita ko ang mga posts ni Jopay Paguia sa kanyang social media account.

Mga kuha ito sa renewal of vows nila ni Joshua Zamora.

Ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 12th wedding anniversary sa Fernwood Tagaytay noong June 6, 2026.

Sabi ni Jopay sa kanyang FB post: “12 years, countless blessings. Through every season, God has remained faithful to us. Grateful for the love, lessons, and memories we’ve shared.

“Here’s to more years of growing together, hand in hand, with Christ at the center.”

Jopay Paguia and Joshua Zamora's renewal of vows
Jopay Paguia and Joshua Zamora's renewal of vows held on June 6, 2026.
Photo/s: Jopay Paguia-Zamora Official on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ko kilala ang ibang mga dumalo, pero ang sumagi sa isip ko: Dumalo ba ang mga kasamahan niya sa SexBomb?

Kasi bibihira kong makita na buo ang grupo maliban lang kung may concert.

Base sa ilang posts at kuwento ng ibang napagtanungan namin, present sina Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan, at Cherry Ann Panganiban.

Nagtanung-tanong pa ako kung may iba pa bang dumalo. O imbitado ba silang lahat?

Sabi ng aking source, imbitado raw ang lahat na taga-SexBomb, pero hindi lang daw talaga pumuwede ang iba.

Tanong ko: Pati ba si Rochelle Pangilinan ay bumati rin kina Jopay at Joshua?

Pero hindi na ako sinagot ng aking source.

Marami pa akong napagtanungan sa mga taong malapit kay Jopay, may mga matipid ang sagot, may mga hindi sumagot at all.

Ang sabi lang sa akin, masaya ang renewal of vows ng mag-asawa dahil nakadalo ang mga talagang malalapit sa kanila.

Hindi sa pang-iintriga sa mga taga-SexBomb, pero, nung nag-hit kasi ang unang Get, Get Aw: The SexBomb Concert, may mga narinig akong kuwento—sa kabila ng maganda nilang samahan sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing nabuo raw ang magandang "sisterhood," pero may mga isyung hindi nabi-bring up dahil tahimik lang ang iba.

Naisip ko dati na baka normal dynamics ito ng isang grupo na may maraming miyembro. At kahit mga magkakapatid nga ay nagkakairingan, di ba.

Tension Among SexBomb GIRLs?

Pero may mga napansin ako, dahilan para magkaroon ako ng maraming tanong. May misunderstanding nga ba sa SexBomb? Totoo bang nagkakanya-kanya sila ng grupo?

Nahahalata ko kasi na kapag may mga nagpapatulong sa akin sa pag-i-inquire sa grupo para mag-perform sa events o sa iba pang okasyon, ang hirap nilang buuin. Iniisip ko na lang na baka sa kanilang major concert lang talaga sila committed.

Pero napapansin na namin noon pa na mahirap pagsamahin sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia.

May ilang nag-i-inquire na si Rochelle ang hinihiling na dapat kasama sa grupo. At kapag okay si Rochelle, hindi sasali si Jopay.

Kapag si Jopay naman ang kukunin, walang Rochelle na kasali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkataon lang o magkaiba ba ang mga kagrupo ng dalawa?

Parang ang lumalabas, merong Team Rochelle at merong Team Jopay. Meron bang gap sina Rochelle at Jopay?

SexBomb Girls grace Preview's digital cover in March 2026: (1st row) Jopay Paguia and Aira Bermudez; (2nd row) Mia Pangyarihan and
Cynthia Yapchingco; (3rd row) Aifha Medina, Rochelle Pangilinan, and Sunshine Garcia
SexBomb Girls grace Preview's digital cover in March 2026: (1st row) Jopay Paguia and Aira Bermudez; (2nd row) Mia Pangyarihan and Cynthia Yapchiongco; (3rd row) Aifha Medina, Rochelle Pangilinan, and Sunshine Garcia
Photo/s: Josh Tolentino for Preview
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marian Rivera's viral Q&A with Jether Palomo resurfaces online

NOEL FERRER

Naka-rAWnd 6 na ang Get, Get Aw: The SexBomb Concert, pero tikom ang bibig ng ilang napagtanungan ng PEP Troika sa mga lumulutang na isyu sa grupo.

Pero may mga nagsabing simula pa lang daw ng rAWnd 1 ay may hindi pagkakasundo sa ibang production numbers.

Nagkakatalu-talo raw sa exposure, which is expected dahil marami sila at magagaling lahat.

Meron pang nakarating na si Rochelle Pangilinan lang daw ang lumalabas na bida.

Mapapansin ito ng mga nakapanood ng concert, pero hindi inuurirat dahil siya naman ang tumatayong leader ng grupo kaya siya talaga ang lumulutang na bida.

Sa pagkakaalam ng PEP Troika, si Rochelle na lang ang naiwan sa original na members ng SexBomb Girls na binuo ni Joy Cancio noong November 1999.

Ang iba niyang kasama noon ay sina Debbie Ignacio, Che-che Genove, at Janine Ramos.

Pumasok kapagkuwan sina Jopay Paguia, Aira Bermudez, Izzy Tirazona, Sugar Mercado, and Sunshine Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadagdag na rin sina Mia Pangyarihan, Johlan Veluz, Weng Ibarra at marami pa.

May iba pa kaming nasagap na kuwento tungkol kay Rochelle, pero pinili naming huwag nang isulat dahil itinanggi ito ng kampo ng Kapuso actress-dancer.

Pero sa dami ng naglalabasang kuwento, bakit walang makapagsabi na walang isyu?

Kahit ang ilang taga-production na napagtanungan ng PEP Troika ay ayaw ring sumagot, when, normally, pag iba ang topic o query, sasagot naman.

Kapag tinatanong sila kung totoong may isyu sa SexBomb, ayaw na lang daw nilang magsalita. Aww!!!

Read: Vico Sotto gives a glimpse of plans after his term ends in 2028

JERRY OLEA

SEXBOMB PROJECTS BEYOND THE STAGE

Simula noong rAWnd 1 ng concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong December 4, 2025, naka-anim na rAWnds na ang grupo bukod pa sa regional at international shows.

Tuloy pa rin ang mga natanguang commitments ng SexBomb Girls.

Kumpleto sila sa nakaraang U.S. tour, at sa July ay nakatakda silang mag-ikot sa Canada. Dapat ay kumpleto raw sila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may kanya-kanyang raket pa rin ang iba-ibang miyembro ng grupo.

Meron pa silang gagawing pelikula, pero ewan kung matutuloy yun at kung kumpleto silang lahat.

May pelikula na raw ang Mavx Productions tampok ang ilang taga-SexBomb na sina Jopay, Sunshine Garcia, Johlan Veluz, Mia Pangyarihan, at Weng Ibarra. Ang working title: Lonely Wives.

Susuportahan kaya ito ng iba pang ka-miyembro lalo na ang grupo ni Rochelle Pangilinan?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The SexBomb Girls at one of the shows in their Get, Get Aw: The SexBomb Concert series.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results