Walang pakialam sa sasabihin ng iba si Klea Pineda hangga't nasa paningin niya ang karelasyong si Janella Salvador.
Sa Instagram nitong June 11, 2026, nagbahagi si Klea ng random photos at videos ni Janella sa mga pagkakataong magkasama sila.
Sa pinakahuling larawan, yakap-yakap ni Klea mula sa likuran si Janella.

Sabi ni Klea sa caption, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta napapahanga lang daw siya kay Janella.
Saad ni Klea, "Maaaring iba ang nakikita nila, pero ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko. Sila? Bahala sila. Basta ako? Napapahanga mo ako."
View this post on Instagram
Mensahe naman ni Janella sa comments section, "you somehow make me feel so beautiful even on the most ordinary days. ilysmmbmlmsbb"

Ang ibig sabihin ng "ilysmmbmlmsbb," ayon sa netizens, ay " i love you so much my baby, my love, my sweet baby boo"

Read: Alma Moreno moved to tears by Home Along Da Riles: Da Reunion
KLEA PINEDA: "Gusto pa binubuhat eh"
Sa Facebook nitong nakaraang June 13, nag-upload naman si Klea ng "buhat" video nila ni Janella.
Tila nagpabebe si Janella sa video.
Caption ni Klea, "Gusto pa binubuhat eh"
Sa panayam nina Janella at Klea sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 7, sinabi ni Klea na itinuturing niyang "tahanan" ang Kapamilya star.
Saad niya, “Si Janella sa buhay ko, tahanan, home. Nakakalma niya yung lahat ng ingay sa isip ko. Yun siya, yun siya sa akin.”
Sagot naman ni Janella kung sino si Klea sa buhay niya, “My favorite gay and, hopefully, someone who will stay."
Read: Janella Salvador calls Klea Pineda "my favorite gay"
