Trigger Warning: Rape threat, sexual harassment
Hindi pinalampas ng aktres na si Klea Pineda ang nakababahalang pambabastos at pagbabantang natanggap niya online.
Sa Facebook nitong Martes, May 26, 2026, ibinahagi niya ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kanya ng hindi pinangalanang indibidwal.
Mababasa rito (published as is), "Dapat sa yo nire-rape e, kaso pati rapist aayaw, asim mo e."
Agad itong binuweltahan ng aktres.
Giit niya, bagamat sanay na siyang makatanggap ng kritisismo online, hindi dapat pinapalampas ang mensahe ng pagbabanta at pangungutya dahil lubos itong nakakabahala.
Saad niya sa caption ng kanyang post, "I’m used to criticism, but some people are getting way too comfortable with their words.
"Nobody deserves to be on the receiving end of jokes like this."
JANELLA SALVADOR, SPARKLE, OPEN ENDINGS STAND BY KLEA
Marami namang netizens ang naghayag ng suporta kay Klea at nanawagang respetuhin ang aktres.
Kabilang sa mga ito ang rumored girlfriend ni Klea na si Janella Salvador.
Read: Janella Salvador refuses to put label on relationship with Klea
Sa Instagram Stories, inirepost ni Janella ang official statement mula sa pamunuan ng queer film na Open Endings sa threats at sexual harassment na natanggap ni Klea.
Parehong lead stars sina Klea at Janella sa Open Endings, kung saan sinasabing nagsimulang maging malapit ang dalawa.
Sabi rito, isang uri ng diskriminasyon laban sa LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, asexual+) community ang mga salitang ginamit ng basher ni Klea.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na proud si Klea sa pagiging bahagi niya ng LGBTQIA+ community bilang isang bisexual.
Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay
Pahayag ng pamunuan ng pelikula: "We, at Open Endings, strongly condemn the anonymous threat sent to one of our actors, Klea Pineda.
"Threats of sexual violence are never a joke, never acceptable, and never something that should be normalized especially against members of the LGBTQIA+ community, who continue to face harassment, discrimination, and violence simply for existing openly and truthfully.
"Klea deserves safety, dignity, and protection. So does every queer person."
Read: Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
Gaya ni Klea, hindi rin daw matatahimik ang Open Endings at hayaang manaig ang pang-aabuso na talamak online.
Saad nila: "We refuse to stay silent in the face of hate, intimidation, and cruelty.
"Words like these cause real fear and real harm, and they contribute to a culture that continues to endanger queer lives.
"We stand firmly with Klea, and with every member of the LGBTQIA+ community who has ever been made to feel unsafe for being themselves.
"There is no place for violence, threats, or hate here."
Read: Klea Pineda posts heartfelt birthday message for Janella Salvador
Sabi naman ni Janella, may limitasyon ang pagbibigay ng komento lalo na kung nakakapanira at nakakahamak ito ng iba.
Aniya, "There is a fine line."
Ang masaklap pa raw, may ilang nakakalusot dito at ni wala man lang pagsisisi kung makapanakit sila ng kanilang kapwa.

Read: Klea Pineda calls Janella Salvador “Baby” on social media
Bukod kay Janella at sa Open Endings, nagpahayag din ng suporta ang talent management ni Klea na Sparkle Artist.
Sa inilabas nilang pahayag nitong Miyerkules, May 27, idiniin ng kumpanya na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng hate at intimidation laban sa kanilang mga artista.
Iginiit din ng talent management arm ng GMA Network ang kanilang paninindigan para sa kaligtasan, dignidad, at kabutihan para sa lahat.
Saad nila, "Sparkle advocates for safety, dignity, and kindness for all.
"We do not condone acts of hate and intimidation and re-affirm our commitment to fostering a safe and inclusive environment for all our artists."

Klea saddened after Facebook deletes her post
Samantala, sa kabila ng suportang kanyang natanggap, hindi pa rin naiwasang makaramdam ng lungkot at pagkadismaya ni Klea, lalo na nang ma-delete sa Facebook ang una niyang post.
Ngayong Miyerkules, May 27, muling nag-post si Klea ng screenshot na nagsasabing nabura ang kanyang post dahil umano sa report ng netizens.
Ani Klea, ikinalulungkot niya ang nangyari gayong wala naman siyang ibang hangad kundi magpalaganap ng awareness.
Saad ng Kapuso actress, "Have you really run out of things to do that reporting my Facebook post was the best thing you could come up with?
"It was posted to spread awareness, not to normalize rape jokes. Ang lala."

