Kinumpirma ni Sofia Pablo na tumigil na sa panliligaw sa kanya ang ka-loveteam na si Allen Ansay.
Sa ulat ng 24 Oras noong July 6, 2026, sinabi ni Sofia na nais nila ni Allen na mag-focus muna sa kani-kanilang career.
Mga bata pa rin daw sila.
Si Allen ay 22 years old, samantalang si Sofia ay 20.
Saad ni Sofia: "Mahirap po talagang ibalanse yung career and lovelife.
"E, siyempre pareho po kami na bata pa and marami kaming dreams for our family.
"Maybe it's not the right time to continue talaga na pursue namin yung isa't isa at the moment."
Ipinagpapasalamat daw ni Sofia na si Allen mismo ang nag-anunsiyong hindi muna nila pagtutuunan ng pansin ang ligawan dahil kailangan nilang mag-focus sa kanilang mga trabaho.
Saad ng Kapuso actress: "Initially po kasi yung naisip po namin is di na namin nga sasabihin sa public kung ano man yung status ng ligawan, kasi it's personal naman namin.
"But we understand the fans na siyempre magtataka sila kung bakit di na kami ang nagkakasama."
Sa TikTok post na naghahambing sa social media activities ni Allen, kung saan kasama raw lagi nito si Sofia, may fans na nagtatanong kung bakit si Sofia ay may mga post kasama si Iñigo Jose, housemate ng aktres sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

Paliwanag dito ni Sofia: "Kasi siyempre may mga fan gatherings kami, and even naman inside the [PBB] house, naging close naman po talaga kami.
"I don't think na dapat isipin talaga ng tao na there's someone involved kung bakit tumigil si Allen.
"Kasi, clear po talaga sabi ni Allen na tumigil kami because we want to focus on our respective careers."
Read: Ruru Madrid admits he was shocked by sister Rere's pregnancy
ALLEN ON SOFIA: "Wala po siyang ginawang masama."
Noong July 5, nag-viral sa TikTok ang post ng AlFia fans nina Allen at Sofia kung saan sinasabi sa post na "Napaka green flag ni Allen kay Sofiaaa."
Doon na nagkomento si Allen tungkol sa totoong estado nila ni Sofia.
Ibinunyag niyang Marso pa ng taong ito itinigil na niya ang panliligaw sa ka-loveteam.
Paglilinaw niya, nag-iba ang priorities nila sa buhay ni Sofia.

Saad niya: "Gusto ko lang pong linawin na okay po kami ni Sofia. Wala pong iniwan, nagpaasa, o nang-bale-wala sa kahit kanino.
"Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po.
"Maayos po naming nirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo napo sa trabaho. [praying hands emoji]"
Nakiusap din ang Kapuso actor sa netizens na huwag magpakalat ng maling balita tungkol sa kanila, lalo na kay Sofia.
At sana ay suportahan pa rin daw sila kahit magkahiwalay na ang kanilang landas.
Sabi pa niya: "Pinili lang po namin na hindi magsalita tungkol dito dahil personal naman po ito.
"Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento o false narratives tungkol kay Sofia. Wala po siyang ginawang masama.
"Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa kani-kaniya naming journey. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta. [heart emoji]"
Read: Allen Ansay confirms he stopped courting Sofia Pablo in March
