Ibinahagi ng beteranong aktor na si Edu Manzano ang nakamamanghang kuwento tungkol sa naranasan niyang kabutihan mula sa isang "complete stranger."
Sa isang Facebook post nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13, 2026, ikinuwento ni Edu kung paano nagkamali ang kanyang assistant sa paglipat ng pera mula sa bank account niya patungo sa kanyang GCash account noong Hulyo 12.
Isang digit lang ang ipinagkaiba ng GCash number niya sa numerong napadalhan ng "substantial amount," kaya sa maling pindot ay napunta ang pera sa account ng isang estranghero.
Saad ni Edu: "This should make your day. It did mine.
"Minsan, isang simpleng pagkakamali lang ang kailangan para tumaas ang blood pressure mo.
"Yesterday, my assistant was loading my GCash from my bank account when she accidentally keyed in the wrong number.
"Ang masaklap, halos kapareho pa ng number ko. Isang pindot lang … at isang malaking halaga ang napunta sa ibang tao."
Read: Epy Quizon praises honest TNVS driver who returned his lost phone
Dahil sa nangyari, agad silang nakipag-ugnayan sa GCash upang i-report ang insidente.
Tinawagan din nila ang numerong nakatanggap ng pera.
Ngunit lalo raw kinabahan si Edu nang sabihin ng taong nasa kabilang linya na wala itong natatanggap na anumang halaga.
Sa puntong iyon ay tila nawalan na siya ng pag-asang maisasauli pa ang naipadalang pera.
Pagpapatuloy ni Edu: "Panic mode agad.
"Tumawag kami kaagad sa GCash para i-report ang error.
"At the same time, tinawagan ko rin ang number na nakatanggap ng pera.
"Sabi ko, 'Hello, this is Edu Manzano. I think my money was accidentally sent to your account.
"Ang sagot niya? 'Sir, wala po akong natanggap.'
"Ayun na. Tahimik na lang akong napaisip… 'Congratulations, Edu. Donation accomplished.'
"I thanked him, hung up, at inisip ko na lang na hindi ko na talaga makikita ulit ang perang iyon."
Read: Matthew Lhuillier "crazy" about Jolie, answers Chie question
EDU MANZANO: "Maraming salamat MR. SHERWIN ANG."
Halos dalawang minuto lamang ang lumipas nang muling tumunog ang telepono ni Edu.
Ang tumatawag ay ang parehong lalaking napadalhan ng pera.
Ipinaliwanag nitong nag-double check muna siya upang makasiguro na si Edu nga talaga ang kausap bago niya ibinalik ang pera.
Lahad ni Edu: "Then, barely two minutes later, my phone rang.
"Siya ulit.
"'Sir, chineck ko muna. Gusto ko lang makasiguro na kayo nga talaga si Edu Manzano. Ibabalik ko po ang pera.'
"I can’t describe how happy I felt."
Malaking ginhawa ang naramdaman ni Edu, lalo na't malaking halaga ang halos tuluyan na niyang itinuring na nawala.
Higit pa sa perang naibalik, sinabi niyang higit siyang naantig sa ipinakitang katapatan ng isang taong hindi niya kilala.
Kalaunan, binanggit ni Edu ang pangalan ng estrangherong nagbalik sa kanya ng pera sa GCash.
Pagtatapos ni Edu: "Hindi lang dahil ibabalik ang pera. It was a substantial amount, at honestly, nagpaalam na ako sa isip ko na wala na iyon.
"What touched me beyond belief was the honesty of a complete stranger.
"Sa panahon ngayon na parang mas madali nang mawalan ng tiwala sa kapwa, isang tao ang nagpapaalala sa atin na may mga Pilipino pa ring ang integridad ay hindi nabibili.
"Maraming salamat MR. SHERWIN ANG.
"Hindi lang po ninyo ibinalik ang pera ko.
"Ibinalik ninyo ang kaunting pananampalataya ko sa kabutihan ng tao.
"Mabuhay ka SHERWIN. Sana dumami pa ang mga katulad mo"
Read: Who is Margarita Gutierrez?
Marami ring netizens ang nagpahayag ng paghanga kay Sherwin Ang sa comments section ng post ni Edu, at sinabing may mga taong nananatiling tapat at may integridad sa kabila ng mga negatibong balita sa kasalukuyan.

EDU MANZANO REACTS
Sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong gabi din, July 13, sinabi ni Edu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang nailipat na halaga ay katumbas ng "maximum allowable daily transfer" mula sa bank account papunta sa e-wallet.
Ayon sa aktor, ibinahagi niya ang kuwento hindi para pag-usapan ang pagkakamali, kundi upang mabigyan ng pagkilala ang katapatan ng taong nagsauli ng kanyang pera.
Maikli niyang pahayag: "Sinulat ko kasi deserve niya talaga ang ma-recognize for his honesty. Tinawagan ko siya bago ko sinulat yung piyesa."
Read: Ombudsman indicts ex-OWWA chief Arnell Ignacio over land deal
