May isyu ba sa pagitan ng matatalik na magkaibigang na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu — kilala rin sa tawag na AngBeKi?
Ilang netizens na nakasubaybay sa pagkakaibigan ng tatlo ang nakapansing walang bagong post ang AngBeKi na kumpleto sila.
Sa bagong post ni Angelica sa Instagram kahapon, July 15, 2026, ibinahagi niya ang pasasalamat sa magagandang nangyari sa kanyang buhay nitong nagdaang anim na buwan.
Aniya: "Thankful for each and everyone of you [woman fairy emoji]
"I get to live my best life, and we’re only halfway through the year. Here’s to working out and working in. Showing up not showing off.
"Laughing louder and living deeper. Cheers to Life [heart hands emoji]"
View this post on Instagram
Kabilang sa ibinahagi ni Angelica sa carousel ay ang sweet photos nila ni Kim.

Read: Angel questions Robin after his "Komunista po ako" declaration
NETIZEN: "Friendship over na talaga AngBeki?"
Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Angelica ay si Kim.
Sinundan ito ng iba pang celebrities tulad nina Maris Racal, Barbie Imperial, Julia Barretto, Kakai Bautista, at Eugene Domingo.

May ilang netizens naman ang na-curious kung bakit hind raw kasama nina Angelica at Kim se Bela.
May nagtanong kung "friendship over" na ba o may tampuhan ba sa magkakaibigan.
"Friendship over na talaga AngBeki? [sad, crying face emojis] @bela @chinitaprincess @iamangelicap"
"May tampuhan po ba ang AngBeKi? I hope maayos din po [praying hands emoji]"




May nagsabi ring baka may tampuhan ang magkakaibigan dahil sa isang panayam kay Bela ay nagkuwento ito na nagpa-freeze ng egg si Kim.

Nangyari ang interview ni Bela sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 2026, kung saan natanong ang aktres tungkol sa pagpapa-egg freeze ni Kim.
May mga lumabas na ulat na mula raw nang nagkuwento si Bela tungkol dito, hindi na nagkaroon ng interaksiyon sa pagitan nila ni Kim.

Sa kaarawan ni Kim noong Aptil 19, 2026, sampung araw na-late ang pagbati ni Bela.
Post niya noong April 29: "Momsyyyy! Wherever you are in the world right now, I hope you’re at your happiest ever. I miss you!!! Enjoy your special day, Taurean twin."
View this post on Instagram
Napansin naman ng netizens na hindi naka-tag si Kim sa post at hindi rin nag-react si Kim dito.

Read: Bea Alonzo, Vincent Co's secret wedding shocks friends, insiders
Hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon kung may isyu nga ba sa pagitan ng magkakaibigan.
O sadyang busy lang si Bela kaya hindi siya nakasama sa huling pagkikita nina Angelica at Kim.
Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng tatlo tungkol dito.
Read: Bea Alonzo's 2021 tarot prediction resurfaces after wedding
