Nasa rurok ng kaligayahan ngayon ang Kapuso actress na si Bea Alonzo isang linggo matapos nilang ikasal ni Vincent Co.
Sa kanyang Instagram Story nitong Lunes ng hapon, July 20, 2026, nagbahagi si Bea ng close-up photo ng holding hands nila ng mister.
Kitang-kita ang wedding ring na suot ng aktres.
Simpleng caption ni Bea na may heart emoji sa dulo: "At my happiest."

Read: Details of Bea Alonzo’s wedding look
BEA ALONZO back to normal activities after the wedding
Balik-trabaho na si Bea.
Isang araw lamang matapos ng kasal nila ni Vincent ay nag-taping siya ng upcoming GMA teleserye niyang Whispers From Heaven.
View this post on Instagram
Spotted din siyang nanonood ng stage play ng PETA (Philippine Educational Theater Association) na Ang Babae Sa Septic Tank 4: Oh Sh*t It's Live sa Cheter! kagabi, July 19.

Nagkaroon din siya ng chance encounter kay Heart Evangelista sa aesthetic clinic ni Dr. Aivee Teo.
Read: Heart Evangelista tells newlywed Bea Alonzo: “Grabe yung glow.”
BEA-VINCENT SECRET WEDDING
Ginulat ni Bea Alonzo ang publiko dahil noong July 13, 2026, nagpakasal na pala sila ng Puregold scion na si Vincent Co sa isang intimate civil wedding sa Makati City Hall.
Si Mayor Nancy Binay ang nag-officiate ng kasal ng dalawa.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
Kakaunti lamang ang nakaalam sa kanilang kasalan, ngunit kabilang dito ay ang malalapit na kaibigan at business partners sa kanyang lifestyle brand na Bash na sina Brina Secosana and Bea Secosana.
Wala roon ang sinumang kapamilya ng dalawa.
Nasa wedding reception naman ang visual artist na si Pete Rich.
Mahalaga rin ang ginampanang role ng longtime hairstylist ni Bea na si Ayu Manaog na isa ring bisita sa reception.
Gayundin ang kanyang personal assistant na si Rose Bhebs.
Read: Guests at Bea Alonzo and Vincent Co’s intimate civil wedding
July 15 nang kumpirmahin ni Bea ang kasal niya kay Vincent sa pamamagitan ng Instagram.
Sa post ni Bea ng mga wedding pictures nila ni Vincent, nilagyan niya ito ng caption na "home" na may heart emoji.
Read: Bea Alonzo confirms wedding to billionaire scion Vincent Co
