Hindi nakaligtas sa ilang mapagmasid na netizens ang lumang YouTube vlog ni Bea Alonzo, 38, tungkol sa anila’y nagkatotoong prediction ng isang tarot reader sa Kapuso actress noong 2021.
Ito'y matapos isapubliko ni Bea na ikinasal na siya sa billionaire scion na si Vincent Co, 45.
Naganap ang sikretong pagpapakasal nina Bea at Vincent sa Makati City Hall noong July 13, 2026.
Read: Bea Alonzo confirms wedding to billionaire scion Vincent Co
Noong January 2, 2021, sa YouTube vlog ni Bea, nagpa-tarot reading siya kasama si Kakai Bautista.

Kabilang sa mga tinanong ni Bea sa tarot reader ay: "Ikakasal pa ba ako?"
Bumunot ng tatlong tarot cards ang reader at ipinaliwanag ang kahulugan ng mga ito.
Ayon sa tarot reader, via civil wedding ikakasal ang aktres.
Saad niya: "Later on pa nga. Civil yung una, e.
"Hindi ka church una. Pero medyo hidden lang.
"Either seven months from now or seven years from now."
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
Nagulat si Bea sa sinabi ng tarot reader.
Sabi niya, "Seven months? Hindi puwede. Magtatrabaho pa ako.
"Seven years naman, ang tanda ko na noon. Forty na ako."
Dismayado pang dagdag ni Bea: "Forty na ako ikakasal?"
Sabi naman ng tarot reader: "Pero bongga naman yung magiging kasal mo and marriage life after.
"Kasi if you'll be married now, may chances na mag-separate pa kasi."
Read: WHAT PEP KNOWS: Details of Bea Alonzo's wedding ring
Bukod dito, lumabas din sa tarot cards ang ilang detalye tungkol sa mapapangasawa ng aktres.
Mabilis na tanong ni Bea nang makita ang card na may lalaki: "Bakit puti na yung buhok? Matanda na?"
Sagot ng tarot reader, "Oo, mature na kasi siya.
"Mature na rin siyang mag-isip. Pero yung love niya is true."
Natuwa si Bea sa naging reading kaya muli niyang tinanong kung magkakaanak pa siya.
Sagot ng tarot reader sa kanya: "Magkakaanak. Supposedly tatlo, e. Pero ang klaro dito, dalawa. One girl and boy."
Read: No honeymoon yet for Bea and Vincent due to work commitments
Noong panahong nagpa-tarot reading si Bea, iniuugnay pa lamang siya sa dating nobyong si Dominic Roque.
Hanggang noong August 2021, kinumpirma nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon matapos ang makailang beses nilang public sightings.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline
Noong July 2023, nag-propose ng kasal si Dominic kay Bea.
Ngunit hindi umabot ng isang taon ang kanilang engagement nang kumpirmahin ni Bea, noong February 6, 2024, na hiwalay na sila.
Read: Bea Alonzo not blaming Dominic Roque for their breakup
BEA ALONZO AND VINCENT CO'S wedding
Ang sumunod na na-link kay Bea ay ang billionaire scion na si Vincent Co, na siyang napangasawa niya.

Marami ang natuwa sa kinahinatnan ng pagmamahalan nina Bea at Vincent, lalo na't hindi lingid sa kaalaman ng publiko na masalimuot ang pinagdaanan ng mag-asawa matapos hindi matuloy ang kanilang church wedding sa Spain noong Mayo.
Dahil dito, muling umingay ang usapin tungkol sa halos limang taong gulang na video ni Bea na nagpa-tarot reading.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
Ayon sa ilang netizens, tumutugma ang reading sa mga nangyari sa kasal nina Bea at Vincent, kabilang ang pagiging civil wedding nito, at ang paglalarawan ng tarot reader sa magiging mapapangasawa ng aktres.
Pitong taon ang agwat ang edad nina Vincent, 45, at Bea, 38.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co's secret wedding shocks friends, insiders
