Pinapurihan ng netizens si ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate at Kapuso star Shuvee Etrata dahil sa ipinakitang kabutihan nito.
Ayon sa post sa Instagram Story ng chemist at philanthropist na si Pinky Tobiano, nanalo daw si Shuvee ng PHP20,000 sa pa-raffle sa kanyang birthday celebration nitong nakaraang July 21, 2026.
Imbes daw na sarilinin niya ang buong halaga ng pera, hinati daw ito ng Kapuso star at ibinigay sa restroom cleaner na babae sa Manila House, BGC.
Narinig daw ni Shuvee na umiiyak ang nasabing restroom attendant sa comfort room at hindi na siya nagdalawang isip na bigyan ito ng pera.
Sabi ni Tobiano, "Grabe!! The heart of gold of Shuvee..
"She won P20,000 last night and she gave P10,000.00 to the cleaning lady of the toilet of Manila House (she found the cleaning lady crying in the toilet)."

Hindi naman dinetalye nina Pinky at Shuvee kung ano ang dahilan ng pag-iyak ng nasabing restroom cleaner.
Read: Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash
SHUVEE ETRATA'S humble beginnings
Hindi kailang galing sa mahirap si Shuvee.
Kaya siguro malapit ang puso niya sa mga taong nangangailangan.
Kuwento ni Shuvee noon, siyam silang magkakapatid at siya na ang tumatayong breadwinner sa pamilya sa pagiging content creator bago maglakas-loob pasukin ang showbiz.
Lumuwas sa Maynila si Shuvee para habulin ang pangarap niyang maging isang ganap na artista.
Mabilis ding napagtanto ni Shuvee na hindi madali ang showbiz at kailangan ng pasensiya at tapang sa harap ng matinding kumpetisyon para mapansin at mabigyan ng proyekto.
"Nagkaroon ako ng mental health issue.
"Yun yung I was living alone. Yun yung parang struggle ko nung una.
"Tapos pinili ko siya [tumira sa Maynila at sumubok sa showbiz] — it was my decision.
"Pero ang consequence nun, it was me having a hard time."
Read: Shuvee revisits childhood marked by poverty, domestic violence
Nitong nakaraang July 2, masaya si Shuvee na naka-graduate na sa University of San Carlos sa Cebu City ang kapatid na Shaina Etrata.
Sabi niya sa kanyang Instagram Story noong araw na iyon, "1 down, 7 more to go."

Read: Tarot reader reacts after Bea 2021 wedding prediction comes true
