Sa loob ng halos pitong taong relasyon nina Michelle Vito at Enzo Pineda, walang naririnig na kontrobersiya sa kanila.
Nagkakatampuhan ba sila o nag-aaway rin?
"Nag-away po kami!" natatawang saad ni Michelle.
"I mean, hindi kasi namin siguro talagang... hindi kami super public na talagang kapag may nangyari sa amin, yung pagpu-post sa stories, ganito, ganyan. Sa amin na lang yun.
"Like normal couple na, maybe, nagkakatampuhan kami. Pero kasi siguro talagang yung relationship namin talaga ay ang dami nang pinagdaanan. Good, bad.
"And then ngayon, parang naging solid na talaga yung relationship namin. Nabuo na yung foundation. Kaya super okay talaga yung relationship namin."
Si Enzo na ba ang "the one" para sa kanya?
Sagot ni Michelle: "Yes, I think so.
"Kasi hindi naman... actually hindi naman po kami magtatagal kung hindi siya yung nakikita ko and hindi ko po mag... like, i-waste yung time ko kung hindi siya yung nakita ko sa buhay ko.
"Kasi he's very ano naman, consist... not consistent but trying. Kasi may mga times naman talaga na ang hirap maging consistent.
"At ako naman, aminado ako sa sarili ko, hindi naman ako yung parang nabibigay ko lahat kay Enzo.
"But yung hindi namin tinigilan na i-try na maging better partner kami every day."
Maganda nga raw ang dynamics ng kanilang relasyon.
Aniya, "Oo, kasi actually hindi kami yung pareho ng trips ni Enzo, e.
"Pero dahil, yun nga, may nagba-balance sa amin. Talagang ito yung trip niya, ako ito yung trip ko.
"So, pareho namin nagagawa yung mga trip, trip namin. Tapos kapag may mga ayaw or di maganda, may nagba-balance."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle sa Paw-some Day ng Pure Care pet product essentials event noong July 26, 2026, sa Hugo Events Place sa Quezon City.

Sa nasabing event, nagtipun-tipon ang maraming pet lovers at fur parents para sa isang masayang bonding.
Kasamang naki-bond ni Michelle ang ambassadors ng Pure Care na sina content creator Perlas at Yes My Love P-Pop member Niko Badayos.

Read: Maegan Aguilar on inheritance, aunt Marlene Aguilar
MICHELLE VITO WANTS AN INTIMATE CHURCH WEDDING
Twenty-eight years old na ngayon si Michelle.
Kailan at anong taon niya nakikita ang sarili na magpapakasal?
Tugon ng aktres: "Siguro, hopefully, mga twenty-nine. Twenty-eight na ako ngayon then 30, mga ganun.
"Kasi yun talaga yung ever since noong bata ako na gusto ko magpakasal ng mga twenty-nine, thirty.
"Para pag magkaanak na ako, mga thirty, thirty-one. Kasi siyempre, di ba po yung mga babae kailangan habulin na magka-baby, ganyan.
"Kasi iba yung, di ba, iba na yung usapan. Iba na yun sa girls, e. Mahirap na kapag medyo tumanda magkaanak."

Ngayong napag-usapan na rin nila ni Enzo ang pagpapakasal, ano ang gusto niyang kasalan?
Church or destination wedding?
Kuwento ni Michelle, "Ako po mag-iisip nun. Joke.
"Pero ako, gusto ko talaga intimate, plus gusto ko church wedding talaga. Yun.
"Pero yun po, church wedding and intimate."
Read: Say Alonzo asks for prayers after fire destroys family's resto
