Hindi pinahintulutan ni Cianne Dominguez na manaig ang kumakalat na umano’y maling haka-haka tungkol sa kaibigan at It’s Showtime co-host niyang si Kim Chiu.
Nitong Lunes, August 3, 2026, usap-usapan sa social media ang isang TikTok video ni Kim, kung saan sinasabing buntis umano ang aktres.
Sa video, makikita si Kim na bumababa ng sasakyan.
Nakasuot siya ng puting blouse, pink pants, at face mask. Sa bandang baywang niya ay may nakataling pink jacket.
Mula dito ay napansin ng ilang netizen ang pagkakaroon niya diumano ng "baby bump."

Saad ng isang netizen (published as is): "Happy for Kim, halatang preggy, 1st yung hair niya is parang dry?
"Hindi siya pwede for salon, kasi bawal sa preggy. Ang strong na amoy, then parang kitang may baby bump."
Sabi pa ng isa, "I can tell, I'm a mom of 6."
Read: Kim Chiu stands firm on pursuing legal case vs. sister Lakam
Komento naman sa viral video ng isang nagpakilalang nurse: "Not a mom but I'm a nurse. I can tell that's a baby bump.
"If I'm wrong, isasauli ko license ko."
Hindi ito inurungang sagutin ni Cianne upang itama ang umano’y maling haka-haka tungkol sa co-host.
Hamon niya sa nasabing netizen: "Isauli mo na po. Ako na ang nagsasabi."
Reply sa kanya ng isa pang netizen: "Te, hindi ka na-inform ni Kim?"
Sarkastikong sagot dito ni Cianne: "Sabi niya sa yo te?"
Pang-aasar pa sa kanya ng isa: "Tapos if nag-reveal na buntis, ano? Ikaw naman ang aalis sa It's Showtime, tutal palamuti ka lang naman doon.
"Ilan na ang mga anak namin, napagdaanan na namin yan, Cianne.
"Sana hindi ka na lang nag-comment. Si Kim nga, tikom bibig."
Buwelta rito ni Cianne, "Ay, nakakasama ka namin lagi?"
Read: Cianne Dominguez returns to It's Showtime after foiled sexual assault
NETIZENS DEFEND KIM
Samantala, bukod kay Cianne, ipinagtanggol din si Kim ng kanyang mga tagahanga.
Pagtatanggol ng isa (published as is): "OA niyo! Hindi ba pwedeng busog lang siya kaya lumaki puson niya."
Sabi pa ng isa: "Grabe naman, payat ako pero mas malaki pa puson ko kay Kim. Hindi naman ako buntis."
"Mapuson talaga si Kim. Pansinin niyo na lang mga vids and photos niya dati," komento pa ng isa.
May ilan ding kumuwestiyon sa sinasabing pagdadalantao ni Kim, lalo’t wala naman siyang kinukumpirmang karelasyon.
Saad ng isang netizen (published as is): "So paano mabubuntis? E wala namang boyfriend yang si Kim. Pwera na lang kung totoo yung sa kanila ni Paulo."
Read: Paulo Avelino, Kim Chiu evasive about their real score
Ang “Paulo” na tinutukoy ng netizen ay ang ka-loveteam ni Kim na si Paulo Avelino.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang inuugnay ang dalawa, matapos mabuo ang kanilang tambalang KimPau dahil sa mga pinagsamahan nilang proyekto.
Apat na beses nang nagkatrabaho sina Kim at Paulo sa mga teleseryeng Linlang (2023), What's Wrong With Secretary Kim? (2025), at The Alibi (2025-2026); at sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (2024).
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o pahayag si Kim tungkol sa haka-haka tungkol sa kanyang pagdadalantao.
