Tuloy ang pagdedemanda ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu laban sa panganay niyang kapatid na si Lakambini Chiu, o mas kilala sa palayaw na Lakam.
Ito ang nilinaw ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na namamahala sa showbiz career ni Kim, matapos ipalabas sa isang reality show ang interview ng aktres kung saan ikinuwento niya ang kabutihan ng kanyang kapatid na si Lakam.
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon ang ilang netizens tungkol sa umano'y pagkakaayos ng magkapatid matapos ang kanilang hidwaan noong 2025.
Read: Kim-Lakam memorable moments in 2025 before their legal battle
Mabilis naman itong nilinaw ng Star Magic sa pamamagitan ng paglalabas nila ng isang pahayag nitong Huwebes, July 30, 2026.
Giit ng talent management, ang interview video ay kuha pa noong 2023—panahong iba pa ang sitwasyon sa pagitan nina Kim at Lakam.
Mababasa sa kanilang statement: "In 2023, an interview of Kim regarding her sister was recorded and is currently being viewed by the public.
"While the statements made by Kim at the time were true and reflected the circumstances then, they no longer represent the present situation.
"Since then, Kim has discovered material information that came to light in 2025, which prompted her to take legal action.
"As a result, a criminal complaint filed by Kim against Ms. Lakambini Chiu is currently pending before the proper authorities."
Read: Kim Chiu reacts to being called a “lakambini” by Jackie Gonzaga
Nakasaad din sa pahayag na nananatiling matatag si Kim sa kanyang desisyong ipagpatuloy ang kaso laban sa kapatid sa pamamagitan ng legal na proseso.
Layunin umano nitong maitaguyod ang katotohanan at mapanagot si Lakam sa mga nagawa nitong pagkakamali laban sa kanya.
Saad nila: "Kim remains firm in her decision to pursue the case through the proper legal process in order to establish the truth, hold the responsible parties accountable, and seek justice.
"This statement is issued solely to clarify the timeline of events and to avoid any misunderstanding arising from previously recorded statements.
"As the matter is now the subject of ongoing legal proceedings, we respectfully ask for the public's understanding and for Kim's privacy to be respected while the case takes its proper course.
"Thank you for your continued love and support for Kim."
Read: Kim Chiu celebrates Christmas sans sister Lakam
KIM SUES SISTER LAKAM FOR QUALIFIED THEFT
Matatandaang noong December 2, 2025, pormal na naghain si Kim ng reklamong qualified theft laban kay Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa kanyang opisyal na pahayag noon, sinabi ng aktres na matapos ang ilang buwang internal review ay nadiskubre niya ang “serious financial discrepancies” sa business operations nila, na nagresulta sa pagkawala ng malaking halaga ng pera mula sa kanyang business assets.
Read: Lakam Chiu, VIP client umano sa isang sikat na casino
Ayon pa sa aktres, masakit para sa kanyang magsampa ng kaso laban sa sariling kapatid, ngunit kailangan daw niyang gawin ito upang maprotektahan ang binuo niyang brand at ang komunidad na patuloy na sumusuporta sa kanya.
Dagdag pa niya: “Despite this painful situation, I remain committed to my work, my supporters, and the continued growth of my business ventures.
“I also continue to pray for healing and resolution for everyone involved.”
Read: Angelica Panganiban cautious about Kim-Lakam legal issue
