Nostalgia ang hatid nina Heart Evangelista at John Prats sa marami nilang tagahanga nang muli silang mag-duet ng kantang “Please Be Careful With My Heart.”
Nitong Martes, August 4, 2026, muling nagkasama ang dating magka-loveteam at magkasintahan nang dumalo sila sa birthday celebration ng isa nilang kaibigan.
Sa Instagram Stories ni Heart, makikita na sa isang restaurant ginanap ang birthday party, kung saan mayroon ding live band na tumutugtog para sa mga bisita.
Dito naki-jam sina Heart at John para kantahin ang “Please Be Careful With My Heart,” na orihinal na kinanta nina Jose Mari Chan at Regine Velasquez.

Ang naturang kanta ay kabilang sa mga kinober nina Heart at John noong 2003 at isinama sa self-titled debut album ng aktres na Heart.
Dahil dito, muling binalikan ng JoHeart fans ang isang performance nina Heart at John sa ASAP, kung saan sweet nilang kinanta ang cover duet nila ng “Please Be Careful With My Heart.”

HEART, JOHN JAM WITH SAM MILBY
Naki-jam din kina Heart at John ang malapit nilang kaibigang si Sam Milby, na present din sa nasabing birthday celebration.
Sa isa pang Instagram Story ni Heart, makikita ang video kung saan kumakanta siya habang si John ay nagda-drums at si Sam naman ay naggigitara.

Mayroon ding hiwalay na video sina Heart at Sam na nag-duet habang kinakanta ang “Bakit Ngayon Ka Lang” nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

JOHN'S WIFE ISABEL OLI ALSO SPOTTED AT THE EVENT
Samantala, maraming netizens ang kinilig at natuwa sa muling pagsasama nina Heart at John sa kabila ng kanilang nakaraan.
Ayon sa ilan, isa lamang itong patunay kung paano pinagtibay ng panahon ang samahan at pagkakaibigan ng dalawa.
Gayunman, may ilang netizens na nagtanong kung ano ang maaaring maramdaman nina Senator Chiz Escudero at Isabel Oli, ang mga asawa nina Heart at John.
“Hindi kaya magseselos mga asawa nila?” tanong ng isang netizen sa X.
Read: Heart Evangelista once felt like “sugar mommy” to ex-BF
Saad naman ng isa (published as is), “Inferness, ang tatag ni Isabel, para hindi pagselosan si Heart.”
Sa kaalaman ng lahat, naroon din si Isabel sa birthday celebration na pinuntahan nina Heart at John.

Sa isang reposted Instagram Story ni Heart, makikita ang group photo ng mga bisita sa birthday celebration.
Dito, makikita si Isabel na katabi mismo ni Heart.

ISABEL REVEALS SHE'S A FAN OF JOHEART
Noong January 20, 2026, sa panayam ni Isabel sa Bisaya talk show ni Melai Cantiveros na Kuan on One, inamin niyang noon pa man ay tagahanga na siya ng tambalan nina John at Heart.
Dito rin daw niya unang naging crush si John.
"Dati, noong going to college ako, naging crush ko siya.
"Ka-loveteam niya pa lang noon si Heart sa G-Mik, Berks, tapos may movie pa sila yung First Romance.
"Grabe yon. Pinanood ko sila, tapos nalaman ko na may mall show sila kaya hinabol ko siya sa isang mall sa Cebu.
"Hinabol ko siya, tapos maraming tao. Hindi ka talaga mapapansin, tapos marami pang tumatawag sa kanya ng 'John! Heart!'
"Fan talaga ako ng loveteam nina Heart at John."
Read: Heart Evangelista recounts audition journey in ABS-CBN
Ang youth-oriented show na G-mik! ang unang proyektong pinagtambalan nina Heart at John.
Kalaunan ay naging magkasintahan ang dalawa, ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at naghiwalay rin.
Read: Heart Evangelista, John Prats revisit first love and breakup
Magmula noon ay nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay sina John at Heart.
Si John ay naging kasintahan at kalaunan ay ikinasal kay Isabel Oli.
Nagkaroon ng dalawang seremonya ng kasal sina John at Isabel noong May 16, 2015.
Una, sa pamamagitan ng isang church ceremony sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, Balete, Batangas, noong May 16, 2015.
Sinundan ito agad ng kanilang Christian wedding sa Nayomi Sanctuary Resort noon ding araw na iyon.
Read: John Prats, Isabel Oli renew wedding vows on 10th anniversary
Sa ngayon ay mayroon nang tatlong anak sina John at Isabel.
Read: Isabel Oli's daughter, 4, amuses fans with remarks on marriage
Samantala, napangasawa naman ni Heart si Senator Chiz Escudero.
Ikinasal sila sa Balesin Island noong February 15, 2015.
Read: Heart Evangelista tells Chiz Escudero “I will love you forever”
