Usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang tinutukoy ni Heart Evangelista na dati niyang nobyo na nagparamdam sa kanya na tila isa siyang “sugar mommy.”
Ang terminong “sugar mommy” ay karaniwang tumutukoy sa isang babae na nagbibigay ng pinansyal na suporta, mamahaling regalo, o iba pang benepisyo sa kanyang mas batang partner o karelasyon.
Madalas din itong ginagamit upang ilarawan ang isang babae na ginagastusan ang karelasyon.
Read: Ellen Adarna praises Isabel Santos for being the "best stepmom"
Sa panayam kay Heart sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 5, 2026, una munang tinanong si Heart kung sino ang dapat magbayad sa first date.
Kasama niyang guest sa talk show ang The People Have Spoken co-host niyang si Sean Lucas.

Parehong sumang-ayon sina Heart at Sean na dapat ang lalaki ang magbayad sa unang date, kahit pa ang babae ang unang nag-aya.
Ani Heart, “Kapag lalaki, oo naman. Magbayad ka, hello di ba?
“Para saan pa yung ano... yung buhok ko pa lang [magkano na binayad ko].”
Ang punto ni Heart, sa pagpapaayos at paghahanda pa lang niya para sa date ay malaki na ang gastos niya.
Read: Heart Evangelista, not Vice Ganda, to host The People Have Spoken
Mag-iiba lamang daw ang sitwasyon kung mga kaibigan niya ang kanyang makakasama.
Dahil likas daw siyang mapagbigay, aminado si Heart na kadalasan ay siya ang gumagastos para sa kanyang mga kaibigan.
Aniya, "Pero kapag kunwari sa pagkakaibigan I feel like… because I like to host… That’s me."
Sundot na tanong sa kanya ni Boy, "Dumaan ka ba sa point ng iyong buhay na gumastos ka para sa lalaki?"
Sandaling napahinto si Heart at napahalakhak bago inaming, "Lagi akong gumagastos. Sira ako sa lalaki."

Depensa naman niya, paraan niya ito ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang mga naging karelasyon.
Saad niya: "That’s my language of love. That’s always been my language of love.
"Ayon yung patanim ko kapag umalis ako na, 'I'm sorry you lost it all' ganyan.
"I’m very, very giving. I’m very generous."
Heart on past relationship that left a bad impression on her
Sa puntong ito ay inalala ni Heart ang dati niyang nakarelasyon na diumano ay nag-iwan sa kanya ng hindi magandang impresyon.
Pagbabalik-tanaw ng aktres: "I did have one boyfriend that I felt was not too proper.
"I didn’t like. There is something [about him] that left a bad taste in my mouth."
"Just one, I won't say who."
Bagama’t hindi niya pinangalanan ang dating nobyo, ibinahagi ni Heart na dumating sa puntong pakiramdam niya ay siya ang umaako sa halos lahat ng gastusin sa kanilang relasyon.
Ani Heart, "Parang, I felt like, 'Okay, I feel like I’m a sugar mommy na,' parang ganyan."
Hiniritan naman siya ni Boy na magbigay ng clue tungkol sa pagkakakilanlan ng tinutukoy niyang ex-boyfriend.
Natatawang sagot ni Heart, "They’re all good-looking.
"Mabait naman [siya], baka kailangan lang talaga niya. Extra help."
Heart’s Past RelationshipS
Ang actor-director na si John Prats ang unang naging boyfriend ni Heart na isinapubliko niya.
Nagsimula bilang magka-loveteam ang dalawa noong 2000 bago tuluyang maging magkarelasyon.
Read: Heart Evangelista, John Prats revisit first love and breakup
Sumunod na na-link kay Heart ang aktor na si John Lloyd Cruz noong 2005.
Hindi noon isinapubliko ng dalawa ang ilang buwan nilang pagkakamabutihan.
At noon lamang October 2017, sa panayam ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal), inamin niyang totoong naging sila ni John Lloyd, ngunit hindi raw ito nagtagal.
Read: Heart Evangelista confirms "very brief" romance with John Lloyd Cruz
Matapos si John Lloyd, ang aktor namang si Jericho Rosales ang naugnay sa Kapuso actress.
Tatlong taon ding tumagal ang kanilang relasyong nagsimula noong late 2005.
Read: Heart Evangelista reunites with her "greatest love" Jericho Rosales
Matapos ang masalimuot na pagtatapos ng relasyon nila ni Jericho, may naging boyfriend ding non-showbiz guy si Heart, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.
Muling nagbukas ang puso ni Heart sa Brazilian-Japanese actor-model na si Daniel Matsunaga.
Nagkakilala ang dalawa sa primetime drama series na Langit sa Piling Mo noong 2010.
Sa isang panayam sa PEP, inamin ni Daniel na sinagot siya ni Heart noong August 20, 2010.
Tumagal nang halos dalawang taon ang kanilang relasyon.
Read: Heart Evangelista reunites with ex-boyfriend Daniel Matsunaga's sister
Nang tuluyang maghiwalay sina Heart at Daniel, agad namang naiugnay ang pangalan ng aktres kay senator Chiz Escudero, na kalaunan ay naging kanyang nobyo at asawa.
Read: PEP SPECIAL REPORT Heart Evangelista: woman in love or prodigal daughter?
