PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shuvee Etrata recounts story of crying attendant in restroom

Shuvee Etrata renews endorsement with Jag Jeans.
by Arniel C. Serato
Published 6 hours ago
Shuvee Etrata recalls story of crying restroom attendan
Kapuso star and Jag Jeans endorser Shuvee Etrata talks about the crying restroom attendant she gifted with PHP10K: "Hindi ko naman alam kung malaking pangangailangan niya or ano man. Pero alam ko lang yung pera na mabibigay ko sa kanya, blessing yun. Sana makatulong sa kanya."
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagulat ang Kapuso actress at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata na lumabas sa social media ang pagtulong niya sa isang crying attendant na na-encounter sa C.R.

Nangyari ito noong birthday celebration ng chemist-philanthropist na si Pinky Tobiano last July 21, 2026, sa Manila Hotel.

Saad niya: "Ay, yun naman, hindi ko alam na malalaman yun ng mga tao.

"Kasi hindi ko naman yun sinabi sa social media. Pero kasi po yun yung naging eye-opener sa akin na hindi na ako kilala as Shuvee.

"Kilala nila ako as Tonet."

Ang tinutukoy ni Shuvee ay ang karakter niyang si Tonet Mendoza sa The Master Cutter, ang pinagbibidahang series ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

Dagdag pa niya: "So nanonood sila ng The Master Cutter and na-touch lang ako na nakilala niya ako hindi bilang Shuvee pero bilang Tonet, as my character.

"So it's nice to feel as an artist na hindi ka kilala as yourself but kilala ka as your character. So doon ako mas masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaramdam daw si Shuvee na may pangangailangan ang hindi nakilalang babae kaya inabutan niya ito ng kalahati mula sa napanalunang raffle prize.

Sa pa-birthday raffle ni Pinky, nanalo si Shuvee ng PHP20,000.00

Saad ng Kapuso star: "Tapos nakita ko yung... hindi ko naman alam kung malaking pangangailangan niya or ano man.

"Pero alam ko lang yung pera na mabibigay ko sa kanya, blessing yun. Sana makatulong sa kanya."

Eksklusibong nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Shuvee sa pagbubukas ng Jag Jeans store sa Festival Mall, Alabang, nitong nakaraang August 8, 2026.

Shuvee Etrata with Jag Jeans executives during the store's new branch grand opening at Festival Mall in Alabang.
Shuvee Etrata with Jag Jeans executives during the store's new branch grand opening at Festival Mall in Alabang.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Shuvee Etrata gifts P10K to a crying restroom attendant

SHUVEE ETRATA THANKFUL FOR JAG ENDORSEMENT

Maituturing na Jag baby si Shuvee dahil halos five years na siyang bahagi ng nasabing clothing brand.

Noong 2021, sumali si Shuvee sa JAG TikTok Challenge.

Mula sa libu-libong entries, nangibabaw si Shuvee dahilan upang mapili siyang endorser nito.

Nagkaroon naman siya ng exclusive contract sa nasabing clothing brand noong 2025.

Sabi niya: "Yes. I'm so happy I'm always with Jag and they're forever gonna be my baby. Jag Jeans is like a family to me.

"So this is our milestone together. So masayang-masaya po ang puso ko ngayon."

Shuvee Etrata strikes a pose next to her life-size standee.
Shuvee Etrata strikes a pose next to her life-size standee.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bata pa lang daw siya noon sa Cebu ay pangarap na niyang maging endorser ng jeans brand.

Aniya: "Sobrang pangarap ko. Sila talaga yung nagdala sa akin dito sa Manila noong sinasabi ko nga noong una pa talaga, noong TikToker pa lang ako, hindi pa ako artista.

"Sila yung unang naniwala sa akin and ginawa ko din yung mga ginawa nung mga girls na nanalo. Sumali ako sa ano nila, sa isa nilang competition."

Read: Ramon Ang acquires Gabby Lopez’s stake in Lopez Inc.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star and Jag Jeans endorser Shuvee Etrata talks about the crying restroom attendant she gifted with PHP10K: "Hindi ko naman alam kung malaking pangangailangan niya or ano man. Pero alam ko lang yung pera na mabibigay ko sa kanya, blessing yun. Sana makatulong sa kanya."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results