"Bea Alonzo-Co" na ang pagpapakilala kay Bea Alonzo sa kanyang dinaluhang endorsement forum na #PreviewConversationsWithBirchTree sa BGC, Taguig City, ngayong Huwebes, August 13, 2026.
Ito ay bilang pagrespeto na rin sa asawa ni Bea na si Vincent Co.

BEA on wedding to vincent: "the moment was ours."
July 8, 2026 ikinasal sina Bea at Vincent sa pamamagitan ng civil rites na ginanap sa harap ni Mayor Nancy Binay sa Makati City Hall noong July 8, 2026.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
First "monthsary" nina Bea at Vincent bilang mag-asawa noong August 8.
"Yes. I didn't realize, ang bilis how time flies, 'no?" sabi ni Bea sa exclusive interview sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA News.
Ano ang mga nabago sa kanyang buhay sa loob ng isang buwan?
Nakangiting sagot ni Bea: "Yung tirahan ko. Iba na yung address ko.
"Siyempre nag-move in na kami together, obviously. Ano pa nagbago?
"Right now, I'm on cloud nine. I'm very, very happy.
"Ano siya, kaya nga I'm at my happiest.
"And siguro yung ano, and we... siyempre, we, you know, wake up right next to each other every day.
"And it's special to me."
Nais ding malaman ng publiko kung bakit sinorpresa nila ang kanilang kasalan na iilang tao lang ang nakakaalam.
Wala pang sampung katao ang nakaalam tungkol sa kanilang surprise wedding.
Read: Guests at Bea Alonzo and Vincent Co’s intimate civil wedding
Saad ni Bea: "Honestly, I didn't think that it's something I really need to share.
"So, parang, hindi naman sa pinagdadamot. But at that point, parang I felt like I just wanted it to be mine and his, you know.
"That I wanted it to be about us and no one else.
"So, yeah. It wasn't supposed to be a surprise or wala namang... it wasn't supposed to be like that.
"It was just, it felt like it was the right thing to do and, you know, parang it was... the moment was ours."
Sa ngayon, abala pa rin si Bea sa taping ng upcoming series niya sa GMA-7 na Whispers from Heaven.
