Tila nagpapahiwatig ng pag-apruba si Bela Padilla sa post ng isang X (Twitter) user tungkol sa kanya at sa napapabalitang bago niyang pag-ibig.
Kahapon, August 18, 2026, lumabas sa X ang mga larawan ni Bela kasama ang rumored non-showbiz boyfriend nitong si Martin Tan.
Base sa caption ng X user, mukhang hindi na ipinagkakaila ni Bela na ang nasabing lalaki nga ang bago niyang inspirasyon.

Caption ng uploader: "I think, 'what we see is what we get' na. No need to make kulit...
"But I am genuinely happy for Bela Padilla. Since I met and talked to her in person (intimate solo mediacon for #BloodVsDuty) and saw how genuine and kind she was, I silently hoped na sana she finds the love na she deserves and sana rin eto na yun.
"We love you @bb_belaaa"
Reaksiyon ni Bela: "Your caption is so sweet!! Thank you [face holding back tears emoji]"

Read: Derek Ramsay, AJ Violago face LTO over alleged fake Porsche plate
BELA SPOTTED WITH MARTIN in JUNE 2026
Unang namataang magkasama sina Bela at Martin noong June 2026 sa opening ng pet lifestyle clinic ng cosmetic doctors na sina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo.
Sa isang larawan, makikitang katabi ni Bela ang itinuturing pa noong mystery guy niya.
![[L-R] Dr. Z Teo, Dra. Aivee Aguilar-Teo, Bela, and Martin Tan.](https://contents.pep.ph/images2/images2/2026/08/19/724147694-1035327275813630-5026467563039422155-n-1781873704-1787101590.jpg)
Base sa usap-usapan ng netizens sa Facebook, ang mystery guy na kasama ni Bela ay isang tech entrepreneur na nagngangalang Martin Tan.
Makikita sa profile ng pribadong account niya sa Instagram na si Martin ay co-founder at CEO ng Tenext.ai, ang dating Arbolo.ai, isang "AI-native experience (CX) and software development company."
Sa Reddit naman, may post din tungkol sa inilarawan nilang "rumored boyfriend" ni Bela.
Noong February 2026, may sightings na rin si Bela kasama si Martin na ipinost din sa Reddit.
Read: Is Bela Padilla dating again?
Ang huling nakarelasyon ni Bela sa loob ng limang taon ay ang Swiss-Italian na si Norman Bay.
Pero naghiwalay rin sila noong August 2025.
