Nagkaroon na ng sagot ang tanong ng netizens, lalo na ang kanyang mga tagahanga, kung bakit ilang linggong nanahimik sa social media ang aktres na si Bela Padilla.
Sa Instagram noong Miyerkules, July 29, 2026, inamin niya na mayroon siyang pinagdaanan nitong mga nakalipas na araw.
Ito ay sa kabila ng mga biyayang natanggap niya mula nang magsimula ang taon.
Kalakip ng kanyang post ang isang video niya habang nasa pottery session.
Read: Korean actor Jeon Seung Jae dies at 47 after two-year coma
Nilagyan niya ito ng background song na “Someday I’ll Get It” ng Norwegian indie folk singer-songwriter na si Alek Olsen.
Ayon kay Bela, may ilang malulungkot na bagay na nangyari sa kanyang personal na buhay.
Read: Bela Padilla reveals her mom inspired her love for films, writing
Mababasa sa caption ng aktres: "I use this song for work, when I need to release big emotions at the end of the day. When I’m not working, I avoid it at all costs.
"But today…I let myself be upset.
"Since the year started, I’ve received so many blessings — new projects offered and completed, movies doing well in theaters and streaming, shoots, covers, personal projects, travels, nominations, recognitions.
"So when a few sad things happened, and with the backdrop of what’s been happening in our country, I felt like I had no right to complain.
"I stayed quiet — probably shocking to some, since I usually speak up for what I believe is right and lend my voice to the silent.
"The truth is, a lot was happening in my personal life too."
Read: Is Bela Padilla dating again?
Habang pinupuno raw niya ng masasayang sandali ang kakaunti niyang libreng araw, napagtanto niya kung sinu-sino talaga ang maaari niyang pagkatiwalaan.
Bagamat hindi idinetalye ni Bela kung ano ang partikular niyang pinagdaraanan, sinabi niyang nagsilbi itong aral sa kanya.

Dagdag pa rito ang aniya'y mga malulungkot na bagay mula sa kanyang kabataan ang muli niyang nararanasan sa kasalukuyan.
Pahayag niya: "While I filled my few free days with happy moments, I was learning the hard way who I could actually trust.
"People I’ve uplifted over the years turned a blind eye when they could have easily spoken up and helped carry my burden, for once.
"That wasn’t an easy pill to swallow. And things that hurt me as a child started showing up dressed as care and love."
"So maybe now you have a clearer picture of why I’ve been quiet."
BELA: "I've started finding my voice. I've started pushing back."
Sa kabila ng mga pinagdaanan, unti-unti raw na bumabangon si Bela para manindigan para sa kanyang sarili.
Bagay na maaaring ikagulat daw ng mga nakakakilala sa kanya, dahil kilala siyang mapagpasensya sa lahat ng bagay.
Saad niya: "Recently, I’ve started finding my voice. I’ve started pushing back.
"The problem with being compliant your whole life, is that people get startled when you finally say 'enough.'
"Just the sound of your voice can offend the people who hurt you, once you start naming what they did."
Read: Lala Sotto praises It's Showtime's cooperation amid MTRCB probe
Gayunman, hinikayat ni Bela ang mga nakararanas ng kaparehong sitwasyon na huwag matakot na gamitin ang kanilang boses, lalo na kung ito ay para sa tama at ikabubuti nila.
Sabi niya: "That’s okay — don’t be scared. If you’re in the same boat... I haven’t figured it all out either.
"But I figured it out today. My advice, if you need to get through today: listen to 'Someday I’ll Get It,' on loop and have yourself a good cry.
"You’ll feel better."
Diin pa niya, "Tomorrow, we’ll figure out the next steps again. And someday, we will actually get it."
rumored falling-out with Kim chiu and ANGELICA PANGANIBAN
Samantala, sa comments section ng post ni Bela, marami ang nagpahayag ng pag-aalala at mensahe ng suporta sa kanya.
Gayunman, hindi rin nawala ang espekulasyon ng ilang netizens na naghihinalang may kinalaman ang pinagdaraanan ni Bela sa umano’y hindi pagkakaunawaan nito at ng malalapit na kaibigan na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban.
Read: Vice Ganda, Kim Chiu put feud rumors to rest on It's Showtime
Nagsimula ang espekulasyong may tampuhan ang tatlo dahil sa carousel post ni Angelica na nagpapakita ng masasayang highlights sa kanyang buhay nitong nagdaang anim na buwan.
Kabilang sa ibinahagi ni Angelica ay ang sweet photos nila ni Kim.

Hindi kasama si Bela sa mga larawan.
Ipinagtaka ito ng mga masugid na tagasubaybay ng tatlo na kilala sa barkadahan nila na AngBeKi.
Read: Angelica Panganiban's latest post fuels AngBeKi speculation
Napansin din ng ilang netizens na hindi binati ni Kim si Bela sa kanyang kaarawan noong May 3—isang bagay na consistent na ginawa umano ng It’s Showtime host sa mga nakalipas na taon.
Habang si Bela ay binati naman si Kim noong April 29, o sampung araw makalipas ang birthday ng huli noong April 19.
Napansin ng ilang netizens na hindi naka-tag si Kim sa post at hindi rin ito nag-react dito.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Bela, Kim, at Angelica tungkol sa haka-hakang mayroon silang hindi pagkakaunawaan.
