Another Filipino pride is making a name on the global stage!
Ito ang proud Pinoy moment ng singer na si Jeramie Sanico nang ipamalas niya ang kanyang husay sa pagkanta sa singing competition na The Voice Australia.
Si Jeramie ay isang Pinay na kasalukuyang nakabase sa Australia matapos niyang makapangasawa roon.

Noong Lunes, August 17, 2026, usap-usapan online ang blind audition ni Jeramie dahil sa pagkakakuha niya ng four-chair turn mula sa mga judge na sina Melanie C, Ronan Keating, Richard Marx, at Kate Miller-Heidke.
Para sa kanyang audition, napahanga ni Jeramie ang mga coach at viewers sa rendition niya ng “Because You Loved Me” ni Céline Dion, na aniya’y alay niya sa kanyang ama na lumipad pa-Australia mula sa Pilipinas para suportahan siya.

Bukod sa kanyang ama, kasama rin ni Jeramie sa blind audition ang kanyang asawa at dalawang anak.
Sa simula, kalmadong kinanta ni Jeramie ang first verse ng kanta hanggang sa mapunta ito sa chorus, na naging hudyat ng kanyang pagbirit.
Dito na sunud-sunod na umikot ang apat na judges.
Sa huli, ang award-winning singer-songwriter na si Richard Marx ang napiling coach ni Jeramie.
JERAMIE SHARES EXPERIENCE ON HER BLIND AUDITION
Sa labis na kaligayahan, nag-post sa Facebook si Jeramie upang ibahagi ang kanyang karanasan sa sikat na singing reality competition.
Read: Sue Ramirez grieves the passing of her mother, Chit Dodd
Pagbabahagi ng Pinay singer, nakaramdam siya ng labis na kaba nang sumalang sa blind audition dahil matagal-tagal na raw siyang hindi nakakapag-perform o nakakasali sa isang singing competition.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "I have not been on TV since [It's] Showtime. My last TV competition was 10 years ago.
"Since I’ve been in Australia, the only time I sang was in our churches, and they weren’t performances but renditions to God.
"I’ve been singing as well in my kitchen, bathroom, and in front of my kids, so I really feel like I’m starting from ground zero.
"Tonight, I was really nervous, as you can hear in the beginning. But I’ve poured my whole heart into it. I meant every word of that song."
Read: Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Sabi pa ni Jeramie, pagdating sa Australia, alam na umano niyang kailangang magsimula muli siya sa kanyang singing journey.
Hindi raw niya inakalang hahantong ito sa pagkakataong makatungtong sa entablado ng The Voice Australia, mula sa kanyang simpleng buhay sa Pilipinas
Saad niya: "Coming to Australia, I knew that I’m gonna have to start all over again when it comes to singing, but I didn’t expect that it will lead me here.
"Coming from a humble life in the Philippines, who would have thought that a little girl born with a big dream will be able to step in The Voice stage.
"My goal in joining isn’t just to win, but to let God shine through it all."

Gayunman, nilinaw ni Jeramie na hindi lamang manalo ang kanyang layunin sa pagsali sa The Voice Australia.
Nais daw niyang gamitin ang pagkakataong ito upang maipakita ang pananampalataya niya at maipadama sa iba ang presensiya ng Diyos sa kanyang naging journey.
"Every melody, every lyric, I want God to be known as the main source of everything. Without Him, I am nothing.
"Wherever this journey may lead me, I am already sooo grateful. I am truly humbled and honoured. It was God all along, and tonight, I’m giving it all back to Him."
JERAMIE AS FORMER "TAWAG NG TANGHALAN" CONTESTANT
Bago sumabak si Jeramie sa The Voice Australia, naipakita na niya ang kanyang galing sa pagkanta nang maging contestant siya ng “Tawag ng Tanghalan” Season 1 ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Nakabilang siya sa mga unang semifinalist para sa huling quarter ng kompetisyon, ngunit kalaunan ay umatras siya sa semifinals dahil sa mga personal na dahilan.
Pahayag noon ni Jeramie: "Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil binigyan Niya po ako ng chance na makasali po sa semi-finals, and siyempre sa It's Showtime, mga hosts, ABS-CBN, "Tawag ng Tanghalan," mga hurados, at sa madlang people.
"Mayroon po akong mga bagay na kailangan ko pong i-prioritize at unahin, mga personal commitments po na hindi ko po kayang ipagpaliban, kaya kailangan ko pong ihinto ang pagsali ko sa semi-finals.
"Gayunpaman, sobrang blessed po ako and nagpapasalamat po ako."
Read: Doug Kramer answers critics of his "I could have cheated" quote
