PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign

Joy Barcoma wants Alden Richards to be her leading man.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 1 Hour ago
Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Joy Barcoma says she has no plans to join another beauty pageant after her Miss Earth Philippines 2025 reign: "Ayoko na. Kasi di ba laging sinasabi kapag magjo-join ka ng pageant, 'I want to use my platform, I want to use my voice,' e feeling ko nagagawa ko naman na siya kahit outside pageantry."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Wala nang balak ang beauty queen at TV host na si Joy Barcoma na sumali pa sa ibang pageant matapos ang kanyang journey bilang Miss Earth Philippines 2025.

Noong August 12, 2026, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Joy nang mag-host siya sa presscon ng Netflix film na Ganito, Ganyan, Ganoon.

Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Ruby Ruiz, Agot Isidro, Direk Cholo Laurel, Jodi Sta. Maria, and Gabriel Lazaro (left to right) shared what viewers can expect from their film, 'Ganito, Ganyan, Ganoon,' during a press event.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay kinumusta siya sa kanyang latest pageant hosting stint sa Reina Filipinas, kasabay ng tanong kung plano rin ba niyang sumali rito para maging kinatawan ng Pilipinas kung papalaring makuha ang Miss Grand International o ang Miss Grand International All Stars crown.

Read: 3 pageant veterans crowned first Reina Filipinas 2026 queens

Casual na tanong kay Joy, “Ano ang magpapa-oo sa iyo para sumali ka sa Reina Filipinas?”

“Siguro kung may million na prize,” mabilis at birong sagot ni Joy.

Nang magseryoso, inamin ni Joy na wala na siyang balak pang sumali sa anumang beauty pageant matapos ang kanyang Miss Earth Philippines 2025 reign.

Aniya: "Wala na, tapos na ako sa pageantry. Ayoko na.

"Kasi, di ba, laging sinasabi kapag magdyo-join ka ng pageant, 'I want to use my platform, I want to use my voice.'

"E, feeling ko nagagawa ko naman na siya kahit outside pageantry.

"Tsaka, okay na ako doon sa Miss Earth Philippines crown ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joy Barcoma to skip farewell walk at MPE 2026 coronation night

Malaki at labis-labis na biyaya na raw ang natanggap ni Joy dahil sa pagkakapanalo niya sa Miss Earth Philippines, kaya tingin niya ay sapat na ito para tuluyan nang iwan ang pageant world at mag-focus sa ginagawa niya ngayon—ang paghu-host.

Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag niya: "Very grateful na ako for all the opportunities. The doors that opened for me, even the windows, kung mayroon mang nagbukas.

"Sobrang happy na ako doon. And I feel like I'm living the best life ngayon.

"Thankful na ako, kaya ayoko nang bumalik sa pageantry.

"Mag-host na lang ako."

JOY GRATEFUL FOR HER CAREER

Aminado rin si Joy na hindi niya inaasahan ang mga oportunidad na dumating sa kanyang career matapos ang kanyang pageant journey.

Saad niya: "Lahat ng nangyayari ngayon is very unexpected for me.

"Kaya nga wala akong ibang masabi kada interview ko kundi very, very grateful ako.

"Kasi hindi naman lahat ng tao, e, nabibigyan ng opportunity, parang kailangan talaga ng perfect timing, charisma as well.

"Also, skills and talents para ma-penetrate niya yung ganitong klase ng industriya."

Read: Joy Barcoma defends her Miss Earth typhoon speech against critics

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Joy sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan at nagbigay ng pagkakataong maipakita ang talento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang grateful ako sa mga taong nakakita ng talent and skills ko.

"Sobrang grateful ako sa mga taong binigyan ako ng opportunities.

"And sobrang grateful din ako sa mga taong sumuporta sa akin, kasi kung hindi sa suporta nila, wala talaga ako sa kung nasaan ako ngayon," saad niya.

IS JOY READY TO VENTURE INTO ACTING?

Sundot na tanong ng PEP, "E acting, ready ka na bang pasukin o i-try ito?"

Mabilis na sagot ni Joy: "Wala pa sa hinuha ko. Pero if given the opportunity, why not, di ba?

"Okay naman ako sa kahit anong role. I feel, like, to be offered an acting role or a character in a film or series, that's a great achievement for me.

"Kahit ano, 'no, hindi na ako mapili. Kahit pa gawin niyo akong chismosang kapitbahay, gagawin ko yan."

Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating naman sa leading man, sino kaya ang gustong makatrabaho ni Joy?

Saad niya: "Pangarap kong leading man, sinabi ko dati si Alden Richards. Wala lang, kasi parang cutie siya.

"Pero siguro, kung gagawa ng pelikula tapos dito sa Philippines, si Alden pa rin yung naisip ko.

"I feel, like, sobrang goob boy kasi nung image niya, kaya gusto ko siyang makatrabaho."

Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Barcoma says she has no plans to join another beauty pageant after her Miss Earth Philippines 2025 reign: "Ayoko na. Kasi di ba laging sinasabi kapag magjo-join ka ng pageant, 'I want to use my platform, I want to use my voice,' e feeling ko nagagawa ko naman na siya kahit outside pageantry."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results