PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelu de Leon opens up about depression over Bell’s palsy

Angelu de Leon: "Huwag nating balewalain ang ating kalusugan."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Angelu de Leon opens up battle with depression caused by Bell's palsy
Actress and Pasig City Councilor Angelu de Leon: "Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy. Bilang artista, 'mukha ang puhunan mo.' Kaya hindi madaling tanggapin kapag biglang nagbago ang mukha mo... Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Hindi inilihim ng actress-politician na si Angelu de Leon na nakaranas siya ng depresyon nang magkaroon siya ng Bell's palsy taong 2009.

Matapos ang pitong taon, inatake siya muli nito noong 2016.

Ayon sa medicalnewstoday, ang Bell's palsy ay "paralysis or severe weakness of the nerve that controls the facial muscles on the side of the face, the facial nerve or seventh cranial nerve."

Angelu de Leon in one of her Instagram posts before after experiencing Bell's palsy attack.
Angelu de Leon in one of her Instagram posts before after experiencing Bell's palsy attack.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang halos dalawang dekada, binalikan ni Angelu ang yugtong ito na nakaapekto sa kanyang buhay at karera.

Saad niya sa Facebook noong August 12, 2026: "Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy.

"Bilang artista, 'mukha ang puhunan mo.' Kaya hindi madaling tanggapin kapag biglang nagbago ang mukha mo."

Ngunit hindi raw siya pinanghinaan sa natuklasang kondisyon niya.

Bagkus, nagkaroon pa siya ng billboard at naging bahagi pa ng Pulang Araw (2024) ng GMA-7.

Napagtanto rin daw ni Angelu na hindi nasusukat ang halaga niya sa kanyang pisikal na anyo.

"Pero sa kabila ng lahat, pinagpala pa rin ako ng Diyos—nagkaroon pa ako ng billboard sa EDSA at naging bahagi ng Pulang Araw.

"Natutunan ko na hindi doon nasusukat ang halaga ko. Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo.

"Health is wealth. Huwag nating balewalain ang ating kalusugan. Huwag nating hintaying may mangyari bago natin alagaan ang ating sarili.

“'My grace is sufficient for you, for My power is made perfect in weakness.' — 2 Corinthians 12:9"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bela Padilla reacts to post about rumored boyfriend Martin Tan

Angelu de leon BELL'S PALSY ATTACK IN 2016

November 9, 2016, nag-post si Angelu kung saan nakaasuot siya ng hospital gown.

Base sa isa sa hashtag na kanyang inilagay sa caption, mahihinuhang inatake ng Bell's palsy ang Kapuso actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya sa caption ng post: "Nope I'm not in my pantulog. I just entered a big donut for them to see my thoughts with contrast. I'd smile but my face is not moving.

"Good night everyone! Take care of yourselves. God bless you.

"#thankyouLord #MRIwithcontrast #firstround2009 #rightface #lastround2016
#leftface #Bellspalsy #onlybyGodsgrace"

Una raw itong nangyari sa kanya taong 2009.

Sabi pa niya noon, suspetsa niya sa muling pag-atake nito: “My bad din kasi I don't take vitamins every day tapos di ba hectic nung sched namin sa Euro trip tapos beach.

“Yung change of weather with low immune system made me vulnerable again.”

Read: Angelu de Leon suffers another Bell's palsy attack

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and Pasig City Councilor Angelu de Leon: "Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy. Bilang artista, 'mukha ang puhunan mo.' Kaya hindi madaling tanggapin kapag biglang nagbago ang mukha mo... Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results