PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claire Castro stands by controversial remarks on teachers

"Dapat magbigay ng paumanhin yung nagbigay ng maling konteksto sa aking sinabi."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 10 hours ago
Claire Castro stands by controversial remarks on teachers
Malacañang Palace Press Officer Atty. Claire Castro says her remarks on teachers were taken out of context following the Ateneo de Zamboanga shooting incident: "Iniisip ko, saan ba dapat na sabihin kong mali ako? Iniisip ko, dahil maliwanag yung aking pagkakasabi na nagkaroon lamang ng maling konteksto noong sinabi ng ACT Teachers na sinisisi ko ang mga guro."
PHOTO/S: RTVM on YouTube

Nanindigan si Malacañang Palace Press Officer Atty. Claire Castro na walang mali sa kanyang pahayag tungkol sa mga guro, kasunod ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University Grade School sa Santa Maria, Zamboanga City, noong August 18, 2026.

Naging kontrobersiyal ang mga binitawang pahayag ni Castro matapos ang malagim na insidente sa Ateneo de Zamboanga na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng iba pa.

Read: Ateneo de Zamboanga University confirms two dead in shooting incident

Sa nasabing pahayag, binigyang-diin ni Castro ang kahalagahan ng paggabay sa mga kabataan, hindi lamang ng kanilang mga magulang kundi maging ng paaralan, upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa loob ng mga paaralan.

May mga pagkakataon daw kasi na mismong ang mga guro pa ang nagtuturo sa mga estudyante ng kawalang-galang at modo sa nakatatanda.

Mariing kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) NCR Union at iba pang guro sa buong bansa ang pahayag ni Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa statement na inilabas ng ACT NCR Union, sinabi nilang hindi makatarungang ibunton ni Castro ang sisi sa mga guro na wala namang ibang hangad kundi mapabuti ang kanilang mga estudyante.

Ginagawa raw nila ito sa kabila ng problemang kinakaharap ng mga guro sa bansa, kabilang na rito ang umano'y kakulangan sa sahod at resources.

Read: Teachers hit back at Claire Castro after deadly Ateneo shooting

Castro says critics took her remarks out of context

Kaugnay nito, natanong si Castro sa isinagawang press conference ng Malacañang ngayong Miyerkules, August 19, tungkol sa kanyang reaksiyon sa pagtutol at pahayag ng ACT NCR Union.

Claire Castro stands by controversial remarks on teachers
Photo/s: RTVM on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Castro, hindi niya partikular na sinisisi ang mga guro sa nangyayaring karahasan sa mga paaralan.

Aniya, maaaring nagkaroon lamang ng misinterpretation sa nauna niyang pahayag kaya naging negatibo ang dating nito sa mga kaguruan.

Pahayag niya: "Gusto lang po nating ipaliwanag dahil mukhang nagkakaroon ng misconception, misinterpretation, misunderstanding sa ating nabanggit kahapon.

"Unang-una, wala po tayong sinisisi na mga guro.

"Kung sila man ay may naramdamang galit sa ating tinuran, muli, gusto lang nating ipakita dahil baka hindi alam ng ating mga guro yung ibang nangyayari sa mga ginagawa ng ibang mga guro."

Ani Castro, may mga ebidensiya silang hawak para patunayang may mga pagkakataong nakakalimot ang ilang guro sa kanilang responsibilidad na gumabay sa mga kabataan.

Naglabas pa ng larawan si Castro kung saan, aniya, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinagsumbungan ng ilang kabataang nakausap nito nang minsan siyang magtungo sa isang paaralan sa Davao City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Claire Castro stands by controversial remarks on teachers
Photo/s: RTVM on YouTube

"Nauunawaan po natin kung saan nanggagaling ang ating mga guro, pero huwag po sana nilang masamain kung atin lamang silang pinapaalalahanan na malaki po ang inyong role bilang pangalawang magulang sa ating mga kabataan.

"Hindi ko po kailanman hindi bibigyan ng galang ang ating mga guro dahil ang aking ina ay, hindi pa ako ipinapanganak, isang public school teacher...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hanggang sa siya po ay namayapa, nanatili po siyang guro," saad ni Castro.

Castro offered no apology for her remarks

Dahil hindi nag-alok ng direktang paghingi ng paumanhin si Castro sa mga gurong nasaktan sa kanyang naunang pahayag, nilinaw ng GMA News anchor na si Ivan Mayrina kung may plano siyang humingi ng apology sa kaguruan.

Saad ni Castro: "Sabi nga po natin, kinikilala po natin yung nasaktan na damdamin.

"At gusto kong ipaliwanag kung saan maaaring nanggaling yung sama ng loob nila, dahil never po akong nanisi ng guro.

"Maliwanag po yung sinabi natin kahapon. So, sa mga nagdaramdam, ito po ang aking paliwanag sa inyo para po maibsan yung inyong sama ng loob, kung mayroon man po.

"Kasi dapat ilagay lang po natin sa tamang konteksto yung nangyari."

Read: DepEd warns against sharing Ateneo de Zamboanga shooting footage

Sundot na tanong sa kanya ni Ivan, "So, no apology, Usec?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot dito ni Castro: "Ivan, hindi tayo rito puwedeng magkaroon ng... sorry for the word, ayokong magkaroon ng additional na pag-iintriga tungkol dito.

"Dahil muli, gusto kong linawin na naiintindihan ko po kung saan nanggagaling yung mga guro at wala po tayong sinabi na sila ang dapat sisihin."

Giit pa ng tagapagsalita ng Pangulo, paalala lamang ang kanyang naunang pahayag tungkol sa malaking papel ng mga guro bilang tagahubog ng mabuting asal ng mga kabataan.

Aniya: "Ipinapakita lang po natin na kung gaano kalaki yung kanilang role bilang pangalawang magulang sa ating mga kabataan.

"So, ngayon ipinakita ko kung bakit ayun yung nasabi natin, dahil totoo naman na mayroong mga guro na hindi nagsilbi nang maganda sa ating mga kabataan.

"Kaya hinihimok ko po ang ating mga kagalang-galang na guro na magtulungan po tayo, kung mayroon po kayong nakikitang mga ganitong klase ng mga nangyayari sa kapwa ninyong guro, paalalahanan po natin na kayo ay tinitingala bilang tagapagturo ng magandang kaugalian sa ating mga kabataan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin pa ni Castro, hindi siya ang dapat humingi ng paumanhin kundi ang mga umano'y nagbigay ng maling konteksto sa kanyang mga sinabi.

Saad niya: "Iniisip ko, saan ba dapat na sabihin kong mali ako?

"Iniisip ko, dahil maliwanag yung aking pagkakasabi na nagkaroon lamang ng maling konteksto noong sinabi ng ACT Teachers na sinisisi ko ang mga guro.

"Wala po akong sinabi na sila ang may kasalanan.

"Kahit ulit-ulitin po nila yung aking sinabi, ayan po ay pagpapaalala lamang na sila po ay mga iginagalang na guro na maghuhubog ng tamang kaugalian sa ating mga kabataan.

"Siguro po, ang dapat magbigay ng paumanhin ay yung nagbigay ng maling konteksto sa aking sinabi."

Read: Father of Ateneo de Zamboanga shooter suspended by BOC

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malacañang Palace Press Officer Atty. Claire Castro says her remarks on teachers were taken out of context following the Ateneo de Zamboanga shooting incident: "Iniisip ko, saan ba dapat na sabihin kong mali ako? Iniisip ko, dahil maliwanag yung aking pagkakasabi na nagkaroon lamang ng maling konteksto noong sinabi ng ACT Teachers na sinisisi ko ang mga guro."
PHOTO/S: RTVM on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results