Kumpirmadong wala na sa poder ng talent manager na si Shirley Kuan ang aktres na si Bea Alonzo.
Si Shirley mismo ang nagkumpirma nito sa intimate talk niya with select members ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong hapon ng Lunes, August 24, 2026, sa isang restaurant sa Quezon City.
Dito ay mariin ding pinabulaanan ni Shirley ang paratang na "cash cow" niya ang dating alagang aktres.
Kailanman daw ay hindi siya nagmukhang "pulubi" sa mundo ng showbiz na tatlong dekada na niyang ginagalawan.
Read: Shirley Kuan resigns as Bea Alonzo’s manager after six years

SHIRLEY KUAN: stop calling bea my cash coW
Mariing sabi ng beteranang talent manager: "The problem is dapat nagtanong sila bago nila ako sabihan ng...
"I find that very insulting, ha. Parang tingin nila sa akin pulubi, di ba?
"Na parang pag wala na si Bea sa akin, magugutom na ako.
"At saka tanungin niyo kahit sino dito sa showbiz. More than 30 years na ako dito.
"Meron ba ako... meron bang magsasabi sa inyo na nagutom ako or nangharbat ako ng pera or I cheated my artist out of their talent fee? Meron bang ganun?
"And meron bang impression sa showbiz na mahirap ako? Di ba?"
Paglilinaw pa ni Shirley: "I just wanna make this clear, ha. Bea did not make me rich nor will she make me poor.
"So stop calling her my cash cow. I have bigger stars that I'm handling who are busier than her."
Si Shirley ang manager nina Helen Gamboa, Albert Martinez, Hilda Koronel, Donna Cruz, Agot Isidro, at Andrea Brillantes.
Winakasan ng veteran talent manager na si Shirley ang manager-talent relationship nila ni Bea noong Agosto 11, 2026.
Read: Gela Atayde hard-launches relationship with Zaijian Jaranilla?
