Hanggang ngayon ay bakas pa rin kay Ryan Bang ang kalungkutang nararamdaman sa pagwawakas ng relasyon nila ng ex-fiancée na si Paola Huyong.
Tila hindi pa siya tuluyang nakaka-move on sa hindi natuloy na kasal nila.
Sa segment ng It's Showtime na "Attendance Check" noong Sabado, August 22, 2026, nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ang mga host ng noontime show tungkol sa kanilang nakaraang relasyon.
Pag tinawag ni Vice Ganda ang apelyido ng kanyang co-hosts, imbes na "present" ay "Shout Out to My Ex" ng kanilang isasagot.
Dahil ang Agosto ay Buwan ng Wika, patula ang pagsasabi ng host ng kanilang mga nararamdaman.
Nang si Ryan na ang tinawag, ito ang kanyang sinabi: "Ako’y may dating kasintahan. At dati kaming nagmamahalan.
"Pero di pumayag ang tadhana. Kaya hindi kami nagtuloy sa dambana.”
Bagamat nakangiti ay mababanaag sa kanyang mga mata ang kalungkutan, at tila nangingilid na ang luha.
Dahil dito ay niyakap siya ng kanyang mga kasamahan sa It's Showtime.

Read: Shirley Kuan says Bea "never defended me" amid wedding issue
RYAN BANG-PAOLA HUYONG BREAKUP
Halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nina Ryan at Paola.
2023, inamin ni Ryan sa It's Showtime na may girlfriend na siya. At ito nga ay si Paola.
Na-engage sila noong June 2024.
Inamin ni Ryan na tinuldukan nila ni Paola ang kanilang relasyon sa panayam ni Vice Ganda sa kanya sa YouTube noong June 6, 2026.
Ang pagkakaiba sa paniniwala at perspektibo sa paglagay sa tahimik ang ilan daw sa mga dahilan ng kanilang breakup.
Saad ni Ryan: "Magkaiba pala yung paniniwala, magkaiba pala yung gawi, tsaka magkaiba pala yung thinking, lalo na pagdating sa marriage.
"Tinray ko, e, tinray ko na ayusin. Kasi alam ko, nung panahon na yon, hindi ko maintindihan ba't di umabot ng ganito."
September 2025 pa pinaghihinalaang hiwalay na ang dalawa matapos mabura ang engagament photos nila sa Instagram.
Wala namang third party sa hiwalayan nila.
"Siyempre sa relationship, meron din akong kasalanan, pero I never cheat. Hindi totoo yun, yung sinasabi ng mga tao.
"I never cheat. Even before, I never cheat. Hindi ako ganun. Serious din ako sa relationship."
Read: Ryan Bang breaks silence on breakup with Paola Huyong
