In-unfollow na ni Lea Salonga sa Instagram ang dalawang miyembro ng BTS na sina RM at J-Hope.
Ito ay matapos dumalo ng mga ito sa concert ng American singers, songwriters, at dancers na sina Chris Brown at Usher.
Nitong Martes, August 25, 2026, napansin ng ilang tagahanga ni Lea na wala na sa kanyang following list sina RM at J-Hope, gayong kilala ang Pinay Broadway star bilang masugid na tagahanga ng K-pop supergroup.
Read: Fyang faces backlash over “ang kakapal ng mukha niyo” remarks
Sa Threads, kinumpirma ni Lea na in-unfollow na nga niya ang dalawang miyembro ng BTS, ngunit nilinaw nitong hindi niya ito ginawa bilang paraan para hamakin sina RM at J-Hope.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "First off, my being a fan can be equated to a single grain of sand on a massive beach.
"Whatever my actions are won’t affect anyone, except maybe cause consternation in the minds of other fans, which I do expect and accept responsibility for."
Read: Grammys CEO defends new Asian Pop category after BTS boycott
Ayon kay Lea, napagtanto niyang nagsisimula nang makaapekto sa kanyang emosyunal na kapakanan kapag nakikita niya sina RM at J-Hope sa kanyang Instagram feed.
"Yes I did unfollow, but I did it for my own sake.
"It’s not meant to be punitive to either of them, at all.
"But I recognized that I was waking up sad and/or upset, or find myself way too affected. This was unhealthy so I took a step back, for me," saad niya.
Binigyang-diin din ng international singer-actress na may karapatan sina RM at J-Hope na gumawa ng sarili nilang mga desisyon, kabilang na ang kalayaang piliin kung sino ang kanilang susuportahan at hahangaan, gaya rin ng karapatan niyang magdesisyon para sa sarili.
Pahayag ni Lea: "As many fans have rightly pointed out, we are owed nothing really.
they are autonomous human beings, but so am I, and whatever decisions I make are mine alone.
"If I hurt anyone in the aftermath, that isn't my intention but I'm sorry if I hurt you nonetheless."
Sa kabila nito, nananatiling malaki raw ang pasasalamat ni Lea sa BTS at sa naging epekto ng grupo sa kanyang buhay magmula nang makilala niya ang mga ito.
"I am still so grateful for the typhoon they created in my life when they arrived in 2020.
"I was navigating my marriage ending, raising a teenager, and a global pandemic (not to mention the occasional death threat due to politics).
"They saved my sanity when I needed saving. I’ll never forget that," ani Lea.

Bagamat tuluyan nang in-unfollow ni Lea sina RM at J-Hope, nananatili pa rin sa kanyang following list ang iba pang miyembro ng BTS na sina V, Jin, Suga, at Jimin.
RM, J-Hope Face Backlash After Attending Chris Brown and usher Concert
Kaliwa't kanang batikos ang kinakaharap nina RM at J-Hope matapos nilang dumalo sa co-headlining concert nina Chris Brown at Usher sa Rogers Stadium sa Toronto, Canada, noong August 12.
Mismong si J-Hope ang nag-post sa kanyang Instagram Stories ng mga video kung saan makikitang nag-e-enjoy sila ni RM habang sumasayaw, kumakanta, at nakiki-jam sa performance ni Chris Brown.
Nakadaupang-palad din nila si Chris Brown nang mag-post ang singer ng isang backstage photo kasama sina RM at J-Hope.

Umani ng batikos mula sa ilang fans ang nasabing larawan.
May mga kumuwestiyon sa desisyon ng dalawang miyembro ng BTS na dumalo sa concert at makipagkita kay Chris Brown, na naging kontrobersiyal ang career dahil sa mga legal na usapin at alegasyong may kaugnayan sa karahasan.
Matatandaang noong 2009, nag-plead guilty si Chris Brown sa isang felony assault charge kaugnay ng pananakit sa kanyang kasintahan noong si Rihanna.
Read: Chris Brown rages about Rihanna questions
Bilang bahagi ng kanyang sentensiya, isinailalim siya sa probation at community service ng halos limang taon.
Ilang taon lamang ang lumipas, muling nasangkot si Chris Brown sa isang kontrobersiya kaugnay ng pananakit sa isang nightclub sa London noong 2023.
Noong 2026, nag-plead guilty siya sa charge na affray (public fight or violent disturbance) kaugnay ng insidente.
Gayunman, may ilang ARMYs (tawag sa fandom ng BTS) na dumepensa kina RM at J-Hope.
Anila, hindi nangangahulugang sinasang-ayunan nina RM at J-Hope ang nakaraan o mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Chris Brown dahil lamang nakipag-picture sila rito o dumalo sa concert nito.
May ilan din namang nagsabing posibleng dumalo sina RM at J-Hope bilang kapwa musikero, at hindi bilang pagpapakita ng suporta sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Chris Brown.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina RM at J-Hope hinggil sa isyu.
Read: Niño Muhlach placed under 90-day preventive suspension by LTO
