PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fyang faces backlash over “ang kakapal ng mukha niyo” remarks

Fyang Smith fans defend the Kapamilya star: "But isn't it obviously a joke?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published 11 hours ago
Fyang Smith faces backlash over “ang kakapal ng mukha niyo” remarks
Fyang Smith sparks backlash over her remarks toward fans supporting Team GMMTV Thailand at the Star Magic All-Star Games 2026.
PHOTO/S: Facebook

Umani ng batikos mula sa ilang Thai at Pinoy Boys' Love (BL) fans ang mga naging pahayag ng Kapamilya actress na si Fyang Smith sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2026.

Usap-usapan ngayon online ang mga video na kuha kay Fyang sa nasabing event, kung prinangka niya ang mga Pinoy fans na tumili at sinusuportahan ang Team GMMTV.

Noong August 23, 2026, nagharap sa Mall of Asia (MOA) Arena ang Team Star Magic Shooting Stars at Team GMMTV Thailand.

Ang Team Star Magic ay binubuo nina Gerald Anderson, Ronnie Alonte, JM Ibarra, Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson de Dios, Young JV, at Tristan Ramirez.

team star magic
Team Star Magic
Photo/s: Star Magic Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Team GMMTV Thailand naman ay kinabibilangan nina Joss Way-ar, Gawin Caskey, Neo Trai, Ryu Phudtripart, Aston Luengvoraphan, Marc Natarit, Ping Krittanun, Teshow Promsaka Na Sakolnakorn, AJ at JJ Jutamas.

Sila ang mga pangunahing bituin sa mga BL series na ipinapalabas sa Thai local channel na GMMTV.

team gmmtv thailand
Team GMMTV Thailand
Photo/s: Star Magic Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalo ng Team Star Magic ang Team GMMTV sa score na 68-43.

Bagamat ginanap ang laro sa Pilipinas, kapansin-pansin ang dami ng fans na sumuporta sa Team GMMTV Thailand, na karamihan ay mga Pilipino rin.

Patunay rito ang malalakas na hiyawan ng fans tuwing nakaka-shoot o ipinapakita sa LED screen ang mga manlalaro ng Team GMMTV.

Read: Thai actor Joss Way-ar open to working with Janella Salvador

FYANG SMITH'S REMARKS DRAW BACKLASH

Isa sa mga video ni Fyang na kumakalat ngayon online ay bahagi ng kanyang interview kasama ang kanyang ka-love team na si JM Ibarra sa courtside hosts na sina Aiyana Perlas at Patrick Ramirez

Bago magsimula ang interview, hiningan muna ng mga hosts ang dalawa ng pagbati para sa mga manonood.

Ani Patrick, "Bumati muna kayo."

Mabilis na sagot ni Fyang, "Ayoko! Sa ibang bansa nagtsi-cheer iyang mga iyan, e."

Susog ni Patrick, "Kailangan nating bumati."

Ani Fyang, "Ah, kailangan. What's up, MOA!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang magsimula ang hiyawan matapos ang kanyang pagbati, bahagyang tumalikod si Fyang upang harapin ang audience at saka sinabi, “Ang kakapal ng mukha niyo, ha!”

Hindi natapos dito ang gigil ni Fyang sa hindi magkamayaw na hiyawan ng fans ng Team GMMTV.

After nilang bumati ni JM ay tinanong siya ni Aiyana kung ano ang mensaheng gusto niyang iparating ka-love team para ganahan at galingan nito sa paglalaro.

Saad ni Fyang, "Nagwo-worry kasi ako sa maga niya sa paa. As in namamaga pa..."

Fyang Smith and JM Ibarra
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saglit na napahinto ang dalaga upang sawayin ang mga naghihiyawang fans.

Pasigaw niyang sinabi, “Ang ingay niyo, teka lang! Ano ba kayo?!

"Grabe kayo. Hindi niyo man lang tsini-cheer yung bansa natin."

https://vt.tiktok.com/ZSVCVdeys/

Sa isa pang video na kumakalat online, makikitang ginagaya ni Fyang ang isang manlalaro ng Team GMMTV na hindi naka-shoot habang nasa kanyang likuran ang fans ng nasabing koponan

Sa tuwing humaharap si Fyang sa mga ito ay patuloy niyang sinasabi ang katagang, "Ang kakapal ng mukha niyo. Mga traydor," sabay irap sa mga ito.

Pero hindi mawari kung seryosong galit siya o nang-aasar o nangungulit.

Sa mga nakakakilala sa dalaga, ganun ang normal na asta niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS' REACTION

Kumalat ang samu't saring reaksiyon ng netizens sa mga video ni Fyang.

Marami sa netizens, partikular na ang fans ng Team GMMTV, ang nagsabing nabastusan sila sa naging asal ng dalaga.

Post ng isang netizen: "Ang squammy ng ugali ni Fyang para sabihan kaming makapal ang mukha dahil sa Thailand kami naka-support.

"Jusko anteh, 2026 na hindi ka pa rin nag-develop.

"Teh, hindi nanggaling sa bulsa mo yung pinambayad sa ticket kaya wala kang pakialam kung sino ang dapat naming suportahan."

Read: Toni Gonzaga reminds Jen Oliveros of the value of inner beauty

Sabi pa ng isa: "Gets ko na bakit ang daming nainis sa kanya kanina.

"Like girl, kanal humor is fun pero sana marunong din magbasa ng room. May pasigaw-sigaw pa siya, like ante ang sarap kaltukan.

"Mga tao nagbayad para suportahan at panoorin yung idols nila sa Star Magic vs GMMTV basketball game, hindi para sa personal mong comedy show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang sa iyo umiikot yung court, beh. From "nasaan si fyang?" to "ilabas si fyang" real quick."

Read: Shirley Kuan says Bea "never defended me" amid wedding issue

Dagdag pa ng isa: "Tandaan niyo. Kayo ang kumuha sa kanila, kayo ang kumuha sa amin. Hindi mabebenta ang tickets niyo kung hindi dahil sa aming fans.

"Matuto sana na gumalang. Para kay Ate Girl, hindi ito pagtataksil. Hindi nasusukat ang pagsuporta namin sa pagiging Pilipino."

Read: Shirley Kuan denies causing Bea Alonzo’s canceled Spain wedding

Gayunman, mayroon ding netizens na nagtanggol kay Fyang at nagsabing hindi dapat seryosohin ang kanyang mga naging pahayag, lalo na't kilala raw ito sa pagiging makulit at palabiro.

Ayon pa sa ilang tagasuporta ni Fyang, normal lamang sa mga ganitong event o laro ang biruan at asaran sa pagitan ng magkakaibang koponang sinusuportahan.

Pagtatanggol sa kanya ng isang netizen: "I'm not even a fan of Fyang, but isn't it obviously a joke?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Jusko, napaka-sensitive niyo naman, matagal na yang asaran at yabangan between the two teams. Hindi sila ang mag-a-adjust para sa comfort niyo."

Read: Pokwang reminds PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith to "be humble"

Sabi pa ng isa: "I'm not a fan of Fyang, but based on the videos circulating, it seems like she didn't do anything wrong.

"Those Atenco people probably can't handle watching liga games, whether barangay or school level, since this kind of teasing is common when cheering for different sides.

"But at the end of the day, nothing personal, just for fun ba."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo ni Fyang hinggil sa isyu.

Read: Dina Bonnevie gushes over Fyang Smith, admits she misjudged JM Ibarra

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fyang Smith sparks backlash over her remarks toward fans supporting Team GMMTV Thailand at the Star Magic All-Star Games 2026.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results