Nagluluksa ngayon ang content creator-actress na si Bea Borres sa pagpanaw ng kanyang longtime driver na tinatawag niyang Kuya Alex.
Sa Instagram at Facebook ngayong Huwebes, August 27, 2026, sunud-sunod ang pagpu-post ni Bea ng mga throwback video nila ni Kuya Alex noong nabubuhay pa ito.
Read: Bea Borres admits she once attempted to have an abortion
Sa unang video na in-upload ni Bea sa kanyang Instagram Stories, makikitang kumakain sila ni Kuya Alex sa isang restaurant.
Caption niya rito (published as is), "rip kuya alex [white heart and dove emoji].
"when ur driver is also your bff."

Sa sumunod na video, mapapanood naman ang pakikipagkuwentuhan ng dalaga kay Kuya Alex.
Sa caption ng post, sinabi ni Bea na hindi lamang driver ang tingin niya kay Kuya Alex, kundi isa rin itong ama at matalik na kaibigan.
Ani Bea (published as is): "pov: u make chika everything to ur driver.
"you were more than just a driver to me. i found a best friend and a father in you.
"i love you, kuya alex. thanks for everything."
Read: Celeste's “not so crazy about BINI” comment draws mixed reactions

Ibinahagi rin ni Bea sa Facebook ang video ng naging reaksiyon ni Kuya Alex nang una niyang ipakilala rito ang anak na si Victoria Hope.

BEA AND KUYA ALEX'S RELATIONSHIP
Para sa mga sumusubaybay ng vlogs ni Bea, alam nila ang pagiging malapit ng aktres at ni Kuya Alex.
Sa katunayan, madalas lumalabas noon si Kuya Alex sa mga vlog ni Bea sa YouTube at TikTok.

Kasa-kasama rin niya ito sa kanyang mga mukbang at dance videos.




Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang ibang detalye tungkol sa kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Kuya Alex.
