Tinuldukan na ni beauty queen-TV host Joy Barcoma ang pagiging guest host niya sa comedy podcast na Dogshow Divas.
Nitong Lunes, August 31, 2026, inanunsiyo ni Joy ang desisyon niyang umalis sa comedy podcast ng social media influencers na sina Macoy Dubs at Baus Rufo.
Bagamat hindi tahasang binanggit ni Joy ang dahilan ng kanyang pag-alis, sinabi nitong nababasa niya ang mga komento tungkol sa kanyang madalas na paglabas sa show, lalo na nang pansamantalang mawala si Macoy sa nasabing podcast.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng dating beauty queen na hindi niya kontrolado kung gaano kadalas siyang lumalabas sa podcast dahil nakadepende ito sa mga imbitasyong natatanggap niya.
Read: Joy Barcoma closes door on another pageant after her reign
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Today, I’ve decided to step away from Dogshow Divas.
"Nabasa ko ang comments about my guestings. I’ve always been grateful whenever I’m invited to join podcasts when my schedule allows, but how often I appear isn’t something I personally control."
Sa kabila ng kanyang desisyon, sinabi ni Joy na pinipili niyang protektahan ang kanyang peace of mind.
Aniya, "Grateful ako to everyone who supported us, but for now, I’m choosing to protect my peace.
"All the best to Dogshow Divas!"
DOGSHOW DIVAS THANK JOY FOR BEING PART OF THEIR JOURNEY
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Dogshow Divas kay Joy.
Sa kanilang Facebook post nitong Martes ng umaga, September 1, mariin nilang kinondena ang anumang uri ng hate o poot laban sa Miss Earth Philippines 2025.
Pahayag nila: "Maraming salamat, Jusa!
"Super grateful ang buong Dogshow family for all the time, energy, tawanan, at kalokohan you've shared with us!
"We will never condone or tolerate hate in any form.
"Your peace and well-being should always be protected.
"Thank you for being such a special part of this beautiful journey.
"We will always be rooting for you, Jusa!"
Joy joins Dogshow Divas as guest host
Noong February 11 unang nag-guest si Joy sa Dogshow Divas, kung saan nakapanayam siya ng mga host ng programa na sina Macoy at Baus.
Kinaaliwan ng maraming netizens ang panayam niyang ito dahil mabilis umano siyang nakasabay kina Macoy at Baus pagdating sa pagbibitaw ng mga hirit.

Noong March 30, naging guest host ng show si Joy nang pansamantala siyang humalili sa puwesto ni Macoy.
Sa nasabing episode, naging guest nila ni Baus ang social media personality na si Ian Mark Kamangkang, o mas kilala bilang Pitik Queen.

Ang mga sumunod na petsa ng paglabas ni Joy sa show bilang guest host ay noong April 2, May 6, May 19, at May 31.

Habang sa episode ng show noong June 10, nagbalik si Macoy at dito ay nakasama nila ni Baus sina Joy at Tuesday Vargas.

July 14, muling nawala si Macoy kaya't sina Joy at Baus ulit ang naging host sa guest nilang si Fonz.

Noong August 1, muling nakasama nina Joy at Baus si Tuesday.

Bago umalis sa Dogshow Divas, ang award-winning actress na si Nadine Lustre ang huling nakapanayam ng tambalan nina Joy at Baus noong August 19.

JOY AND BAUS COMEDY TANDEM
Samantala, hindi maikakaila ang magandang chemistry nina Joy at Baus pagdating sa comedy at hosting.
Ito ang dahilan kung bakit, bukod sa Dogshow Divas, magkasama na rin sila ngayon bilang co-host sa Kapuso morning show na Unang Hirit at bilang panelists sa game show na The People Have Spoken.
Read: Baus Rufo returns to Unang Hirit after "Kapamilya" blunder
Noong August 12, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joy, kung saan kinumusta siya sa kinagigiliwan nilang tandem ni Baus.
Saad niya: "Super saya ng dynamics namin ngayon ni Baus. Hindi rin namin in-expect na magiging ganoon kaganda yung tandem namin, na ma-rerecognize siya ng tao.
"So, ayun, very grateful lang talaga kami. And sa every opportunity namang dumarating sa amin ni Baus ngayon, is grab lang kami nang grab."
Nabanggit din ni Joy ang dahilan kung bakit hindi nila madalas na nakakasama si Macoy.
Saad niya: "E, kasi naman, nasa kabilang channel [TV5] si Mama. Kung nasa isang channel kami, feeling ko lagi rin kaming magkasama.
"And I feel the reason why madalas kaming hindi magkasama ni Mama Macoy is because of the schedule conflict din.
"Sobrang dami rin kasi niyang blessings ngayon na hindi na namin mapagtahi-tahi yung schedule namin."
Read: Macoy Dubs pouting in new driver's license photo goes viral
Sundot na tanong sa kanya ng PEP, "Pero okay naman kayo ni Macoy? Kasi maraming netizens ang nagsasabi na baka palitan mo na raw si Macoy sa Dogshow Divas."
Mabilis na sagot ni Joy: "Ay, hindi. Walang papalit kay Macoy. Macoy is Macoy.
"Siya ang isa sa original Dogshow Divas, so hindi kami nandoon ni Ms. Tuesday para palitan ang OG Dogshow Divas.
"Nandoon kami to complement and add flavor lang sa podcast.
"So, huwag po kayong mag-alala; hindi po mawawala si Macoy."
