Inamin ng singer-actress na si Frankie Pangilinan, 25, na matagal-tagal na silang hindi nagkakausap ng half-sister niyang si KC Concepcion, 41.
Ito'y matapos silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, dahilan para i-unfollow siya ni KC sa Instagram noong August 2023.
Kasama rin sa in-unfollow noon ni KC ang ama ni Frankie na si Senator Kiko Pangilinan.
Walang malinaw na dahilan kung bakit in-unfollow ni KC ang dalawa. Ang sinabi lamang niya noon sa isang panayam ay kailangan niyang alagaan ang kanyang mental health para na rin sa peace of mind niya.
Read: KC Concepcion unfollows family for peace
Si KC ay anak ni Sharon Cuneta sa ex-husband nitong si Gabby Concepcion, habang si Frankie naman ay panganay na anak ng Megastar sa second husband niyang si Senator Kiko.
Bukod kay Frankie, may dalawa pang anak sina Sharon at Kiko—sina Miel at Miguel.
Sa panayam ni Frankie sa YouTube vlog ni Ogie Diaz noong September 6, 2026, inamin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita at nagkakausap ni KC.
Bagamat may hindi pagkakaunawaan, tiniyak ni Frankie na walang nagbago sa pagtingin at pagmamahal niya para sa kanyang Ate KC.
Sa katunayan, kahit magkaiba raw sila ng ama, hindi ito naging dahilan para ituring ni Frankie na half-sister lang niya si KC.
Pahayag ni Frankie nang tanungin siya tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ni KC: "Out of respect po for my parents, I may not divulge so much information, but I can say this confidently—that she will always be my sister.
"There's no way around that. I don't get why people try to detract kasi never ko pong naisip na half-sister ko siya.
"Of course, biologically, that’s true, but as far as I’m concerned, I love her very much.
"I love my sister very much, and I think I can say I miss my sister very much.
“We haven’t really spoken in a very long time."

Hindi idinetalye pa ni Frankie ang problema nilang magkapatid.
Ngunit gaya rin daw sila ng ibang pamilya na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, pero sa huli ay pinipili pa rin nilang magkaayos dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa.
Read: Sharon Cuneta surprises Kakie with touching graduation gift
Saad niya: “Every family naman has some things [but] we’re working on it.
"But I want to make that very clear that I've always loved my ate.
"Every time I order cakes for mom or dad, inuuna ko po yung pangalan niya, even though we haven't seen or spoken to each other in a very long time.
"But yeah, that's never been in question. Mahal ko po ang ate ko, for sure."
Frankie explains why she’s staying quiet amid rift with sister KC
Alam at nababasa raw ni Frankie ang sari-sari at magkakaibang bersiyon ng mga espekulasyon tungkol sa gusot nila ni KC.
Gustuhin man daw niyang isa-isang patulan ang mga ito, hindi raw niya ugaling isapubliko ang away ng kanilang pamilya.
Read: KC Concepcion opens up about realities of blended family life
Ito raw ang dahilan ng kanyang pananahimik kahit kung anu-ano na ang lumalabas na espekulasyon tungkol sa kanilang pamilya.
Lahad niya: "I think, me and Ate, kasi there's a large misconception I think about the dynamics of how that works.
"Ang laki po kasi ng age gap namin. For a very long time, I was a kid, and I just wanted to be like my ate.
"Ang dami pong fake news, and never ko pa pong nakita yung totoong nangyari in any shape online whatsoever.
"And mahirap when the bashing is on both sides to her or to me, or about anyone.
"Mahirap na when it becomes sa ugali ng tao. Because how do you defend yourself from that?
"Sabi ko nga, parang mahirap kapag sinabi ng tao na suplada ka or something, e, wala naman po akong puwedeng ma-respond sa mga ganon, lalo na online.
“No matter what I say, it will sound like defensive.
"Kaya ipapakita ko na lang every day of my life at hindi ko na kailangang i-post na iko-contribute ko pa doon sa tsika na hindi naman totoo.
"Sa mga private po kasi na ganoon, ayoko kasi talagang i-post in public."
KC FOLLOWS FRANKIE AND KIKO ON INSTAGRAM
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon si KC sa mga pahayag ni Frankie.
Read: Sharon Cuneta gifts KC Concepcion her 40-year-old Cartier watch
Gayunman, kamakailan lamang ay ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang muling pag-follow ni KC kina Frankie at Kiko sa Instagram.


May bagong upload din si KC sa Instagram nitong Miyerkules, September 9, kung saan makikita ang mga litrato ng naging dinner date nila ni Kiko.
Mababasa sa kanyang caption: "Finally...date night with Dad. Missed this.
"Good food, great stories, the best life advice.
"Love quality time with my family."
Binati rin ni KC ang kanyang inang si Sharon sa bagong family drama series nito.
Aniya, "Ma, congrats on Honor Thy Mother premiere!
"More family QT [quality time] soon."
Read: Marian, Sharon-Barbie, KimPau, Joshua-Ivana bibida sa Prime Video
