Matapos ang ilang linggong usap-usapan, kinumpirma ni KC Concepcion na in-unfollow niya sa Instagram ang kanyang stepdad na si former Senator Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.
Read: Did KC Concepcion unfollow stepdad Kiko Pangilinan, half-sister Frankie on Instagram?
Si KC ay anak ni Sharon Cuneta sa ex-husband nitong si Gabby Concepcion, at si Frankie ay panganay na anak ng Megastar sa second husband niyang si Kiko.
Sa programang Cristy FerMinute ng One PH ngayong Martes, August 29, 2023, naging panauhin si KC sa programa ni Cristy Fermin, kasama si Romel Chika, para sa promo ng pelikula ng aktres na Asian Persuasion.
Read: KC Concepcion finishes shooting international film Asian Persuasion in New York
Matapos pag-usapan ang upcoming film ni KC, inusisa ang aktres tungkol sa maraming espekulasyon kaugnay ng pag-unfollow niya sa Instagram accounts nina Kiko at Frankie.

Kinumpirma KC na in-unfollow nga niya ang kanyang stepdad at half-siser, ngunit naging maligoy ang paliwanag niya kung ano dahilan.
Sabi lang nito, kailangan niyang alagaan ang kanyang mental health para na rin sa peace of mind niya.
Pahayag ng 38-year-old actress, "Hindi naman po masama na magkaroon ng time na meron kayong ina-unfollow, or meron kayong ipa-follow. Mahirap lang po talaga kapag showbiz po yung family, talagang lahat po pinupuna po.
"Ako kasi, I think, yung sa akin is more of, like I said, may mga complicated po talaga pagdating sa blended family.
"Meron din po talagang mga times na hindi perfect, hindi po kami perpekto. And hindi po lagi kailangang perfect.
"So, wala naman po akong gustong ikuwento pa apart from the fact na, ako, I just want peace of mind, I want to be happy. I want my family to be happy.
"Ang gusto ko lang maging light, masaya, ayoko ng maraming drama, ayoko ng maraming hindi… yung forgiveness kasi sa family, important din yun siguro para maging okay yung takbo ng relationship ng lahat.
"And sometimes, mas gusto kong piliin yung peace of mind ko, Tita."
Sinang-ayunan siya ni Cristy at sinabing hindi nabibili ang peace of mind.
Pagpapatuloy ni KC, "Parang ang sabi ko, 'Basta po ako, feel na feel kong maging ate.'
"And lagi kong sinasabi nung sa vlog ko po, 'no, yung vlog ko sa Father’s Day, ang sabi ko lagi is, 'Important na ang dalawang tao sa isang relasyon to work together to make it a good relationship.'"
"DI NA PO AKO BATA."
Aminado si KC na may mga pagkakamali rin siya sa buhay, pero mabibilang lamang daw ito sa mga daliri sa isang kamay.
Aniya, "Kung meron man akong pagkukulang o pagkakamali kahit saan, sa tingin ko mabibilang sa isang kamay lang yun.
"Lahat ng ginusto ng family ko na gawin ko, ginawa ko. Nagtapos ako ng kolehiyo, nagtrabaho ako, inalagaan ko po yung career, minamahal ko po yung mga tao.
"Talaga pong ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak, mabuting ate."
Dito na rin binanggit ni KC na pinilit niyang mabuting ate at maging close sa half-sisters at half-brother niya, kabilang si Garie Concepcion, na anak ng kanyang ama na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.
Ganundin kay Cloie Syquia-Skarne, anak naman ng amang si Gabby kay Jenny Syquia.
May dalawa pang half-sisters si KC, sina Samantha at Savannah na anak naman ni Gabby at Genevieve Yatco Gonzales.
Sina Frankie, Miel, at Kiko Pangilinan ay mga anak ni Sharon kay Kiko.
Read: Get to know the Concepcion sisters KC, Garie, Cloie, Sam, and Savannah
Saad pa ni KC, "Kahit po yung mga half-sister ko na hindi ko na po kasama sa bahay, pinipilit kong maging close kami — from Garie to Chloe to Frankie to Miel to Miguel to Samantha to Savannah. Very close po ako sa mga half-sister at half-brother ko.
"I just think na may mga moments na wala na akong control, mas gugustuhin ko pong i-keep ang aking peace of mind. Kasi po 30s na rin po ako, di na po ako bata.
"So, may mga panahon din po na parang isipin ko muna yung mental health ko, kung ano yung makakabuti sa peace of mind ko kahit ano pa yan, mas uunahin ko po muna yun.
"Importante po kasi yun para kaya kong mahalin yung mga tao in the way na dapat.
"And you know, hindi po ako perpekto talaga pero pinipilit ko po talaga sa abot ng makakaya ko na maging mabuting anak.
"And siguro, mas gusto kong mag-focus muna sa conert ni Mama at ni Papa."
Magkakaroon ng reunion concert sina Sharon at Gabby na Dear Heart sa October 27, 2023 sa Mall of Asia Arena.
Nang tanungin kung may partisipasyon ba siya sa concert ng dalawa, "Sana po" ang maiksing sagot ni KC.
Dagdag pa niya, "Hindi ko ever na na-imagine na mangyayari to kasi may pamilya na rin po silang dalawa.
"Parang hindi ko po alam kung paano puwedeng mangyari na magkasama sila sa isang project na parang ang saya ko lang po."
KC-SHARON RELATIONSHIP
Sa lahat ng pangyayaring ito, san kaya nakaposisyon ang ina niyang si Sharon?
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na away-bati ang relasyon ni Sharon at KC. Hindi rin naman ito itinatanggi ni KC.
Pero, nangingibabaw raw palagi ang relasyon nila bilang mag-ina.
Saad ni KC, "Naku, ako po, love na love ko po yung mommy ko kahit ano pa man ang mangyari. And mommy ko, kami na yan, e.
"Bata pa lang ako, best friend ko na yan si Mama. And kahit ano pa ang marinig naming pareho, marami ang mga bumubulong ng kung anu-ano about her sa akin, and about me sa kanya.
"Ang gusto ko lang sanang sabihin is, ano bang gusto niyo? Masira kaming mag-nanay? Or maging mas close kaming mag-nanay?
"Kasi kung papasok kayo sa buhay namin, huwag niyo kaming ipaghiwalay, you know. Sa akin kasi, at the end of the day, mag-nanay kami. Nagmamahalan kami."
Nabanggit din ni KC ang namapaya niyang lola na si Elaine Cuneta, ina ni Sharon, na kung tawagin niya ay "Mamita."
"And sana dumating kami dito ng mommy ko sa point na, alam niyo yun, na makita niya na kung kaya ko pong alagaan yung Mamita ko po, lola ko, kasama niya, kaming dalawa ang nag-alaga kay Mamita, what more ako sa kanya. E, ako panganay niya.
"So, meron akong feeling na malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon. Wala nang ibang mas puwedeng magmahal sa kanya kung paano ko siya kayang mahalin.
"And hindi man ako asawa, hindi man ako manager, hindi man ako, alam niyo yun, nakatira sa kanya, pero mahal na mahal ko yang nanay kong yan.
"Hindi ako perfect, nagkakamali ako katulad ng iba na anak ng may magulang, pero I do my best to… Minsan tahimik na nga lang ako kasi gusto ko na lang makita ng tao, ng family ko yung puso ko, kung sino talaga ako.
"Mas importante sa akin na malaman nila yung heart ko for them kaysa i-defend ko yung sarili ko kung mga tsismis na ganyan. Gusto ko na lang pong tumahimik and let time to tell na lang po.
"So, hindi po ako perfect, pero pilit ko nang i-resolve lahat ng kaya kong i-resolve para maging maayos lang po kami. Kasi, in a way, mana po ako kay Papa, light lang, gusto lang maging masaya."
Hindi man tinukoy ni KC ang pinag-ugatan ng isyu, tila may kinalaman ito sa relasyon niya sa kanyang boyfriend na si Mike Wuetrich.
Marami rin ang nakapuna sa post ni Sharon sa Instagram na papuri sa anak na si Frankie.
Tila may hugot daw kasi ito laban sa isa pa niyang anak na si KC.
