Nasorpresa ang media at mga bisita sa biglaang paglitaw ni Katherine Luna sa showroom opening fashion show ng Maddox Jewelry sa Marikina City kahapon, September 10, 2026.
Isa si Katherine sa pitong aktres na rumampa at sumuporta sa bagong bukas na showroom ng nasabing jewelry brand.
Kasama niyang rumampa sina Maricel Soriano, Claudine Barretto, Jean Garcia, Ara Mina, Kris Bernal, at Ai-Ai delas Alas.
(L-R) Ai-Ai delas Alas, Claudine Barretto, Ara Mina, Katherine Luna, Kris Bernal, Charo Cordial (Maddox Jewelry owner), Maricel Soriano, Jean Garcia, and Arben Cordial (Charo's husband) at Maddox Jewelry new showroom opening in Marikina on September 10, 2026.
Masaya nilang sinuportahan ang may-ari ng Maddox na si Charo Cordial at ang asawa nitong si Arben Cordial.

Read: Ai-Ai delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan's remarriage
KATHERINE LUNA MISSES BEING ON THE LIMELIGHT
Sa kanyang pagrampa, ipinaramdam ni Katherine ang kanyang interes na muling makabalik sa limelight.
"Sobra, sobra," bulalas niya sa press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang matanong kung na-miss niya ang makihalubilo sa maraming tao.

Pakiramdam ba niya ay nagsisimula ulit siya?
"Para ulit akong... oo, para ulit akong nagsisimula talaga sa umpisa.
"Yung naalala ko yung mga hirap noon habang nagsisimula ako, parang ganun din.
"Kailangan talagang ginagapang talaga natin," saad ni Katherine.
Tumatak si Katherine sa showbiz dahil sa pelikulang Babae sa Breakwater ni Mario O'Hara na ipinalabas noong 2012.
Read: Mario O'Hara's Babae sa Breakwater will open Cinemalaya 2012
Ngunit bigla siyang nawala sa sirkulasyon dahil sa mga personal na problema, kabilang na ang pagkalulong sa droga.
Totoo bang napariwara siya noon?
"Sobrang napariwara. Naggagagagahan," pag-amin ni Katherine.
Read: Katherine Luna details battle with drugs; thanks Coco and Julia
Ano ang mga pinagsisihan niya sa mga nangyari sa kanya?
"Marami," sabi ni Katherine.
"Nung time na nawala ako, nabayaan ko lahat.
"Sobra-sobrang pagsisisi and sobra-sobra akong natakot kasi akala ko di na ako makakabalik.
"Hindi na ako gagaling, hindi na ako magbabago.
"Pero nakita niyo naman andito ako ngayon."
Nawala raw sa kanya lahat nung panahong napariwara siya.
"Lahat. Lahat. Bagsak. Extreme bagsak."
Read: Standout beauties at Preview Ball 2026
KATHERINE ON COMING BACK STRONGER
Paano niya sinimulang bumangon mula sa pagsadlak niya sa kawalan?
"Sinimulan ko sa panalangin. Yun lang talaga, e.
"Lumapit lang talaga ako sa Taas. Binigyan Niya ako ng lakas ng loob.
"At hanggang ngayon, heto po, kahit medyo nahihiya, humaharap ako sa inyo."
Ano ang mga plano niya ngayong nakabalik na siya?
Ayon kay Katherine: "Ang plano ko talaga ngayon. Yung gagawin ko lahat para sa future ng mga anak ko, e.
"So, paghihirapan ko pa, pag-iigihan pa para sa mga bata. Wala nang iba."
May walong anak si Katherine mula sa anim na dating karelasyon.
Read: Katherine Luna on having 8 children with 6 different fathers
Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Katherine kay Charo ng Maddox Jewelry na binigyan siya ng pagkakataong rumampa sa kanilang showroom opening.
Saad niya: "Ay, sobra! Si Ma'am Charo, sobra talaga rin akong thankful dahil may mga binibigay din talaga siya sa akin, di ba?
"Katulad ng mga ganito, opportunity na ganito. So, talagang sobrang nagpapasalamat."
Hindi rin daw siya makapaniwalang makakasama sa entablado sina Maricel, Claudine, Ai-Ai, at iba pa.
"And tingnan mo naman. Nakakataba ng puso.
"Mhirap i-explain pero alam mo, parang ipinaramdaman nila sa akin na hindi ko kailangang ma-out of place."
Read: Mr. C reveals if National Artist status affected his talent fee
