Pinalagan ni Kakai Bautista ang isang basher na tinawag siya at si Ai-Ai delas Alas na "engkanto" at "witches."
Sa Instagram ngayong Biyernes, September 11, 2026, ibinahagi ni Ai-Ai ang short Reel ng kanyang pagrampa sa Maddox Jewelry showroom opening fashion show.
Ginanap ito sa Marikina City kahapon, September 10.
Caption ni Ai-Ai sa kanyang post na may heart emoji, "Mowdel, thank you @the_maddoxluxury.. congrats madam sa iyong bagong showroom bongga ka"

Read: Claudine Barretto emotional over Katherine Luna’s journey
KAKAI BAUTISTA LAMBASTS BASHER OF AI-AI DELAS ALAS
Kabilang sa unang nagkomento sa post ni Ai-Ai ay ang actress-singer na si Kakai Bautista.
Sabi niya, "ANG GANDA MO"
Sagot ni Ai-Ai, "ang ganda mo din!!!"

Sa comments section, isang basher ang sumingit sa kanilang usapan.
Ayon dito, nagbobolahan daw ang dalawang "engkanto" at kahit daw malayo pa ang Halloween ay lumabas na ang "witches."
Komento ng basher: "nagbuluhan at nagplastikan ang mga ENGKANTO.!!! MALAYO PA ANG HALLOWEEN BAT LUMALABAS NA ANG MGA WITCHES!!!"

Hindi ito pinalampas ni Kakai.
Buwelta niya sa basher: "hindi kailangan ng okasyon para lumabas ang mga katulad kong witch.
"Hindi kame katulad mong kailangang magtago sa isang image na hindi ikaw para MAKA-KAIN, magkaroon ng TRABAHO at ma makaSURVIVE sa buhay.
"Ang sumpa ko, PATULOY KANG MAGING MISERABLE kase DESERVE MO. [fire emojis]"

Marami pang sinabing masama ang basher, pero hindi na siya pinatulan ni Kakai.
Read: Golden Screen Awards make grand return with 20 Dekada Awardees
