Nilinaw ni Ai-Ai delas Alas na hindi niya ipina-deport sa Pilipinas ang kanyang dating asawang si Gerald Sibayan matapos ang kanilang divorce.
Ayon sa Comedy Queen, green card lamang ni Gerald ang kanyang ipina-revoke, kasabay ng kanilang divorce proceedings.
Naging usapin ito matapos magkomento ng isang netizen sa Instagram post ni Ai-Ai tungkol sa pagrampa niya sa Maddox Jewelry showroom opening.
Binanggit ng netizen ang napabalitang pagpapaksasa ni Gerald sa non-showbiz partner nito sa San Francisco, California. Akala raw nito ay na-deport na si Gerald pabalik ng Pilipinas.
Buong komento ng netizen: “Si Gerald pala nasa Amerika pa rin. Akala ko na deport eh.
“Nakapag asawa na ng ibang ka edad nya. Okay lang, mukhang kuntento naman na si Ms Ai sa buhay niya.”
Sinagot ito ni Ai-Ai at ipinaliwanag kung ano talaga ang ginawa niya kaugnay sa immigration status ni Gerald.
Ani Ai-Ai (published as is): “ni revoke ko lang..d ko kaya i pa deport sya baka magalit si Lord sya na bahala kay Gerald.
“Vengeance is not ours its God's amen”

Tanong ulit sa kanya ng netizen, hindi raw ba paghihiganti yung revocation? Pero sumang-ayon naman siya sa naging desisyon ni Ai-Ai.
Sabi ng netizen: "so hindi vengeance yung pag revoke? Kung sabagay, kahit sa akin mangyari, i will do the same that you did.
"Mukhang happy naman na kayo both, parehong naka move on na rin. It's now a past chapter."
Sagot ni Ai-Ai: "kasabay kasi ng divorce yun matic the revocation."

Read: Ai-Ai delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan's remarriage
AI-AI ON GERALD SIBAYAN'S NEW MARRIAGE
Hindi nagpaunlak ng panayam si Ai-Ai matapos siyang rumampa sa Maddox Jewelry new showroom opening nitong nakaraang September 10.
Pero ilang oras bago ang fashion show, nagpaunlak na siya ng exclusive interview sa Cabinet Files ng PEP.ph.
Ayon sa aktres, hindi na siya nagulat na nagpakasal ang dating asawa sa non-showbiz girlfriend nito sa San Francisco, California.
Matagal na umanong plano ni Gerald ang pagpapakasal sa isang U.S. citizen upang manatili sa Amerika at hindi ma-deport pabalik sa Pilipinas.
Base sa mga lumabas na ulat, naganap ang civil wedding ni Gerald sa kanyang non-showbiz partner, na nagngangalang Nadine, sa City Hall ng San Francisco.
Sabi ni Ai-Ai, "Alam naman natin na mangyayari yan. Expected ko na yan nung hiniwalayan niya ako.
"Kailangan niyang mag-stay sa Amerika kaya kailangan niyang magpakasal.
“Sana lang, huwag niyang gawin sa iba ang ginawa niya sa akin.
“Hayaan na natin siya. At least, naka-suit siya, hindi naka-polo lang.
“Basta ang alam ko, English-speaking ang babae na pinakasalan niya.
"Kasi, dalawang buwan bago ako iniwan ni Gerald, Ingles na siya nang Ingles kapag kinakausap ako.”
Read: Claudine Barretto emotional over Katherine Luna’s journey
