Nagluluksa ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na si Peregrine “Sonny” Padilla.
Ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Sonny ay inanunsiyo ni Zsa Zsa sa pamamagitan ng kanyang social media account nitong Martes, September 15, 2026.
Batay sa post ni Zsa Zsa, pumanaw ang kanyang kapatid noong September 13 sa edad na 57.
Gayunman, hindi niya binanggit ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon kay Zsa Zsa, ang pagpanaw ni Sonny ay nag-iwan ng napakalaking puwang sa kanilang pamilya.
Read: Alden Richards reveals realization after years of gay rumors
Bagamat hindi na nila makakasama ang kapatid, mananatili raw sa puso ng kanilang pamilya ang masasayang alaala at mga sandaling pinagsaluhan nila.
Mababasa sa post ng singer: "It is with deep sadness that we announce the passing of our dearest brother, Peregrine “Sonny” Padilla.
"Sonny was deeply loved, and his passing leaves an immeasurable void in our family.
"We are grateful for the love, laughter, and memories we shared with him, which we will carry with us always."
Read: Alden Richards gets emotional over pressure to find love at 34
Humiling din si Zsa Zsa ng panalangin para sa kanilang pamilya na dumaraan ngayon sa matinding pagdadalamhati.
Aniya: "We ask for your prayers for Sonny and for our family during this difficult time.
"Rest in peace, my dearest brother, Sonny. You will always be loved and forever missed."
Sina Zsa Zsa at Sonny ay dalawa sa anim na anak ng world-renowned boxing referee na si Carlos Padilla Jr. at ng asawa nitong si Esperanza Felipa Padilla.
Condolences and prayers for Zsa Zsa’s family
Samantala, bumuhos sa comments section ng Instagram post ni Zsa Zsa ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga fans, kaibigan, at kasamahan niya sa showbiz.
Komento ni Charo Santos-Concio, "My deepest condolences!"
"Oh our deepest condolences," saad ni Regine Velasquez.
Sabi ni Ogie Alcasid, "So sorry, dear Zsa. Hugs and prayers."
Nagpaabot din ng "condolences" sina Dawn Zulueta at Wendell Ramos.
"Our thoughts and prayers are with you and the family this day and always, my dear friend. Condolences," ani Martin Nievera.
"Deepest condolences to you and your family, dear friend," dagdag pa ni Garry Valenciano.
