Naging emosyunal ng Kapuso prime actor na si Alden Richards, 34, nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang love life.
Nangyari ito sa guesting niya sa pilot episode ng pagbabalik ng late-night talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice nitong Linggo, September 13, 2026.
Naging bukas si Alden sa pagtalakay tungkol sa kanyang love life at mga karanasan sa pag-ibig sa mga nakalipas na taon.
Ayon kay Alden, sa buong buhay niya, dalawa pa lamang ang naging kasintahan niya, at nangyari raw ito noong high school pa siya.
"Yung talagang with label, dalawa lang.
"High school pa [ako noon]. Hindi artista," pagbabalik-tanaw niya.
Read: Alden Richards is first guest on Gandang Gabi Vice comeback
Nang pumasok siya sa mundo ng showbiz, nagkaroon daw siya ng limang "almost but not quite" na relasyon sa kapwa niya artista.
Mga relasyong may espesyal na koneksiyon, ngunit hindi umabot sa pormal na relasyon.
Saad ni Alden, "Ayoko nang mag-name-name. Lumabas na sa balita. Nakita niyo na, kaya hindi ko na uulitin yung pangalan nila."
Sundot na tanong sa kanya ni Vice, "Sa palagay mo, bakit hindi natutuloy?"
Sagot ni Alden, "Hindi ko rin alam [kung] ako ba ang problema.
"Minsan ako, minsan yung kabila [ang umaatras]. Pero yung huli ko, yung isa. Parehas kami, pero mas siya."

Ano ang dahilan ng pag-atras niya?
Sagot ni Alden: "Ang one thing na natutunan ko, whatever happened with that relationship is to never say never.
"Huwag mong bigyan ng ultimatum yung sarili mo dahil sobrang saya mo sa sitwasyon.
"Kinain ko yung mga sinabi ko noon."
Alden admits feeling pressure of being single at 34
Aminado si Alden na nakaramdam siya ng pressure dahil wala pa siyang nagiging girlfriend matapos daw ang ilang taon niyang paghahanap ng babaeng para sa kanya.
Nagpadagdag din daw sa kanyang pressure ang mga sinasabi ng ibang tao, lalo na't 34 na siya ngayon at hinahanapan na ng pamilya.

Pahayag niya: "Feeling ko, yung love life sa akin medyo mailap siya for the past fifteen years na, kasi sinusubukan kong hanapin.
"Minsan, nagkakaroon ng effect sa akin yung 'Oh, 34 ka na, wala ka pa ring pamilya.'
"Kasi ganun tayong mga Pinoy, we live in a culture of deadlines.
"But I don’t think that’s how I want to live my life right now."
Read: Alden Richards reveals birthday reflections, projects for 2026
Kaya matapos ang kanyang huling "almost but not quite" na relasyon, nagpasya na raw siyang hindi na piliting hanapin ang pag-ibig at hintayin na lamang itong ibigay sa kanya sa tamang panahon.
Lahad niya: "So after nung last, sabi ko hindi ko na hahanapin.
"Mabubuhay ako ngayon sa kung ano yung tingin kong bigay ng Diyos para sa akin.
"Maybe circumstances, a person. Hindi ko sinasabing hindi na ako mai-in love. Hindi ko sinasabing hindi ko hinihintay yung taong darating para sa akin.
"Kasi for the longest time, hinahanap ko yung para sa akin, so baka for a change, hintayin ko naman siya ngayon."
Diin pa niya, "Somewhere out there, I know in seven billion people in the world, imposibleng walang isa doon na para sa akin."
Sa huli, napagtanto rin daw ni Alden na kailangan niyang matutunang bigyang-pansin at mahalin din ang kanyang sarili bago ang iba.
Emosyonal na pahayag ni Alden, "For the longest time, naghahanap ako ng pagmamahal from another person, na na-realize ko, pagmamahal pala sa sarili yung kulang.
"All my life, I've been doing a lot of things for other people, but not for myself."
Kasunod nito ay tuluyan nang hinayaan ni Alden na bumuhos ang kanyang luha habang yakap-yakap siya ni Vice Ganda.
Pag-amin ni Alden, noon lamang niya naibuhos ang totoong nararamdaman matapos ang ilang taong pagkikimkim nito.

Sa panayam ng entertainment press, kabilang ang PEP, kay Alden sa Preview Ball noong September 10, isiniwalat niyang halos 30 minutes tumigil ang taping ng Gandang Gabi Vice dahil sa hindi niya mapigilang emosyon.
Read: Alden Richards, may bagong misyon matapos mapa-graduate ang kanyang college scholars
The women linked to Alden
Bagamat hindi naging bukas si Alden sa pagpapangalan sa limang babaeng muntik na niyang maging girlfriend, ilan sa mga kapwa niya Kapuso star ang na-link noon sa kanya.
Kabilang dito sina Julie Anne San Jose, Winwyn Marquez, at ang dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza.
Naugnay rin si Alden sa leading lady niya sa Hello, Love, Goodbye at Hello, Love, Again na si Kathryn Bernardo.
Read: The ladies linked to Alden Richards
Alden reveals he almost dated Julie Anne
Naging malapit sa isa't isa sina Julie Anne at Alden nang nagkatrabaho sila sa Party Pilipinas.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 2013, nakasaad na tila nagsimulang tuksuhin sina Alden at Julie Anne nang magpalitan sila ng Christmas gifts noon.
Binigyan daw ni Alden ng neck pillow si Julie Anne, at chocolates naman ang regalo ng dalaga kay Alden.
Read: Alden Richards denies courting Julie Anne San Jose: "Wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw."
Dagdag pa ritong, nagkakatambal sila noon sa production numbers ng Party Pilipinas.
Sinabi rin noon ni Alden na hanga siya sa pagiging "mabait, genuine, at walang arte" ni Julie Anne, pero nilinaw ng aktor na hindi niya nililigawan ang dalaga.
Hanggang sa bigla na lang nagkatampuhan ang dalawa.
Hindi malinaw ang dahilan, pero napabalita noong humantong sa puntong hindi na nag-uusap ang dalawa at nag-unfollow-an pa sa Twitter.
Nagkaayos na lang sina Alden at Julie Anne nang magkatrabaho muli sila sa Sunday PinaSaya noong 2015.
Read: Julie Anne San Jose nilinaw na walang tensiyon sa pagitan nila ni Alden Richards
Hanggang noong January 25, 2023, sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita sa unang pagkakataon si Alden tungkol sa mga babaeng naiuugnay sa kanya, kabilang si Julie Anne.
Pag-amin ng Kapuso actor, siya ang may kasalanan kaya hindi natuloy ang pagkakamabutihan nila noon ni Julie Anne.
Read: Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose
Saad niya: "I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya.
"It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya, and I’m sure, if she’s watching right now…"
"Sasabihin ko na po… I never told anyone this.
"Yung part po kasi kay Julie Anne, yun po yung parang mabigat.
"When we were doing Sunday Pinasaya, the time that we separated, ang tagal po naming hindi nag-usap. Seven years, almost, ganoon po katagal."
Read: Julie Anne San Jose on first love: "Naaning talaga ako."
Alden admits Winwyn almost became his girlfriend
Bukod kay Julie Anne, inamin din ni Alden sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na rin niyang maging kasintahan noon si Winwyn.
Read: Alden Richards-Winwyn Marquez Rumor True
Noong April 26, 2019, unang inilabas ng Cabinet Files ang report tungkol sa kapansin-pansing closeness nina Alden at Winwyn nang makunan sila ng litrato na magkasama sa blessing ng McDonald’s branch sa Biñan City na pag-aari ng aktor.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Winwyn noong May 16, 2019, diretsahang sinabi ng former beauty queen na magkaibigan lang sila ni Alden.
Read: Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness
“Lahat naman yata nali-link kay Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako.
“My gosh, isa na rin ako sa na-link kay Alden. Nakakatawa! Parang, bakit? Nabigyan lang talaga nila ng malisya,” ani noon ni Winwyn.
Maine admits she fell in love with Alden
Isa pa sa mga na-link noon kay Alden ay ang dati niyang ka-love team na si Maine.
Nakilala ang phenomenal team-up nina Alden at Maine na AlDub dahil sa patok na "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 to December 2016.
Nagtambal din sila sa pelikulang Imagine You and Me noong 2016 at sa teleseryeng Destined To Be Yours noong 2017.
Read: AlDub turns 8: Eight fun facts about the phenomenal love team
Hanggang sa nabuwag ang kanilang tambalan, at nagkanya-kanya na sila ng landas sa showbiz.
Hindi noon malinaw kung naging mag-boyfriend at girlfriend ba talaga sina Alden at Maine.
Hanggang noong August 2025, inalala ni Maine ang panahong na-in love siya kay Alden sa "Ang Tamang Panahon" episode sa YouTube channel ng Eat Bulaga! TVJ.
"Rekta" raw na sinabi noon ni Maine ang nararamdaman kay Alden.
Pero nang tanungin ni Maine kung may nararamdaman ito para sa kanya, ang sagot daw ni Alden: “Di ko puwedeng sabihin sa yo kasi mawawala yung magic.”
Dito rin nilinaw ni Maine na hindi kailanman nanligaw sa kanya si Alden.
Read: Maine Mendoza spills how Alden Richards reacted to her confession
Ang pahayag na ito ni Maine ay nagdulot ng pagkalito sa mga tagahanga nila ni Alden.
Noong October 2023, sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Alden na umamin siya noon kay Maine tungkol sa nararamdaman niya.
Saad noon ni Alden, "Hypocrite po ako kung hindi [ako na-in love].
"And ayoko pong sabihing alam niya pero I did confess."
Read: The breakup of AlDub: A timeline
KATHRYN AND ALDEN RUMORED ROMANCE
"KathDen" ang tawag sa nabuong tambalan nina Kathryn at Alden matapos nilang pagbidahan ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 na na nagkaroon na ng sequel—ang Hello, Love, Again (2024).
Simula nang mapalabas ang Hello, Love, Goodbye, sini-ship na sila ng kanilang mga tagahanga lalo na ngayong parehas silang single matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend niyang si Daniel Padilla noong November 30, 2023.
Nagpadagdag pa sa kilig ng fans ang madalas nilang pagsasama sa private events at ang napapabalitang panliligaw ni Alden kay Kathryn.
Kagaya na lamang ng pagsasama nila sa private events noong 28th birthday at house warning party ni Kathryn noong 2024.
Read: VIRAL: Kathryn Bernardo and Alden Richards' kilig moments at house blessing
Palaisipan din ang naging sagot ni Alden kay Nelson Canlas sa 24 Oras noong April 10, 2024 nang siyasatin siya sa tunay na relasyon nila ni Kathryn.
"What you see is what you get," tipid na pahayag ng aktor.
Ang tanging masasabi raw ni Alden ay masaya siyang makitang masaya si Kathryn.
Read: Alden Richards on real score with Kathryn Bernardo: "What you see is what you get."
Noong May 12, 2024, muling nasilayan ng publiko na magkasama sina Alden at Kathryn nang parehas silang dumalo sa 52nd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).
Pinarangalan sila bilang Box Office King and Queen.
Napabalita ring nililigawan ni Alden, bagay na hindi nila kinumpirma sa publiko.
Ngunit base sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lagpas friendship level na umano ang pagkakamabutihan nina Alden at Kathryn.
Sabi ng isang source ng PEP.ph, walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa't isa.
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
ALDEN TALKS ABOUT CLOSENESS TO KATHRYN
Sa panayam ni Alden sa Preview noong May 2024, naging bukas siyang pag-usapan ang nabuong relasyon nila ni Kathryn.
Ayon sa aktor, matapos nilang gawin ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 ay nagtuluy-tuloy lamang ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.
Read: Alden Richards talks about closeness to Kathryn Bernardo
Dagdag pa niya, ano man daw ang mayroon sa kanila ay nais niya itong gawing pribado at personal.
Read: Dominic Roque denies courting Kathryn Bernardo
Lahad niya sa Preview, "The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat [when we were filming].
"And right now, I'm just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal.”
Ngunit makalipas ang ilang buwan, noong July 2024, lumabas sa PEP ang balitang nililigawan ni Lucena Mayor Alacala si Kathryn.
Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
Kasunod nito ay wala nang balita tungkol sa pagkakamabutihan nina Alden at Kathryn.
Hanggang noong 2026 ay sunud-sunod ang paglabas ng paparazzi photos nina Kathryn at Mark sa mga pampublikong lugar at maging sa abroad, indikasyong may namamagitan sa kanila.
Bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawa, malinaw na magkarelasyon na ang dalawa.
