Dahil sa hindi matapus-tapos na pangunguwestiyon sa kanyang sexual orientation, aminado si Alden Richards, 34, na may mga pagkakataong napipikon at nao-offend na rin siya.
Sa segment na “Deep Truth” ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo, September 13, 2026, kung saan guest si Alden, nagkaroon siya ng pagkakataong ipahula sa host na si Vice Ganda at co-hosts na sina Divine Tetay at Verna Joy Periwinkle ang deep statement na inihanda niya kung ito ba'y trot (truth) o charot (false).
“May sinapak ako dahil sinigawan akong bading,” mababasa sa ipinahulang pahayag ni Alden.

"Trot" ang sagot nina Divine Tetay at Verna, habang "Charot" naman ang isinagot ni Vice.
Sa huli, isiniwalat ni Alden na "Charot" ang tamang sagot, at hindi raw niya magagawang manapak dahil lamang sa pang-aasar sa kanya.
Kaugnay nito, ani Vice sa kanya, "Di ba lagi kang nasasabihan ng ganyan? Lagi kang tinatanong. Minsan gusto mo na rin ba manapak?"
Sagot ni Alden, "Hindi naman. Napipikon, nao-offend [lang]."

Kuwento ni Alden, bata pa lamang siya ay tampulan na siya ng tukso at tinatawag na “gay.”
Sa tingin daw niya, nagsimula ito dahil sa hitsura niya noong kanyang kabataan—maputi, payat, at makinis ang balat.
Para patunayan, ipinakita pa ni Alden ang kanyang baby picture na dala-dala ng kanyang fan.
Saad niya, "Kapag ganyan ang hitsura mo, tapos nasa probinsya ka, maputi, tapos makinis ang balat, ayan, matik na bading yan."
Alden says he no longer lets sexuality rumors affect him
Noong una, aminado si Alden na naaapektuhan siya ng mga sabi-sabi tungkol sa kanyang sexual orientation.
Ngunit habang tumatagal, unti-unti na rin daw niyang tinanggap na wala siyang magagawa kung iyon ang tingin sa kanya ng ibang tao.
Read: Vice Ganda on Alden’s GGV breakdown: "Awang-awa ako sa kanya."
Ito ay kahit ilang ulit na niyang sabihin na walang katotohanan ang mga naturang haka-haka.
Pahayag niya: "Kasi hindi na siya natapos, e, until such time na nag-showbiz ako.
"Kasi nga, ang qualification sa industriya natin, for some reason, kailangan may dyowa ka para [matawag na] lalaki ka."
Ayon pa kay Alden, kalaunan ay naunawaan niyang hindi niya kailangang patunayan ang kanyang sarili sa mga taong may sariling paniniwala tungkol sa kanya.
"Naintindihan ko yon, probably in my fifth year sa industriya na walang katotohanan ang prejudice ng ibang tao sa yo.
"There are only three kinds of truth out there—their truth, your truth, and the actual truth.
"So, at the end of the day, to save myself from explaining, and alam mo yon, to invalidate the tsismis, okay na. Kayo na ang bahala diyan."
ALDEN DISMISSES GAY RUMORS
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Alden tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanyang sexual orientation, lalo na dahil sa pagiging single niya nang mahabang panahon.
Simula nang maging artista si Alden, hindi siya nagkaroon ng girlfriend, bagamat may mga nali-link sa kanya na hindi naman nauuwi sa totoong relasyon.
Read: Alden Richards gets emotional over pressure to find love at 34
Noong October 2014, una nang sinabi ni Alden na tunay siyang lalaki at hindi dapat gawing batayan ang pagkakaroon o kawalan ng love life para matukoy ang sexual preference ng isang tao.
Sabi niya noon: “First of all, hindi iyon ang batayan kung ano ang sexual preference mo.
“Meron nga pong mga may asawa na, di ba, na third sex?
“Hindi naman po siguro batayan na porke’t walang lovelife for the past couple of years, yung sexual preference mo, nag-iiba.”
Hindi siya nao-offend sa tuwing pinagkakamalan siyang gay?
Aniya, “Hindi po, sanay na po ako diyan!
"Ako po, sigurado po akong hindi lalaki ang type ko!”
Read: Alden Richards not offended by gay rumors: "Sigurado po akong hindi lalaki ang type ko.”
Noong January 2024, muli namang nagsalita si Alden tungkol sa matagal nang isyu sa kanyang sexual orientation.
Lahad niya, "Kung tingin niyong ganon, kung tingin niyo bading, fine.
"Ang iniisip ko nga minsan kapag may ganoong mga rumors, 'Wala na bang iba?'”
