Kitang-kita ang pagiging biba ng eight-year-old daughter ni Pokwang na si Malia O'Brien.
Sa kanilang uploaded Reels sa Instagram, mukhang pumu-project na sa kamera ang bata.
Kuwento ni Pokwang tungkol kay Malia, "Grade three. Grade three na siya. O, ayun. Mukhang susunod din sa yapak ko."
Kapansin-pansin din ang pagiging maganda at matalino nito.
"Oh, yes. In fairness. Thank you, Lord. Napakagandang biyaya," pagsang-ayon ng aktres.
Hinahanap pa ba ni Malia ang ama nitong si Lee O'Brian?
Diretsong sagot ni Pokwang: "Hindi na. Hindi, hindi. Wala. Hoy, wala.
"And darating naman din ang araw... well, naka-ready naman ako kung ano yung tanong niya, kung ano yung gusto niya. Naka-ready naman ako."
Kaya naka-focus daw siya ngayon sa pagpapalaki kay Malia nang maayos.
"Oo, yun naman ang importante.
"As a... bilang magulang, bilang magulang siyempre, responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang edukasyon."
So, papayagan niyang mag-artista si Malia balang araw?
"Kung ano yung gusto niya. Pero as much as possible, gusto ko makatapos talaga ng pag-aaral," sabi ni Pokwang.
View this post on Instagram
HAS POKWANG FORGIVEN LEE O'BRIEN?
Napatawad na ba ni Pokwang ang American ex-partner niyang si Lee?
Para sa aktres, nangyari na raw ang lahat at tapos na ang yugtong iyon sa buhay nila.
Saad niya, "Tapos na tayo doon. So, kung ano man siya ngayon, ah, I wish him well.
"Sana okay siya. Wala na kaming komunikasyon, e."
Nagkaroon ng hidwaan ang dalawa sa usapin ng negosyo nila at suporta sa kanilang anak na nauwi sa deportasyon ni Lee pabalik ng Amerika.
Read: Lee O'Brian, ex-partner of Pokwang, finally deported
Nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang pagkatapos niyang humarap sa select members ng media sa announcement ng 2 Valid IDs' nationwide release.
POKWANG ON talent fee: "Uma-adjust po ako."
Samantala, natanong naman si Pokwang sa question-and-answer portion ng presscon kung tumaas ang talent fee (TF) niya matapos niyang hiranging best actress sa Cinemalaya 2026 Awards Night.

"A, ano tawag dito? Kasi ako, mas gusto ko yung legacy na maiiwan ko sa tao more than sa TF.
"Uy, siyempre, sabi nga nila, 'Plastic mo naman.'
"Kailangan, siyempre as a single mom kailangan ko din naman ding kumita, di ba?
"Pero kasi ako, pag magandang-maganda yung pelikula, pag maganda talaga yung ano, at kaya ko namang... uma-adjust po ako. Uma-adjust po ako.
"Hindi po ako ano, kumbaga, lalo pag nakiusap pa sa iyo yung tao, di ba? At nakita mong maganda naman yung kuwento, 'Tara, Tara.'
"Oo, basta reasonable. Ganyan," saad niya.
At dahil nga hinahanap-hanap ng mga manonood sa Visayas at Mindanao ang 2 Valid IDs, magkakaroon ito ng nationwide release simula sa October 14, 2026.
Read: Pokwang wants to do heavy drama with Sharon, Maricel, Vice
