PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together

Katie on Kris, Katrina reconciliation: "Kumpleto na po kami."
by Arniel C. Serato
Published 3 hours ago
Comeback is real for Katrina Halili, Kris Lawrence?
Kris Lawrence and Katrina Halili welcome a new chapter: "All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us."
PHOTO/S: Facebook

Matapos ang 12 taon mula nang maghiwalay sila, opisyal nang nagkabalikan sina Kris Lawrence at Katrina Halili.

Ang kanilang anak na si Katie mismo ang nagkumpirma ng kanilang bagong yugto bilang magkasintahan.

Ayon kay Katie, naging official muli ang kanyang mama at papa noong Septemter 13, 2026, alas-dose ng hatinggabi.

Kasabay nito, nag-post din si Kris sa Facebook noong Linggo, Setyembre 27, ng sweet photo nilang magkasama ni Katrina, kasama ang kanilang anak na si Katie.

Makikita sa larawan na nakayakap sina Kris at Katrina kay Katie habang nasa isang malawak na lupain.

Sa caption, tila may pahiwatig si Kris na nagsisimula sila sa isang bagong yugto ng kanilang relasyon.

Mensahe niya: “New chapter.

“I told you I gotchu, and I meant that. No need to rush anything... One Step at a Time, enjoying where this takes us.”

Sinundan pa niya ito ng mensaheng nagsasabing masaya siya sa kasalukuyan at sila mismo ang magpapasya kung saan hahantong ang bagong chapter ng kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us. ”

Read: Bela Padilla announces breakup with tech CEO Martin Tan

KATIE: “SILA NA PO”

Kasabay ng post ni Kris ang pag-upload ni Katrina kagabi rin ng YouTube video nila ni Kris at anak na si Katie na may pamagat na "IT'S OFFICIAL!!?? | KATRINA HALILI"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa YouTube video ni Katrina, makikita sina Kris at Katrina na nakaupo sa kama habang nakakumot.

Nakatago pala sa kanilang likuran si Katie, na biglang naging tagapagsiwalat ng kanilang relationship status.

Katrina, Katie, and Kris
Katrina Halili and Kris Lawrence with their daughter Katie

Nag-iiwasan ang dalawa kung sino ang magsasabi ng kanilang nais ipaalam sa publiko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero biglang sumigaw si Katie: "Sila na po. Sila na po!"

Nagtanong pa si Katrina: “Di nga. Kami na?”

“Opo,” sagot ni Katie.

Nang tanungin kung kailan naging official muli ang dalawa, diretsong sagot ng kanilang anak: “This year lang po. September 13 ng twelve midnight.”

Tinanong naman ni Katrina kung nakita ba ni Katie kung paano sila naging boyfriend-girlfriend ulit.

“Opo. Di ba nag-kiss kayo, nag-tickle kayo? Di ba in-ask mo po ako?” pambubuking ng kanilang anak.

Ayon kay Katie, pumayag siyang maging official ulit ang kanyang mga magulang.

“Pumayag po ako dahil mag-asawa kayo,” sambit niya.

Sa puntong iyon, sabay na sinabi nina Katrina at Kris: “Surprise, kami na!”

Ano naman ang nararamdaman ni Katie ngayong muli nang boyfriend ng kanyang mama ang kanyang papa?

Sagot niya: “Masaya na po ako kasi nagki-kiss kayo sa lips. Hug, kiss, lambingan.”

Ayon sa dalagita, siya pa mismo ang nag-uutos sa kanyang mga magulang na maging sweet sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At malinaw kung gaano siya kasaya sa kanilang bagong sitwasyon.

“Yes po. Kasi kumpleto na po kami,” aniya.

Bagamat nagkaanak sina Katrina at Kris, hindi sila ikinasal noon.

Read: Katrina Halili clarifies relationship status with Kris Lawrence

NETIZENS REACT TO KRIS LAWRENCE'S POST

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang kasiyahan sa pagbabalikan nina Kris at Katrina:

Netizens on Kris Lawrence' post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens on Kris Lawrence' post

Netizens on Kris Lawrence' post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DJ Martin D dies at 56

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Lawrence and Katrina Halili welcome a new chapter: "All I know is I’m happy… KAMI NA bahala where this new chapter takes us."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results