Binasag na sa wakas ni Bianca Manalo ang kanyang pananahimik ukol sa hiwalayan nila ni Senate President Sherwin "Win" Gatchalian.
Umabot sa halos walong taon ang relasyon ng beauty queen-actress at ng senador.
Sa programang Fast Talk with Boy Abunda kahapon, October 15, 2026, inusisa ni Boy Abunda si Bianca tungkol sa relasyon nila ng dating nobyo.

"We're friends," maiksing sagot ng Kapuso actress.
Dagdag niya: "We're... bakit nagpa-palpitate ako bigla?
"Anyway, we're good friends. We share custody of our three dogs.
"Pag may kailangan akong help, I still talk to him."
Ang tinutukoy niyang mga aso ay ang alaga nilang sina Purdelle, Paprika, at Pearl.
View this post on Instagram
Sabi pa ni Bianca tungkol kay Senator Win: "Siya pa rin tumutulong sa akin. Yung staff niya tumatawag sa akin pag may kailangan ako.
"So he still... he still takes care... takes good care of me."
Bakit sila naghiwalay?
Paliwanag ni Bianca, ayaw niyang maging balakid sa pagsisilbi ng dating boyfriend sa bansa.
Saad niya: "Ano... mas focused siya sa pag-aalaga ng bansa and naiintindihan ko yun, Tito Boy, kasi he's very hardworking.
"And mabuti na doon na lang, di ba, kesa sa ibang bisyo.
"Ang bisyo niya is magsakripisyo at magserbisyo para sa Pilipinas.
"So, sino ako para pigilan siya, di ba?
"So okay, I'm happy for him and I will forever support him."
Read: Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan’s Josh mockery
BIANCA MANALO ON THIRD-PARTY ALLEGATIONS
Inusisa rin ni Boy si Bianca tungkol sa third-party allegations sa kanya.
Una na rito noong 2023, kung saan nasangkot sa isang kontrobersiya si Bianca dahil sa kanyang Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez.
Read: Senator Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue
Kasunod nito ang paglabas sa isang online news site noong June 11, 2026, na hiniwalayan diumano ng tech millionaire, British national, at philanthropist na si Jonathan Michael Sterling at ng partner nitong si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Ang sinasabi nilang dahilan at third party ay isa raw beauty queen, si Bianca, na kinoronahang Bb. Pilipinas Universe noong 2009.
Read: Bianca Manalo's camp denies third-party allegation
Tanong ni Boy: "Ilang beses kang naakusahan na third party?"
Mariing itinanggi ni Bianca ang parehong alegasyon.
Ayon pa kay Boy, "You denied both. Pero ang tanong, bakit parati ka na lang napapasali sa mga kuwentong ito as a third wheel?"
Sagot ni Bianca: "I don't know.
"I don't know. And ngayong single ako, ang dami ko pa rin mga naririnig kung anu-anong mga istorya na iniisip ko, 'Ano ba yan? Bakit, bakit pag single ako parati akong nali-link kung kani-kanino? Kailangan ko na atang maging taken ulit.'
"Joke. Pero kung hindi naman ako ready pa, di ba, bakit ako magbo-boyfriend?"
Masaya na raw siya ngayon sa kanyang buhay kasama ang pamilya.
"So I'm happy. I'm focusing my happiness with my nephew and nieces and my sisters and my mom.
"So okay na ako for the... for now."
May mga tao raw talagang lapitin ng kontrobersiya, na sinang-ayunan naman ni Bianca.
At may panahon ding dapat nang magsalita para maituwid ang anumang isyu.
Ani Bianca: "Ako kasi, Tito, parang minsan iniisip ko... Yeah, I did.
"I always say buti na lang my network would always, GMA would always back me up.
"Because they know what's the real deal. Hindi ako magsisinungaling, di ba?
"Yung kung ayaw niyo maniwala, di wag.
"Kung yan ang gusto niyong paniwalaan, e, bahala kayo.
"Di ko naman kayo mapi-please lahat, e."
Read: Bianca Manalo and Sherwin Gatchalian: A Relationship Timeline
