Kumpirmadong magkasintahan na sina Zaijian Jaranilla 25, at Gela Atayde, 24.
Nitong nakaraang buwan ng Agosto, kinakiligan ng netizens ang hard launch na ginawa ni Gela sa boyfriend niyang si Zaijian.
Nangyari ito noong birthday ng aktor noong August 23.
May dalawang larawang kalakip ang post ni Gela sa Instagram kung saan tinawag niyang "Sungit" si Zaijian.
Mensahe ni Gela, na may kasamang star at heart emojis: "hbd to my idol since ‘09 Love you, sungit"

Read: Gela Atayde hard-launches relationship with Zaijian Jaranilla?
ZAIJIAN JARANILLA HAPPY WITH GELA ATAYDE
Sa media conference ng QCinema International Film Festival ngayong Huwebes ng tanghali, October 22, 2026, sa Max's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, magiliw na pumayag si Zaijian sa isang Real Talk one-on one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Masaya siya dahil ang kanyang animated short film na Sana'y Nandito Ka ay kasali sa festival ngayong taon.
Maganda ang aura niya kaya sa bandang dulo ng interview ay inusisa namin siya kung may nagpapatibok na sa puso niya.
Parang kinikilig niyang tugon, "Grabe! Grabe. Meron, siyempre."
Kumusta na sila ni Gela?
"Okay naman po, okay naman po kami ni Gel. Masaya po kami, sobra."
Ilang taon na ang kanilang relasyon?
"Isang taon at kalahati, mga ganun po," pag-amin ni Zaijian.
Tila masyadong low-key ang kanilang relasyon.
Paliwanag niya: "Okay naman maging low-key. Parang wala namang problema sa pagiging low-key po.
"Hindi naman kami..."

Nasa tabi ng PEP ang handler ni Zaijian kaya nagpaalam kami kung maaaring magsalita ang dating child actor.
Ang aktor na mismo ang nagsabing, "Yes po. Okay lang, walang problema."
Pagpapatuloy niya: "Hindi naman po siya issue para sa akin dahil hindi ko alam bakit nagiging issue siya sa ibang tao, ganyan.
"Kasi yung pagiging low-key, hindi naman ibig sabihin may itinatago ka or wala, ganun lang kayo, ganun lang kami talaga as a person.
"Dahil marami naman din paniguradong mga low-key na tao.
"Hindi naman kailangan lahat i-post sa social media na, 'Ay, kami na nito.' Yung mga nagpapapansin ba.
"Tapos siguro, gusto ko na rin din kunin yung pagkakataon para sabihin na kaya siguro parang ang big thing nung pagka-hard launch sa atin dito sa kultura ng Pilipinas, dahil maraming mga taong mapanghusga.
"Parang natatakot yung iba na magsalita or may... parang meron silang kung... meron silang gustong sabihin or proud sila sa isang tao na ganyan, tapos yung ibang tao parang sobrang KJ [killjoy].
"Hindi nila ma-appreciate yung kasiyahan ng ibang tao. Kaya, yeah, oo, ganun po siguro."
Read: Boy Abunda, Kris Aquino reunite for exclusive interview
ON KEEPING THEIR RELATIONSHIP PRIVATE
Ayon pa sa aktor, nais lamang niyang maging pribado ang relasyon nila ni Gela.
"Parang nakakapagod. Para po sa akin lang, nakakapagod po yun kasi, oo, public ano kayo, public figure kayo, pero hindi kayo pag-aari ng mga... ng ibang tao.
"Hindi yung kung ano na lang puwede ko sabihin sa kanya.
"Yung iba kasi matapang lang sa social media, e, yung mga puro troll. Alam mo yun, puro mga pagpapakalat ng mga kung anu-ano."
Iginiit ni Zaijian na hindi nila itinatago ang kanilang relasyon.
Nais lamang daw nilang maging safe space ang relasyon nila ni Gela.
"Oo dahil, kumbaga, kung ano nga po yung ang ayaw mong gawin sa yo, wag mo sanang gawin sa iba.
"Dahil kung ako, marunong naman akong mag-respect ng privacy at yung safe space ng ibang tao.
"So, gusto ko din na ganun yung gawin para sa akin.
"Kaya ewan ko, hindi ko... nagsasalita lang naman po ako para sa sarili ko. Pero siyempre iba-iba rin yung kung paano nahubog yung personality ng isang tao."
Samantala, gaganapin ang QCinema International Film Festival sa November 13–22, 2026.
Mapapanood ang mga pelikulang kalahok dito sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema – SM City Fairview.
PHP200 lang ang tiket sa festival screening.
Read: Jake Ejercito opens up about raising teenage daughter Ellie
