Isang proseso raw para sa award-winning actor na si Elijah Canlas ang pagiging single.
"Pagging single? Okay naman. Ganun lang. Normal lang.
"I mean, we're learning how to be single. So, it's a process. It's a day-by-day process that you don't really... there's no manual for.
"So I figure it out on my own. And so far, kinakaya naman. So, yeah," saad niya
Dating na ba siya?
"Wala, wala pang dating at all. Work," paglilinaw ni Elijah.
"Yeah, meeting people, ganun.
"Pero officially, like exclusively dating, wala pong mga ganun right now kasi dami ring ginagawa and really choosing to spend a lot of my time with friends and family.
"Yun talaga. Or work. Yun talaga yun."
Ano ang ibang pinagkakaabalahan niya sa labas ng showbiz?
"Wala, wala naman. I just go to the gym and I play sports with my friends.
"Play basketball, badminton, whatever.
"Kaladkarin kasi ako ngayon, e, so kung may mag-iimbita diyan, may birthday, ganyan, e, pupuntahan ko yun.
"Pero generally, yung pinaka-number one ko talaga ay manood ng movies.
"Like hindi, hindi biro yun. Pag nagka-rest day ako or early pack up ako, check agad ako anong palabas pinakamalapit na mall, ta's manonood akong movie kahit ako mag-isa.
"Yun po yung peace ko, I guess. Yun yung happy place ko, inside the cinema," pagbabahagi ni Elijah.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang online media si Elijah sa media conference ng QCinema International Film Festival noong Miyerkules, October 22, 2026, sa Max's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Si Elijah ang inilunsad na face of QCinema at itinuturing na siyang "QCinema Baby."

Read: Zaijian Jaranilla proudly admits relationship with Gela Atayde
TWO BREAKUPS
Dalawang beses nakaranas ng breakup si Elijah sa dati niyang girlfriend, ang actress-TV host na si Miles Ocampo.
Halos limang taon ang naging relasyon nila.

Nang isinapuliko nila ang kanilang relasyon bandang 2023, dalawang taon na ang itinagal ng kanilang pag-iibigan.
Ngunit bago matapos ang nasabing taon, naghiwalay rin sina Elijah at Miles.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
January 2024, nagkabalikan ang dalawa.
Ngunit nitong September 2026, inamin ni Elijah na hiwalay na ulit sila ni Miles.
Kuwento niya sa vlog ni Ogie Diaz: "As much as I've been trying to keep it private, siyempre I'm going through it, pero dahil nga lumalabas na siya, I think it's time for me to say, opo, totoo siya [na hiwalay na kami].
“Out of respect for Miles, siyempre I will always have love for her; kailangan sabihin na lang din para wala nang speculations na mas magpapalala pa sa pinagdadaanan namin.”
Read: Elijah Canlas confirms breakup anew with Miles Ocampo
Samantala, gaganapin ang QCinema International Film Festival sa November 13–22, 2026.
Mapapanood ang mga pelikulang kalahok dito sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, at SM Cinema – SM City Fairview.
PHP200 lang ang tiket sa festival screening.
