Hindi umubra kay Elijah Canlas ang kasabihang “love is sweeter the second time around.”
Ito'y matapos niyang aminin na totoo ang mga lumalabas na haka-haka kamakailan tungkol sa estado ng relasyon nila ng actress-TV host na si Miles Ocampo.
Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong gabi ng Martes, September 1, 2026, tuluyan nang kinumpirma ni Elijah na hiwalay na sila ni Miles.

Pahayag ng aktor: “As much as I've been trying to keep it private, siyempre I'm going through it, pero dahil nga lumalabas na siya, I think it's time for me to say, opo, totoo siya [na hiwalay na kami].
“Out of respect for Miles, siyempre I will always have love for her; kailangan sabihin na lang din para wala nang speculations na mas magpapalala pa sa pinagdadaanan namin.”
Sa pagkakataong ito, dobleng sakit daw ang naramdaman nina Elijah at Miles, dahil ito ang pangalawa at huling beses na tinuldukan nila ang kanilang relasyon.
Noong November 2023, si Elijah din ang unang nagsapubliko tungkol sa paghihiwalay nila ni Miles.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan, muling nagkabalikan ang dalawa.
Read: Elijah Canlas reveals relationship status with Miles Ocampo
Hanggang sa muli silang maisyu na hiwalay na noong huling linggo ng Hulyo ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Elijah, mas masakit ang hiwalayan nila ngayon kesa sa una dahil umasa raw silang sila na ang magkakatuluyan matapos nilang muling magbalikan.
Gayunman, maayos at puno raw ng pagmamahal at pag-unawa ang kanilang paghihiwalay.
Ani Elijah: “Ayun yung masakit na part about it, kasi when we got back together, thinking, you know, this is it, but that's what happens with relationships.
“Binigay namin ang lahat. We broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part.
"Masakit yung ganung klase na mutual, yung wala namang problema pero na-realize niyo lang na baka hindi na talaga match.
"I don't want to get into the full details, out of respect for her and our relationship. Pero ayun po yung totoo.
"It was a mutual decision. It wasn't just me; it was her also.
"Doon na kami sa point na noong nag-decide kami, umiiyak lang kami and said thank you to each other for the past five years na mga pinagdaanan namin.
"Masakit yung ganun, pero nag-decide kami as adults to separate, to break up basically.
"And we need to respect that kasi desisyon namin yon. We have that decision together."
Read: Miles Ocampo in four-year relationship with Elijah Canlas
Nang pareho silang magdesisyong maghiwalay, hindi na rin daw ito hinadlangan ni Elijah.
"Parang it would be bad if tinray ko pa ulit kasi nag-decide na kami noon nang sabay.
"Respetuhin ko na dapat yung desisyon na yon.
"Habang buhay ko naman siyang mamahalin. Habang buhay ko siyang rerespetuhin, kaya hindi ko na para guluhin yung mga napagdesisyunan namin."
Read: Elijah Canlas on Miles Ocampo: "We support each other."
Kung maayos at mutual ang kanilang breakup, masasabi ba ni Elijah na nananatili silang magkaibigan ni Miles?
Sagot ng aktor: "I don't know if we can say that now.
"We broke up amicably, yes. But we were together for five years. It's not easy to jump back into being friends like that.
"It's been a couple of months pa lang. It's been very fresh.
"I'd be open to it, of course. The love will always be there, and she's a great, great person, and I love that.
"Iba pa yung panahon ngayon. We need to heal."
ELIJAH DENIES CHEATING RUMORS
Bagamat ayaw idetalye ni Elijah ang puno't dulo ng kanilang paghihiwalay, mariin niyang pinabulaanan ang kumakalat na espekulasyong may kaugnayan sa third party ang pagtatapos ng relasyon nila ni Miles.
Saad ni Elijah: "That's not true. Miles would know; it's not true.
“People close to us would know that it's not true.
“There was no third party involved, ever.
"I don't want to come off as defensive kasi kaya even when press people ask, I try not to say that kasi I don't want to come off as defensive.
“Pero ayun naman yung totoo. Wala talaga.
"I guess ayun talaga yung madalas na speculation when it comes to a couple breaking up. Yung lalaki yung may kasalanan o nagloko.
"Pero sobrang mahal na mahal ko po yon [si Miles].
"Na-experience ko na rin [maloko], so hindi ko gagawin yon, lalo na sa kanya."
ELIJAH CLARIFIES SIGHTING WITH THEA ASTLEY
Binigyang-linaw rin ng binata ang kumalat na video nila ng Kapuso singer-actress na si Thea Astley, na isa umano sa pinagmulan ng haka-hakang niloko niya si Miles.
Read: Elijah Canlas spotted with Thea Astley in market video

“Out of respect for Miles and out of respect for Thea, I guess kailangan kong sabihin na ang OA [overacting] ng mga tao.
“They made a mountain out of a molehill. There was no molehill to begin with.
“Thea and I are just friends, and we've been friends for a while.
“It wasn't just the two of us in La Union; we were with our other friends.
"Kung papanoorin ulit yung video, hindi ko naman siya hinawakan sa kamay.
"Inurong ko lang po siya kasi pipiktyuran ko sila...
"It was just really, like, people blew it out of proportion, and that was really unfair to me, to Miles, to Thea, unfair to everybody involved, and to my friends who were there also.
"Pumunta lang ako sa La Union kasi sunud-sunod yung trabaho ko, kaya sabi ko parang gusto kong mag-beach.
"So, nag-beach ako tapos nagyaya lang ako ng mga kaibigan na gustong sumama.
"Pero magkakaibigan lang talaga kaming lahat. Kaya nakakatawa na ginagawang isyu ng mga tao, though fake news talaga.
"Yung ibang tao, sigurado na talaga sila na nagloko ako, na may iba na ako.
"Wala akong bago. I'm just coming off fresh from a breakup.
"[Thea] is just my friend."
Read: Thea Astley denies dating Elijah Canlas: "We're just friends."
ELIJAH SAYS RELATIONSHIP WITH MILES WAS THE BEST FIVE YEARS OF HIS LIFE
Sa ngayon, wala pa raw sa plano ni Elijah na maghanap ng bagong mamahalin.
Masyado raw kasing malaki ang puwang ni Miles sa puso at buhay niya para agad niya itong makalimutan.

Lahad niya: "It's not time for that. Right now, I'm focused on work. I'm focused on myself.
"You know, I was in a relationship for five years, that's a long time in my life.
"And those five years, I don't regret any of it. Those were the best five years of my life.
"It would be a dishonor to myself, even to my heart, to just jump straight into another relationship."
Read: Elijah Canlas, aminadong "hindi okay" sa mga naririnig na balita
Sa huli, may pakiusap si Elijah sa mga patuloy na nagkakalat ng maling espekulasyon tungkol sa naging relasyon nila ng Eat Bulaga! co-host.
Pahayag niya: "Sana yung pag-speculate ng mga tao...Though wala naman kaming magagawa, we're public figures, it comes with the job.
"Minsan masakit. Siyempre, hindi nila alam yung totoo. Wala naman silang alam.
"That's how I'd like to keep it. Yung mga pinagdaanan namin, amin yon, e.
"Yung pagmamahalan namin, amin yon.
"Sobrang dami naming pinagdaanan, and ang hirap na i-minimize lang yung sa breakup na ang daming speculation na ganito ganyan.
"Pero no, it's much more than that, and kami lang pong dalawa ang nakakaalam nun.
"Kaya sana respetuhin ng mga tao yon."
Diin pa niya, "Sana, they go easy on Miles. Go easy on me and let us heal, basically."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon si Miles hinggil sa mga naging pahayag ng kanyang ex-boyfriend.
