PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan feels "awkward" after Baby Dolls Juby’s "dream"

Donny: "I personally don't think naman that she meant anything bad with it..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 5 hours ago
Donny Pangilinan feels awkward after Baby Dolls Juby’s dream
Donny Pangilinan on Juby Sabino’s (inset) intimate dream about him: "Baka masyado lang na naging komportable siya. I know this is just one of their interviews. It was a learning experience for everyone."
PHOTO/S: Star Magic on Facebook

Naiintindihan ni Donny Pangilinan kung saan nanggagaling ang mga tagasuporta niyang nagalit sa pagbabahagi ng Baby Dolls member na si Juby Sabino na minsan niyang napanaginipan ang aktor na "kine-keme" siya nito.

Ayon kay Donny, nauunawaan niya ang magkakaibang reaksiyon ng publiko sa isyu.

Naniniwala rin siyang mahalagang mapag-usapan ang ganitong mga usapin, lalo na sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang mga impormasyon online.

Pahayag ni Donny sa eksklusibong panayam niya kay MJ Felipe ng TV Patrol nitong Martes, October 27, 2026: "Honestly, I understand naman where some people are coming from.

"I think it's nice that they're able to spark these types of conversations. I think these are very healthy conversations to have.

"Siguro it's more of a question of whether certain things should be shared on different platforms.

"I think ayun yung pinag-usapan nila, it's a good thing to talk about."

IS DONNY OFFENDED BY JUBY'S DREAM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala raw si Donny na walang masamang intensiyon si Juby nang ikuwento niya sa publiko ang naging panaginip nito tungkol sa kanya.

Naiintindihan din daw ng aktor na maaaring naging komportable lamang ang Baby Dolls member sa pagkukuwento.

Saad niya: "I personally don't think naman that she meant anything bad with it, to hurt someone.

"Baka masyado lang na naging komportable siya. I know this is just one of their first interviews.

"It was a learning experience for everyone, but ako, I wish them all the best."

Read: Ate Gay’s family seeks financial help as hospital bills hit P2.4M

Sundot na tanong sa aktor, "Were you offended?"

Mabilis na sagot ni Donny, "Hindi naman offended, siguro mas awkward, kasi alam kong makikita ko sila.

"We're on the same network, you know. Mas yun siguro."

BABY DOLLS' JUBY SHARES INTIMATE DREAM ABOUT DONNY

Naging usap-usapan online ang rebelasyon ni Juby sa guest appearance ng Baby Dolls sa Gandang Gabi, Vice noong October 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naturang episode, tinanong ng host na si Vice Ganda ang pitong miyembro ng grupo kung sino ang kanilang male celebrity crush na pag-aalayan nila sa viral nilang kantang "Oohh Lala Baby," na may catchy lyrics na "Para lang sa'yo igiling-giling mo."

Dito, isiniwalat ni Juby na si Donny ang celebrity na kanyang hinahangaan.

Baby Dolls’ Juby, Vice Ganda criticized over Donny Pangilinan dream story
Baby Dolls’ Juby
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpadagdag pa raw sa kanyang pagkahumaling nang minsan niya itong mapanaginipan.

“Hindi ko kasi talaga siya crush na crush. Tapos, on a random night, napanaginipan ko siya, kine-keme niya ako,” kuwento ni Juby.

Sinundan ito ng tanong ni Vice kung natapos ang sinasabing intimate dream, na sinagot naman ni Juby ng “Opo.”

Baby Dolls’ Juby, Vice Ganda criticized over Donny Pangilinan dream story
Vice Ganda's reaction to Juby's revelation.
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, umani ng batikos ang singer mula sa ilang netizens na kumuwestiyon sa pagbabahagi niya ng sensitibong detalye, lalo na't tinalakay ito sa isang programa sa telebisyon.

Para sa ilang netizens, tila naging paraan din daw ang kuwento upang i-sexualize si Donny.

May ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya sa naging reaksiyon ni Vice sa kuwento, lalo na sa pagtatanong pa nito ng karagdagang detalye.

Read: Baby Dolls Juby draws flak over dream about Donny Pangilinan

Para sa mga kritiko, mahalagang isaalang-alang ang dignidad at respeto sa isang tao, anuman ang kasarian nito, kahit pa ang pinag-uusapan ay isang panaginip lamang.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na anumang pahayag sina Juby at Vice.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan on Juby Sabino’s (inset) intimate dream about him: "Baka masyado lang na naging komportable siya. I know this is just one of their interviews. It was a learning experience for everyone."
PHOTO/S: Star Magic on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results