Sa guest appearance ni Robi Domingo sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, tinanong siya tungkol sa ex-girlfriend niyang si Gretchen Ho.
Kahit naghiwalay sila, naging maayos pa rin ang professional relationship nilang dalawa.
Pagbabahagi ni Robi: "We have events together, and as a matter of fact, yung kapatid niya is our pedia.
"So ganun, ganun yung relationship namin."
Ang tinutukoy ni Robi ay ang kapatid ni Gretchen na si Dr. Justin Ho, isang pediatrician.

Ang kapatid ni Gretchen ang tumatayong doktor ng baby ni Robi at misis niyang si Maiqui Pineda.
Ayon sa host na si Boy Abunda: "You know why I ask? Kasi sa tagal niyo ni Gretch, parang ang hirap putulin ang ilang mga bagay around you.
"Now you have common friends, for example.
"I worked with her, and I remember doing a very quick conversation about you."
Biro pa ni Boy, "Siyempre hindi naman kita siniraan, pero you know, I'm really glad.
"Aside from Gretchen, do you talk to your exes?"
Sagot ni Robi, "Parang, for the record, I don't get to talk to Gretchen, you know, all the time."
Selosa ba ang asawa niyang si Maiqui?
"No, not at all," sagot ni Robi.
"Siya pa nga, whenever I receive an inquiry na sasabihin, 'Okay, there's this scope of work and then ito yung trabaho, co-host with Gretchen Ho,' siya mismo magsabi ng 'Go accept it.'"
Read: Robi Domingo confirms reconciliation with John Lloyd Cruz
ROBI-GRETCHEN BREAKUP
Matagal nang hiwalay sina Robi at Gretchen.
Taong 2017, umugong ang balitang hiwalayan nila mula sa apat na taong relasyon.
Sa March 1, 2017 episode ng defunct ABS-CBN show na Tonight With Boy Abunda, kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng isang joint statement.
Ang rason nila pareho ay ang kanilang kagustuhang mag-focus sa kanya-kanyang karera.
READ: Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Noong panahong iyon, bahagi si Robi ng Pinoy Big Brother at The Voice; si Gretchen naman ay co-host ng morning show na Umagang Kay Ganda.
Mula noon, napanatili nila ang kanilang professional relationship dahil nakikita silang magkasamang naghu-host sa iisang event.
Read: Mavy Legaspi denies PBB Big Night debacle led to his exit
